IASASL 17: The Mafia's Wrath

3.8K 116 1
                                    

IASASL 17: THE MAFIA'S WRATH

Third Person's POV:

The humid air of Fukuoka wrapped around Tine and Chan as they maneuvered through the bustling city streets. Their mission was clear: find the root of OTOMI Mafia and get as much intel as possible. Naiwan lang si Jeff at Anna sa Sun Hotel's gym upang mag-training para laban ni Jeff mamaya. It was now up to Tine and Chan to uncover the secrets lurking in Fukuoka's shadows.

"Focus tayo dito, babs," paalala ni Chan sa kanya nang makapasok sila sa isang tahimik na bahagi ng lungsod.

Makitid ang mga eskinita, ang kaninang maingay at mataong lugar ay unti-unting naglaho. Malapit na sila. They had tracked down the coordinates provided by Agent Uno, and the further they went, the more desolate it became.

"Nararamdaman ko na. Dito na yun," Tine murmured, her eyes scanning their surroundings.

Sa wakas, ilang oras nilang naglalakad sa mahangin na daan ay dumating na sila sa isang lugar na kung sa may mataas na pader ang bumungad sa isang liblib na compound. The walls were intimidating. It was dark, towering, and impenetrable. Ito ang tamang lugar na pwede g tumira ang isang lider ng mafia na kung saan pwedeng magtago.

"Ang taas ng pader," Chan whispered. "It's like they want to block out the entire world."

Tumango lang si Tine bilang sang-ayon sa sinabi nang Kuya Chan niya. In-activate na niya yung comms upang mabigyan ng update si Agent Uno sa kabilang linya.

"We're at the location. High walls, heavily guarded. Hindi kita ang loob, pero maraming tao around. I think we found the place," bulong nito.

They both stayed low, hiding behind a parked van not far from the gate. Dalawang men-in-black ang nakatayo sa entrada ng gate, na abalang sa pag-scan ng paligid for any signs of danger.

"Tingnan mo yun. Sobrang alerto nila," Chan whispered.

"Huwag kang gumalaw," Tine replied, her gaze fixed on the gate. "They're well-trained."

Ilang minuto rin silang nanood. Hindi nila makita kung ano'ng ganap sa loob dahil sa malaking pader na nakatabon. Mahirap makita kung ano'ng ganap yung meron sa loob ng ng malalaking pader na 'yon. Tine pulled out a small drone, carefully launching it into the air. It hovered above them, its camera zooming in on the compound's details.

"Walang makita sa loob, sobrang taas ng wall," Tine muttered in frustration. "But this is definitely it."

Then, just as they were about to retreat and reassess their approach, a sleek black car slowly rolled up the street. Biglang nagtago sila Tine and Chan at dahan-dahan nagmamasid sa kung sino ang nakasakay sa kotse na 'yon.

Possibleng leader na nila 'yon? Ani ng utak ni Tine.

Agad naman binuksan ng isang men in black yung kotse habang yung isa ay binuksan na yung pintuan ng gate. Lumabas ang isang lalaki sa kotse na agad naging pamilyar para kay Tine.

It was him.

Gulong-gulo ang isipan ni Tine sa kanyang nakita. Ang lalaking nasa 60s na maraming puting buhok sa ulo at may seryosong mukha. Pamilyar para sa kanya yung mukha ng matanda.

"Babs, kilala mo siya?" Tanong ni Chan, napansin niya yung kapatid niyang nalilituhan sa nakita

"Wait... siya 'to. Siya yung tumulong sa amin ni Migs sa alley... the guy who gave us information about the OTOMI Mafia!" Tine said in disbelief.

Biglang nang lamig ang kanyang katawan nang maalala niya yung mukha ng matanda. Siya yung tumulong sa kanila ni Migs sa alley, nagbibigay ng impormasyon tungkol sa OTOMI Mafia. Kaya pala alam niya 'yon dahil parte siya ng mafia. Possible kayang siya yung leader ng OTOMI Mafia?

I'm a Secret Agent (Secret lang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon