IASASL 1: UNIT SECURITY AGENCY
Christine Villahermosa:
"WELCOME SECRET AGENT 617."
Napapikit ako ng paulit-ulit at baka guni-guni ko lang 'yon. Ngunit sa pangatlong pagmulat ng mga mata ko biglang nawala yung screen saka bumalik na ang dating background ng laptop ko.
Nakahinga ako ng malalim. Guni-guni ko lang ata 'yon! Paranoid na ako na maging isang secret agent, kaya ayan tuloy!
Dahil na stress ako sa nangyari, naisipan kong pumunta ng mall para mag-unwind. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kailangan ko munang gumala.
"Mommy, punta muna ako sa mall," paalam ko kay mommy.
"Okay sweetie, kailangan by dinner andito ka na, okay?" sabi ni mommy.
I gave her a kiss on her cheek. "Okay mommy. Bye!" sabi ko. "Sorry pala sa nangyari kanina mommy ha?"
"Don't worry, sweetie," sabi niya "Take care of yourself."
Nang makarating na ako sa labas ng village namin. Naghintay lang ako ng jeep o di kaya'y jeep, kaso wala e. Ang weird lang! Kasi dinadaanan talaga 'to ng mga PUV at PUJ. Pero ba't walang dumadaan ngayon?
Dahil sa inis ko, naisipan ko nalang na umuwi ng bahay. Sayang din yung oras ko kung maghihintay pa ako, diba?
Habang naglalakad ako pabalik ng Village. Nakaramdam ako na may sumusunod sa akin. Medyo kinabahan ako na excited dahil baka mapapasabak ako.
Dahil dito ay naisipan kong ilabas yung face powder ko para manalamin. Nagpapanggap akong nag-aayos pero sa totoo lang ay tinignan ko kung ano o sino yung sumunod sa akin.
Kahit gusto kong magulat ay pinilit kong hindi ipakita dahil baka isipin nila na nakita ko sila. Ibinalik ko muna yung face powder ko saka napahinto sa paglalakad.
Huminga ako ng malalim saka dahan-dahan lumingon sa dalawang Men in Black na sumusunod sa akin. Napatingin ako sa kanilang dalawa saka binigyan ng ngiti. Pero bago ko pa magawa yung binabalak ko...
...everything went black.
WHERE AM I?
The last thing I remembered ay papauwi na ako sa bahay nang may napansin ako sumusunod sa akin, yung dalawang Men in Black. Tapos bigla nalang akong nawalan ng malay.
My eyes widened. Don't tell me... na-kidnapped ako?
Kalma.
Kinalma ko muna yung sarili ko saka nag-isip kung ano ang magandang gawin. Napatingin ako sa paligid. Nasa isang silid ako na kung saan may ibang higaan rin sa tabi ko. Mukhang nasa clinic ako ngayon.
Dahan-dahan akong tumayo at bigla akong napatago nang may nahagilap ako na taong dadaan. I decided to crawl, palabas ng clinic. Huminto muna ako halfway para makita ko kung saan ako pwedeng lumabas.
May nakita akong pintuan na hindi kalayuan sa akin, kaya nagmamadali akong gumapang papunta do'n. Ngunit sa kalagitnaan nang aking paggagapang, hindi ko napansin na tumama na pala ako sa isang matigas na bagay.
"Aray ko po, ansakit!" reklamo ko habang hinimas yung ulo ko.
Napatingin ako sa aking harapan. Nakita ko ang dalawang binti. Lintik! Ang tigas neto! Sino ba kasing tao na may matigas na binti? Kasing tigas ng bakal.
I looked up, para makita kung kaninong paa na andito sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko dahil isang Men in Black lang naman ito!
BINABASA MO ANG
I'm a Secret Agent (Secret lang!)
Action[UNDER REVISION] AGENT SERIES 1 Christine's dream of becoming a secret agent drives her to train relentlessly from a young age. But when she's recruited by the USA as Agent 617, her world shatters in ways she never saw coming. Each mission brings he...