PROLOGUE: THE THREE INHERENT

20 2 6
                                    

(The past opened it)

- YEAR 2019 -

"Sinabi kong 'wag kang maingay." Akma niya akong sasampalin kaya napapikit nalang ako, pero nagmulat din agad dahil wala naman akong naramdamang sampal sa kahit ano mang parte ng pisngi ko.

"Wala silang sinabi na manampal ka ng bata, inutusan lang tayong kumuha ng kahit sinong bata para sa gagawin nilang test." Ani ng isa niyang kasama, may tape itong bibig ko at nakatali ang mga kamay pati ang mga paa ko.

"Dalawa ang sinabi, pero sinabit mo 'yong isa, kaya nakatakas, ikaw rin 'tong tanga!"

"Hindi ko siya nahabol, kumaripas siya ng takbo papunta sa mataong lugar pagkatapos nating makuha itong kasama niya."

"Pero kahit na, maituturing ka pa ring tanga kasi nakatakas ang isang edad-11 na bata sa mga kamay mo!" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko, nahihirapan na akong huminga dahil sa nangyayari sa 'kin.

"Hindi ko na 'to kaya"

"Tangina, letse, pa 'no tayo nasundan ng mga gagong pulis na ito?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng lalaki, pero laking pasasalamat ko sa narinig ko mula sakanya.

"Ligtas na ba ako?"

"Sa likuran tayo dumaan, siguradong hindi nila alam ang daan do'n," Kahit sumigaw pa ako sa sakit dahil sa sabunot nila akong nilabas, hindi rin lang maririnig kasi natakpan ang bunganga ko. "Pukawin mo ang atensyon ng mga pulis na iyon, ako na 'ng bahala sa bata"

"Hindi na kayo makakatakas..." Biglang may tumutok ng baril sa mismong sentido ng nang-sabunot sa 'kin, naibaba niya ako at eksaktong nandoon din pala sina Mommy at Daddy, mabilis nila akong kinuha mula sa mga kamay ng 'di pa kilalang suspect. "Sa presinto nalang tayo mag-usap-usap tungkol dito."

"Honey, are you okay? Thank God you're safe..." Lumuluhang sambit ni Mommy, pati na rin ako, mukhang iiyak na, si Daddy ay kasalukuyang kinakausap ang mga pulis.

"This is my most worse nightmare that I ever experienced in my life, that affect me until now."

---

I am he who will sustain you.

- Isaiah 46:4

The Three Inherent [Season 01]Where stories live. Discover now