10TH CHAPTER: NEW CHANGES

0 0 0
                                    

(Unusual things that never happens before)

- Trigger warning: Abuse -

______________

Mariz's POV:

"Wow, look who's coming," Pagkatapos ng nangyari sa locker area ay deretso agad sa cafeteria at kalahati na ng time ng lunch break namin ang nakalipas. "Seems like the two are friends now." Hindi makapaniwalang sabi ni Patricia sa aming dalawa.

Patricia don't know what happened at the locker area kasi pinatawag siya ni Mr. Gallevo sa computer room matapos ang lecture niya.

Mariz's Flashback:

"Ms. Vaughn right?" Pagtawag ni Mr. Jameson Alpheus Gallevo, a 22-year-old new teacher na kinasabay ni Ms. Clarke na pumasok dito.

Agad na lumapit si Patricia nang marinig siyang tawagin nito, pagpasok palang niya rito as a teacher in Music, naging crush na siya ng kaibigan ko dahil magaling daw itong tumugtog ng piano, which I find it as an absurd one-sided love.

"Yes sir?" Agad niyang tugon sabay hila sa uniporme ko.

"Can you help me print this out? I'm not that good in operating computers, and Mrs. Pellerin once mentioned me that you're great in it, so it's a favor." Sa pabor niyang 'yon ay kita ko kung gaano kinikilig si Patricia na kinairap ko lang. "Don't worry I'll make sure that you can have your lunch with your friends, iyong computer lang ang hindi ko alam, I'll take care of the rest." Ngumiti ito sa amin, halos saluin ko pa ang katawan ng kaibigan ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman niya, kilig to the bones amputa.

Naunang lumabas si Sir Gallevo na bitbit ang mga ipriprint, nakangiti namang lumingon sa 'kin si Patricia.

"Mauna ka na ro'n, susunod nalang ako," Nagtaka pa ako nang mas lumapit siya para bumulong. "Tignan mo na rin si Cait, parang kanina pa siya sa locker area." Pati rin kasi ako ay kanina pang pansin ang pagkawala ni Caitlin, nagpaalam kasi itong mag-c-cr but the truth is sinabihan niya kaming may naiwan siyang gamit sa locker area.

Pinanood kong umalis si Patricia para sundan si Sir Gallevo, ako naman ay dumeretso muna sa locker room para tignan si Caitlin.

Ngunit bago ako makalapit ay meron na 'yong dalawang asungot na kasama at matalik na kaibigan ni Cabot, ngingiti-ngiti iyong isa habang ang isa'y umirap sa 'kin dahilan para uminit na naman ang ulo ko.

Ilang dipa nalang mula sa pupuntahan ko'y may narinig na kaming ingay na parang nagrarambulan.

"Did you hear that?" Nagugulat na tanong ng sa tingin ko ay ang pangalan ay Russell na mukhang toyong-toyo sa kasama niyang 'yong may lahing Greek-Italian na masungit na akala mo'y pogi eh hindi naman. "Nando'n si José, baka kung sino ang tinumba niya."

The Three Inherent [Season 01]Where stories live. Discover now