IASASL 4: EMERGENCY
"ANOOO?"
Hindi ako makapaniwala na magiging kaklase ko si bebe my labs. Like, panaginip ba ito? Saka paano niya nagawang ma-transfer dito sa section namin?
Hindi na ako nagtataka kung napaamo niya ang aming dean para i-transfer siya sa section namin.
Sineswerte nga naman!
He chuckled. "Totoo nga, Tine."
Napa-awang ang bibig ko nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. I gulped. Hahalikan na biya ba ako? Teka lang! Baka check ko muna kay may bad breath ako ngayon!
"We need to stick together through thick and thin, partner..." Bulong niya sa akin saka pinisil ang pisngi niya.
Lintik! Baka himatayin ka d'yan!
"Hi Be—"
My attention was caught by Mayang, kasama niyang pumasok si Jenen. Halata sa kanilang mukha yung pagtataka kung bakit andito si bebe my labs sa tabi ko.
O baka nagtataka sila kung bakit ang landi-landi mo kay bebe my labs!
"Hi, Blessy! Hi, Jenarie!" Bati ni bebe my labs sa kanila.
"H-Hello?"
Nakakatuwa yung reaksyon nilang dalawa. Same as them ay nagtataka din ako kung bakit andito si bebe my labs. Bago pa man ako tuluyang matuwa ay ngumuso si Mayang sa labas ng room kaya agad naman akong napasunod.
Syempre, nagpaalam muna ako kay bebe my labs bago tuluyang lumabas. Bigla-bigla nila ako hinila papuntang rest room at naka-lock pa 'to. Kaloka!
"Magtapat ka nga sa 'min, Tampipi!" Sabi ni Mayang. "Kayo na ba ni bebe my labs mo?"
Sana nga! Pero hindi pa e! Papunta pa nga kami sa exciting part! Ito naman napaka-advance mag-isip. Baka ma-jinx 'to!
"Seriously?" Tanong ko sa kanila. "Naka-drugs ba kayo?"
Oopsie daisy! Wrong move, Tine! Ceasefire!
"CHRISTINA TAMPIPI!"
Oh-uh! This is bad, so bad. Imagine niyo nga 'yung seryosong mukha + umuusok na ilong + umuusok na tenga + pulang mukha = boom panes face!
"Aray ko naman!" Reklamo ko.
Sabay nila akong binatukan at malakas 'yon. Ikaw kaya ang batukan ng dalawa with full force pa! Tsk. Problema ng mga 'to?
"Ano ba ang issue dito?" I asked them.
"IKAW!" Sabay nilang sagot saka itinuro ako.
Teka, ano bang meron? At ako yung issue dito?
Tumingin ako sa kanila. Shet! Nakakatakot yung mukha nila. Parang feeling ko, anytime of my life, kakainin nila ako ng buhay. 'Wag naman sana! Papakasalan ko pa kaya si bebe my labs!
"We're waiting."
Napalingon ako sa kanilang boom panes faces. Bigla naman akong napanguso sa throught na naghihintay sila sa aking sasabihin. Teka, ano ba ang dapat kong i-confirm?
BINABASA MO ANG
I'm a Secret Agent (Secret lang!)
Action[UNDER REVISION] AGENT SERIES 1 Christine's dream of becoming a secret agent drives her to train relentlessly from a young age. But when she's recruited by the USA as Agent 617, her world shatters in ways she never saw coming. Each mission brings he...