Ilang minuto nang nakatingala si Isay sa labas ng building na 'yon habang ini-imagine ang sarili na nagtatrabaho sa loob noon. Nang marinig niya ang sunod-sunod na pagbusina ng kotse sa bandang likuran niya. Sa pagkagulat, nabitiwan ng dalaga ang hawak niyang folder at nagliparan ang dala-dala niyang papeles sa kalsada. Katatapos lang ng malakas na ulan noon kaya nabasa ang mga ito.
"Miss, pwede ba tumabi-tabi ka riyan?" sigaw ng driver ng kotse.
Nagsulubong ang kilay ni Isay. Galit na sinugod niya ang lalaki atsaka niya ito kinatok sa bintana.
"Hoy! Mamang mayabang! Lumabas ka riyan!" sigaw niya.
Dahan–dahang nagbaba ng bintana ang lalaki. Napaawang ang mga labi ni Isay nang masilayan ang taglay na ka-gwapuhan ng lalaki. Mapungay ang mga mata nito na binagayan ng makapal na kilay. Pamilyar sa kanya ang wangis ng mukha nito pero hindi na niya maalala kung saan niya ito unang nakita.
"What?" kunot ang noong sabi ng lalaki nang hindi siya nakakibo?"
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita?" aniya sabay turo ng mga papel sa kalsada. "Nabasa lahat ng papeles ko. Bayaran mo ako!" singhal niya sa lalaki.
Natawa ang lalaki. "Ayos, ah. Ano 'to? Modus mo?" Umiling ito. "Sinadya mong gumitna riyan para makakuha ka ng pera?"
Nanggigigil na napakagat sa labi si Isay. "Aba't! Ang yabang mo naman. Porke't de-kotse ka, akala mo kung sino ka na. Nadumihan lahat ng mga papeles ko. Hindi biro ang ginastos ko sa pag-aayos ng mga 'yan. Maaring sa'yo barya-barya lang 'yan. Pero hindi sa isang tulad ko."
Napakiling ng ulo ang lalaki at unti-unti nitong isinasara ang bintana ng kotse.
"Hoy! Ano ba? Bayaran mo sabi ako, eh!" sigaw ng dalaga na noo'y gumitna na sa daraanan ng kotse.
"Magpapakamatay ka ba, ha?" sigaw ng lalaki. Ibinukas nito ang bintana ng kotse ng bintana ng atsaka bahagyang inilabas ang ulo.
"Hindi ako aalis dito hanggat 'di mo ko binabayaran," aniya sabay yakap sa harapan ng kotse.
Nag-flashback sa memory ng lalaki 'yung panahong naaksidente siya. Pero ipinikit lang nito ang mga mata atsaka muling idinilat. Hindi niya alam kung bakit niya biglang naalala ang eksenang iyon kung saan dumungaw ang isang babae sa harapan ng kotse niya.
"Hoy! Nagbabayad ka ba o hindi?" sigaw ng babae na hindi bumibitaw sa pagkakayakap sa kotse.
"Sira ka pala, eh. Bakit naman kita babayaran?" anang lalaki na noo'y itinigil na ang makina at binuksan ang pinto ng kotse.
Napaawang ang mga labi ni Isay habang pinagmamasdan ang lalaki na noo'y papalapit na sa kanya. Ang linis nitong tingnan sa suot nitong puting long sleeve na tinernuhan ng kulay cream na pants. Kung hindi siya nagkakamali nasa 5'8" ang taas nito.
"Ano ba'ng babayaran ko, ha?" anito nang makalapit sa kanya.
Pero bigla itong natigilan nang biglang nag-flashback sa alaala nito ang imahe ng babaeng nagligtas sa kanya noon sa isang aksidente. Medyo blurd ang paningin niya noon kaya hindi niya namukhaan ang babae. Napakiling ang ulo ng lalaki. Para kasing may kung ano'ng naramdaman siya nang malapitan niya ang babae.
"Hoy! Okay ka lang?" Biglang natauhan ang lalaki nang tapikin niya sa braso.
Napakunot ang noo ng lalaki. "Ano ba'ng kailangan mo, ha? Ano'ng pakulo 'to?"
"Paulit-ulit? Nabasa nga ang mga papeles ko 'di ba? Ano? Tanga lang?" gigil na sabi ni Isay.
Napailing ang lalaki sabay napangiti.
"Ahh, siguro hindi sa'yo kotse 'to, noh? Oh, sige. Ganito na lang. Tawagan mo na lang 'yung amo mo," ani Isay.
Natawa ang lalaki. "Mukha ba akong driver?"
Napataas ang isang kilay ng dalaga. Pinasadahan niya nang tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Sa hitsura? Hindi. Pero dahil hindi mo magawang magbayad ng danyos mo sa akin, malamang hindi ikaw ang may-ari ng kotse na 'yan," nakangiting sabi ni Isay.
Napakiling ng ulo ang lalaki. "Wow! Ayos, ah."
"So, driver ka nga?" aniya.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Magkano ba ang kailangan mo, ha?"
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalaga. "Hindi ko sure kung magkano magagastos ko. Bigyan mo na lang akong Isang Libo. Ibabalik ko na lang sa'yo ang sobra," aniya sabay lahad ng kamay.
Natawa ang lalaki. "Ibabalik? At may balak ka pa talagang makipagkita ulit sa akin?"
Tumango siya. "Oo naman. Dito ka naman nagwo-work 'di ba? Dito rin ako mag-a-apply, eh," buong pagmamalaking sabi niya.
Napangisi ang lalaki. "Huwag mo nang tangkaing bumalik dito dahil hindi kita tatanggapin," anito sabay lapag ng Isang Libong Piso sa kamay niya.
"Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng building na 'yon? Sa'yo ba company 'yon?" aniya na itinuro pa ang building.
"Ano ba sa palagay mo?"
"Sus! Hindi mo ko magogoyo, noh," aniya sabay nguso sa lalaki.
Naiiling na tinalikuran siya ng lalaki. Sumakay na ito sa kotse atsaka mabilis na pinatakbo ang kotse. Natalsikan siya ng tubig sa mukha kaya muli siyang napasigaw.
"Antipatiko! Mayabang!" sigaw niya sa papalayong sasakyan.
Sa 'di kalayuan nakatanaw sa kanila ang isang may edad nang babae na nasaksihan ang buong pagtatalo nila ng lalaki.
"Karding, itapat mo ang kotse sa dalagang 'yon. Gusto ko siyang makausap," utos nito sa driver.
Kasalukuyan na noong nagpupulot si Isay nang tumapong papel sa kalsada.
"Miss, okay ka lang?" tanong ng babae nang magbaba ng bintana. Mukhang nasa singkwenta na pataas ang edad nito.
Tumigil sa pagpupulot si Isay atsaka ngumiti. "Okay lang po ako," aniya at muling nagpatuloy sa ginagawa.
"Naghahanap ka ba ng trabaho?" tanong nito.
Napatigil sa pagpupulot si Isay at nakangiting bumaling sa babae. "Taga riyan din po kayo sa building? Matutulungan niyo po ba akong makapasok diyan?"
Napangiti ang babae. "Oo naman. Tara sumama ka sa akin. May iaalok ako sa'yong trabaho."
Biglang natigilan si Isay. Maraming paalala sa kanya ang tatay niya tungkol sa mga kawatan sa Maynila. Mahigpit na bilin ni Mang Celso na hindi siya dapat basta-basta na lang magtiwala sa ibang tao. Tila nabasa naman ng babae ang nasa isip niya kaya agad itong naglabas ng business card.
"Marahil natakot ka sa alok ko. Don't worry, hindi naman ako masamang tao. Diyan din ako sa loob ng building na 'yan nagtatrabaho," anito sabay abot sa kanya ng business card.
"May trabaho akong gustong ialok sa'yo. Tawagan mo ako kapag nakapag-isip isip ka na," anito atsaka siya iniwan.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit Boss
Roman d'amourNaniniwala ka ba sa love at first sight? 'Yung unang kita palang tinamaan ka na agad. 'Yung parang gusto mo agad yakapin 'yung tao. Pero paano kung hindi kayo nabigyan ng pagkakataon? Meet Zander, ang lalaking na-in love sa babaeng nagligtas sa kany...