Prologue

25.2K 403 12
                                    

Maingat na itinaas niya ang damit pang itaas ni Zander para hindi niya masagi ang sugat nito sa mukha. Napalunok ang binata nang malanghap ang mabangong hininga ng dalaga. May kung ano'ng pwersa na tila humahatak sa kanya papalapit sa dalaga. Pero pilit niya itong nilalabanan. Nakatingin lang siya kay Isay habang ibinabalot nito sa kanya ang tuwalya.

Dala ang cell phone. Nagtungo si Isay sa kusina. Kumuha ito nang palanggana na may tubig atsaka muling bumalik sa kanya.

"Dinukot ni Isay ang bimpo sa bulsa ng bag niya atsaka niya ito binasa at ipinunas sa mukha ni Zander. Napapalunok si Zander habang pinapanood ang dalaga na walang imik habang pinupunasan siya.

"Ahh!" daing niya nang masagi ni Isay ang sugat niya sa pisngi.

"Sorry, Boss," ani Isay sabay ihip sa pisngi niyang nasaktan. Mas lalo pang napalunok ang binata. Mariin siyang napapikit para malabanan ang tuksong kanina pa umaalipin sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso niya at halos hindi na siya makahinga.

"Kaunti na lang, Boss. Tiisin niyo lang po," ani Isay nang mapadako sa mga braso niya.

Napakapit si Zander sa sofa habang maingat na hinahagod ni Isay ang ang dibdib niyang noo'y puno rin ng putik.

"Sh*it! Bakit ako naaakit sa kanya."

Sa bawat paghagod ng bimpo ng dalaga tila may kuryenteng gumagapang sa katawan ni Zander.

"Okay na ako," ani Zander sabay hawi ng kamay ng dalaga. Kapag nagtagal kasi 'yon baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya. At kung ano pa ang magawa niya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya habang dahan-dahang bumabangon. Pero medyo malalim at makirot ang naging sugat niya sa binti kaya hindi niya nagawang tumayo.

"Dito na lang po kayo, Boss. Ako na po ang kukuha ng pagkain natin. May naitabi naman po akong pagkain mula sa labas kanina."

Napabuga ng hangin si Zander nang makalayo si Isay. Masyado na kasi siyang nadadala sa bawat paghaplos nito sa kanya.

"Gago ka, Zander! Ano'ng nangyayari sa'yo!" bulong niya sa sarili. Pilit niyang inabot ang drawer atsaka niya kinuha ang emergency light. Kasabay nang pagkalat ng liwanag sa buong sala nagliwanag ang mukha niya at bahagya siyang natawa. Gets na niya ngayon kung bakit na- set up sila. Ito marahil ang gusto ng mama niya, ang mahulog sila sa isa't isa ni Isay.

Naningkit ang mga mata ni Zander."Ibig sabihin, gusto ni Mama si Isay para sa akin. Kapag naging kami ni Isay, makukuha ko rin ang pondong hinihingi ko." Nangislap ang mga mata niya. Wala namang masama kung maging sila pansamantala ni Isay. Hindi naman siya lugi dahil maganda naman ito. Mukha namang uto-uto si Isay kaya madali lang para sa kanyang hulihin ang loob nito. Saka niya na lang ito didispatyahin kapag nakuha na niya ang pondong ibibigay ng Mama niya.

Nangingiti pa siya nang bumalik ang dalaga dala ang plato ng pagkain.

"May ilaw na?" nakangiting sabi nito.

"Nagtiis ka sa dilim, mayroon namang emergency light diyan sa drawer," ani Zander habang inaabot ang dalang pagkain ni Isay.

Napatingin si Zander sa gawing itaas ng shelves na nasa gilid ng sala at doon niya napansin ang munting ilaw na kumikislap-kislap na nakaipit sa pagitan ng dalawang libro.

Napailing na lang siya pero hindi siya nagpahalata.

"Si Mama talaga!"

"Kain na tayo," aniya sabay hila sa isang kamay ni Isay. Na-out of balance ang dalaga kaya napsubsob ito sa kanya. Namilog ang mga mata ni Zander habang nakatukod ang kamay sa dalaga. Abot-abot ang kabog ng dibdib niya noon. Napalunok ang binata nang bahagyang masilip ang dibdib ng dalaga. "Mag-ingat ka naman," kunwa'y sabi niya atsaka niya ito itinulak palayo. Napangisi si Isay. "S-Sorry po, Boss."

Seryoso ang mukhang tumango ang binata.

Matapos kumain, inalalayan siya ni Isay papasok sa bodega kung saan naroroon ang generator. Nang maglinawanag na sa buong paligid doon palang sila pumasok sa kwarto. Hindi na siya nagtaka na may mga damit na naka-hanger sa cabinet na sukat sa kanilang dalawa ni Isay. Siguradong parte 'yon ng plano ng mama niya.

Iika-ikang tinungo niya ang drawer atsaka siya kumuha ng pamalit na damit. "Mauna na akong maligo sa'yo," ani Zander. Iniwan niya si Isay na noo'y nangunguha ng damit sa bag.

Nang makatapos siya. Sumunod namang naligo si Isay. Dire-diretso ito nang lumabas ng banyo.

"Saan ka pupunta?" aniya nang akmang lalabas ng kuwarto si Isay.

Napalingon ito sa kanya. "Sa labas po, Boss?"

"Dito ka sa tabi ko," aniya sabay tapik sa kama.

Namilog ang mga mata ni Isay. "Bakit po?" kunot ang noong tanong ng dalaga.

"Malamig sa labas. Dito ka na lang din matulog.

Walang mabasang emosyon si Isay sa mukha ni Zander. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Todo ang kabog ng dibdib ni Isay nang mga sandaling 'yon. "Ano'ng gagawin ko?" Tinimbang ni Isay ang sitwasyon. Nasa isla sila at walang ibang tao. Lahat pwedeng gawin sa kanya ni Zander. Wala siyang kalaban-laban kung pupwersahin siya nito.

"Lock the door," ani Zander.

Napalunok si Isay at tila natulos sa kinatatayuan.

Dahan-dahan niyang isinara ang pinto.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Natatakot ka ba sa akin?" natatawang sabi ni Zander.

Tahimik lang si Isay habang naglalakad papalapit sa kanya.

Sa liwanag nang buong kuwarto, kitang-kita ni Zander kung paano nagkulay suka ang mukha ng dalaga.

"Hey! Okay ka lang?" aniya sabay tapik sa pisngi ng dalaga.









Mr. Sungit BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon