"Aalis na ako,"
I turned my head in his direction, waiting for his answer. He fixed his hair and licked his lower lip before nodding.
Napangisi ako sa mukha niya. I gave him a peck on the cheek bago ako nagmadaling maglakad dahil 4:05 na. 5 minutes na akong late. Ang landi niya kasi. Pero okay lang 'yon, 'yon nga ang gusto ko sa kanya. Kaya hindi siya boring.
"Wala pa instructor natin?" hingal na tanong ko kay Hazel nang pumasok ako sa classroom namin.
Pinunasan ko muna ang pawis ko bago nakangising umupo sa tabi niya. Inayos ko pa ng kaunti ang uniform ko kasi medyo lukot. Napamura ako nang makitang wala na ang isang butones ko.
"Wala pa," she answered while wincing and surveying me. "Ano na namang ginawa mo?" nandidiring sabi niya.
"Gusto mong sabihin ko sa 'yo?" paninigurado ko sa kaniya habang tinataasan siya ng kilay.
"No thanks," sagot niya kaagad. "Pero jusko naman Dolly! Huwag naman sa university!"
"Grabe ka naman makareact! Wala naman akong ginawa ngayon. Make out lang ng kaunti, promise. " Panunumpa ko pa sa kaniya.
"Ugh, no need to inform me about your... private businesses," she replied with a disgusted expression.
"Arte mo. Teh kilala kita, hindi ka santo." Asar ko kaya hinampas niya ako sa kamay para patahimikin.
Ugh. Fine.
Umayos tuloy ako ng upo at napatingin sa unahan. Halos irolyo ko ulit ang mata ko nang magtama ang paningin namin ni Lilura.
Papansin naman nito. Lagi na lang akong binabantayan at parang mamamatay kapag hindi ko nabigyan ng atensyon. Pangit niya.Napataas ang kilay ko nang makitang may ibinulong siya sa kaibigan niyang ubod ng inggit matapos akong tingnan ng puno ng panunuya.
Sabay pa silang tumawa. Halata namang ako yung pinag-uusapan nila. Bakit hindi na lang sabihin ng diretso sa akin? May pabulong-bulong pang nalalaman e rinig ko naman.
"Tingnan mo yung chikinini niya sa leeg" she whispered, smirking. "Panigurado, ibang lalaki naman ang may gawa niyan."
Teh, gawa 'to ng jowa mo.
Hindi ko mapigilang mapatawa ng kaunti sa naisip habang umiiling. Kapag sinabi ko 'yan sa kaniya, baka maglumpasay siya.
Hindi ko na lang sila pinansin at kinalikot ko na lang ang phone ko habang hinihintay ang Professor namin. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga pinagsasabi ng kalandian ko sa instagram at telegram.
Nawala lang ang ngiti ko nang biglang magpop up ang finorwad na message ng classroom representative namin. Hindi na daw tuloy ang class namin kay Sir kasi hindi pa tapos ang meeting niya!
Hanep. Sana sinabi agad! Edi sana hindi na ako pumasok at nakipaglandian na lang sa library.
"Una na ako," paalam ko kay Hazel bago lumabas na ng classroom.
"Girlllll!!"
Kaagad akong napangisi nang marinig ang sigaw ni Kala. Halos lahat ata ng estudyante sa hallway ay napatingin sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko nang tumigil siya sa harapan ko para manghingi ng suporta.
BINABASA MO ANG
I Love You from a Cold Soul
Romans[UNDER EDITING. SLOW UPDATES.] Season Series #1: WINTER It was all fun-and-games for Dolly. She never treated any of her relationships sincerely. But when Okin came, the wind seemed to blow in a different direction. He was able to thaw her cold hear...