IASASL 7: THE STOLEN DOCUMENTS CASE
It's been a long week. After what happened in the Masquerade Ball, we've been praised by Agent Uno, dahil naging successful yung unang mission namin. Nasauli na din yung kwentas at bumalik na kami sa dating routine.
From school to headquarters then sa bahay. 'Yan lang ang destinasyon ko araw-araw. Mabuti nalang talaga at nagawa ko pang i-manage yung oras ko. And as much as possible, tatapusin muna namin yung mga assignments at projects namin before going to the headquarters.
Syempre, kasama ko si bebe my labs! Hindi pwedeng hindi kami sabay mag-aral dahil nga partners kami.
Landi mo talaga!
Mga bandang alas sais na kaming dumating sa headquarters para sa aming ensayo. Dahil Thursday ngayon, airsoft training kami. Meaning ihahati kami ng by group, kung sino ang matalo ay magbibigay ng 200 push up everyday for the whole week.
Good thing that we haven't tried that dahil nanalo kami last week.
"RED TEAM VERSUS BLUE TEAM! LOSERS WILL FACE THE CONSEQUENCE! BEST OF LUCK, AGENT!" Agent Fox, our combat trainer, announced. "READY! LET THE SHOOTING BEGIN!"
Nag-alarm na at 'yon na yung sign na magsisimula na yung combat training. Agad naman kaming nagtago sa base nang makarinig kami ng putukan sa di kalayuan namin. Tumingin muna ako sa aming leader, na si bebe my labs, he gave us a sign kung saan yung position namin.
10 kaming nasa red team kaya mas maigi daw na by pair. At syempre kami ang pair.
"Let's go." Aniya sa akin.
I gave him a nod then followed him. Pinaputukan namin yung blue team na nakikita namin sa 'di kalayuan namin saka nagtago sa may scrap na wall.
Ilang minuto ang nagdaan ay ramdam ko pa ang adrenaline sa buong katawan ko. Last pair na lang ang natitira sa blue team.
Grabe yung pressure, alam kong isang tama na lang at panalo na naman kami. Hawak ko na ang trigger habang naka-crouch ako sa likod ng lumang pader na parang konti na lang at babagsak.
Sa gilid ng mata ko, may gumalaw—si Agent 789, out na. Isa na lang.
Bigla na lang akong nakarinig ng sunod-sunod na mga bala ng airsoft, tumatama sa mga pader sa paligid namin. Parang fireworks na parang nagpa-panic na yung kalaban. Bwesit! They're not going down without a fight.
"Migs, right side!" bulong ko kay bebe my labs.
Agad kong itinuro ko yung shadow na nakita ko sa basag na bintana. Sabay yuko ako habang dumadagundong na naman yung mga bala sa paligid ko, tumatama sa kongkreto.
Hindi na siya nagdalawang-isip. Pumutok siya agad sa direksyon na 'yon. Sunod-sunod ang tunog ng mga bala, parang echo sa loob ng abandoned building. Pero mabilis din yung blue team, nakapag-tago agad sila bago pa namin sila matamaan. Napangisi ako—patience game na 'to. Palapit na kami.
"Flank them. I'll cover you," bulong ko ulit.
Nagpo-position na ako para suppress fire sa kanila. Nagtitigan kami saglit—isang mabilis na tango mula sa kanya, at alam ko na ang gagawin niya.
Sabay taas ko ng airsoft rifle, binomba ko ng bala yung bintana at mga sulok kung nasaan ko naisip na nagtatago yung kalaban. Nag-echo ang mga bala, parang kinakalaban yung mga pader. Pumuputok ang mga alikabok at debris sa paligid. Napasok ko sila sa corner, at na-corner na din namin sila.
BINABASA MO ANG
I'm a Secret Agent (Secret lang!)
Action[UNDER REVISION] AGENT SERIES 1 Christine's dream of becoming a secret agent drives her to train relentlessly from a young age. But when she's recruited by the USA as Agent 617, her world shatters in ways she never saw coming. Each mission brings he...