Chapter V

12.1K 302 5
                                    

"Bitawan niyo nga ako!" galit na iwinaksi ni Isay ang mga kamay ng gwardiya.

"Ma'am, kami ang mapapagalitan sa ginagawa niyong iyan, eh."

"Kaya kakaladkarin niyo na lang ako? Ganoon?" aniya na bahagya pang tumingkayad sa harap ng matangkad na gwardiya.

"Bakit po ba kasi balik kayo nang balik diyan. Eh, galit naman yata sa inyo si Sir," tanong ng isang gwardiya.

"Ganoon lang talaga 'yung boyfriend ko na 'yon. Matagal kasi akong nawala kaya masama ang loob niya sa akin,"kunwa'y sabi niya.

Napakunot ang noo ng gwardiya. "Boyfriend niyo po si Sir?"

"Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Mama niya pa nga mismo ang nagpapasok sa akin dito, 'di ba?" nanlalaki ang mga matang sabi ng dalaga.

"Oo nga. Mama nga ni Sir Zander 'yung nakausap namin noong isang araw. Pero paano 'yan? Ayaw ka nga niyang makausap?" sabat ng isang guard.

"Tulungan niyo na lang ako. Katokin niyo lang siya para magbukas siya ng pinto. Tapos ako na ang bahala," ani Isay.

Napakamot sa ulo ang isang gwardiya. "Ma'am, baka sumabit kami riyan, ha?"

"Hindi. Ako ang bahala."

Habang pabalik sila sa unit ni Zander. Gumagana na ang isip ni Isay, kung ano'ng drama ang gagawin niya para maisahan niya si Zander. At gaya nang napagusapan, kinatok ng dalawang guard ang unit ni Zander. Sa pagbukas nito ng pinto agad na sumingit si Isay.

Sinadya niya pang palungkutin ang mukha na tila naiiyak. "Babe, parang awa mo na. Mag-usap naman tayo, oh. Sabi mo mahal mo ako? Hindi ka ba naawa sa amin ng magiging baby natin," aniya sabay himas sa tiyan. Nagsalubong ang kilay ni Zander. "Ano'ng pinagsasabi mo, riyan?"

Lumapit siya kay Zander atsaka siya yumakap sa braso nito. "Sorry na, Babe. Huwag mo na kaming palayasin ni Baby," nangingilid ang luhang sabi ng dalaga.

Lalong kumunot ang noo ng binata. Iwinaksi nito ang kamay niya atsaka siya itinulak papalayo. Doon na nakakuha ng pagkakataon si Isay. Nagpatibuwal siya sa sahig para makuha ang simpatya ng dalawang gwardiya.

"Guard, baliw ang babae na 'yan. Palayasin niyo 'yan," ani Zander.

"Grabe! Akala ko naman mabait ang isang 'yan. Kawawa naman 'yung babae," bulong ng babaeng dumaan sa harapan nila kasama ng isa pang babae na nakatira sa unit malapit sa unit ni Zander.

Lalong nanggigil si Zander. Nilakihan siya nito nang mga mata na tila nagbabanta. Nag-iyak iyakan siya para mas lalong makuha ang simpatya ng mga gwardiya.

"Sir, ayusin niyo na lang po ang gusot niyo ni Ma'am. Nakakahiya po sa ibang tenant. Nakakabulabog na po kayo," sabi ng matabang gwardiya.

"Pero hindi ko nga siya kilala!" angil ni Zander.

"Sige na po, Sir. Mag-usap muna po kayo ni Ma'am," sabi ng isa pa na may katangkaran.

Habang nakikipag-usap si Zander pasimpleng pumasok na sa loob si Isay atsaka sumenyas ng okay sa mga gwardiya.

Nanlaki ang mga mata ni Zander nang makita siya. "Hoy! Aano ka na naman diyan?" ani Zander na agad siyang sinundan sa loob.

Napakamot na lang sa ulo ang mga gwardiya.

"Bakit ba ang kulit mo, ha? Sinabi nang hindi kita kailangan, eh."

"At bakit hindi? Tingnan mo nga 'yang sarili mo? Ang laki nang ibinagsak ng katawan mo. Kumakain ka pa ba?"

Kapwa sila napalingon sa likuran. Nakapasok na pala sa nakabukas na pinto ang mama ni Zander nang hindi nila namamalayan.

"Ma, ano na naman ba 'to?" ani Zander habang papalapit sa ina. Nakasimangot na humalik siya sa pisngi nito.

"Ano'ng masama kung ikuha kita ng taong mag-aasikaso sa'yo?"

"Ma, hindi na ako bata!"

"Then act like an old one! Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Para kang sira, na naghihintay sa isang babaeng ni hindi mo nga namukhaan. My God Zander! Twenty eight years old ka na pero ka pa ring bata na naghihintay sa first love mo."

Napakiling si Zander. "Ma, ano naman ang kinalaman noon sa pagkuha mo ng yaya?"

"Kaysa maghintay ka sa babaeng hindi mo naman alam kung buhay pa. Ikinuha na kita nang mag-aasikaso sa'yo. Forget about her! Marami pang iba riyan. Ayan, oh, ke-gandang babae," anito sabay turo kay Isay. "Bakit hindi na lang siya ang ligawan mo?"

Mas lalo pang dumilim ang mukha ni Zander. "Hindi ko siya kailangan!"

"Sige! Pumili ka. Siya ang titira rito kasama mo o ako?"

Napaawang ang mga labi ni Zander. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang tumira sa kanya ang mama niya. Masyado kasi siya nitong bine-baby. Kung ano-ano'ng organic food ang pinapakain nito sa kanya to the point na halos masuka na siya. Kaya dalang-dala na siya kapag nakikita niya ito.

"Okay, fine! Sige payag na ako sa gusto niyo, Ma. Basta hindi ang organic food mo ang ipapakain niya sa akin."

Napangiti ang mama niya. "Marunong namang magluto si Isay. Siya na ang bahalang magpakain sa'yo."

"Ginagawa mo naman kasi akong bata, Ma."

"Ayusin mo kasi 'yang sarili mo. Itigil mo na ang paghihintay mo sa wala. Ang tagal mo nang naghahanap sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin kayo nagkikita. Maybe it's about time, anak," anito patungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.

"Ma?"

"Hala, sige na. Si Isay na ang bahala sa'yo. Aalis na ako." Sumenyas pa ito ng okay kay Isay bago tuluyang umalis. Napangiti si Isay. Sa wakas makakapagtrabaho na siya ng payapa. Payapa nga kaya?

"Hoy! Gising!" ani Zander na noo'y ikinikiskis sa ilong niya ang feather duster.

Napakuskos siya sa ilong sabay hatsing. "Ano ba? Ang dumi kaya niyan," sigaw niya.

"Bakit mo ko sinisigawan? Wala kang respeto, ah. Gusto mong sisisantihin kita?"

Ngumisi ang dalaga atsaka naupo sa kama. "Hindi mo ako masisisante, dahil hindi naman ikaw ang amo ko."

Ngumisi rin si Zander. "Sino ang may sabi sa'yo? Para lang sa kaalaman mo, hindi lang ikaw ang unang kasambahay na ipinadala ng mama ko rito. Kaya huwag kang pa-importante riyan!"

Napatulis ang nguso ng dalaga.

"Maaga akong nag-aalmusal kaya dapat maaga ka ring gumigising," anito atsaka siya tinalikuran.

Nagmamadaling bumaba sa kama si Isay atsaka siya sumunod kay Zander."Ano ba ang kinakain mo sa almusal, Boss?" tanong niya.

Napatigil sa paglalakad si Zander. "Bilib na bilib sa'yo si Mama, 'di ba? Pwes, sige. Paandaran mo ko," anito nang humarap sa kanya.

Napatulis ang nguso ng dalaga. "Ano kayang trip ng masungit na 'to?"

The other chapter will be posted on dreame. See you there!









Mr. Sungit BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon