(Who am I? [Part 01])
- Trigger warning: Self-harm -
______________
Frian's POV:
"Good morning." Bati ko kay Gienhelle matapos ko siyang makita sa locker na kinukuha ang kanyang mga gamit.
"Hmm... Morning." Pati reply sa isipan ay ganyan siya tumugon.
Pero hanggang ngayon ay masaya pa rin ako sa natuklasan kong kakayahan, isang kakayahan kung saan kaya kong makipag-usap sakanila gamit ang aking isipan.
"Is your back okay?" Follow-up niya sa akin, napalingon naman ako at nakita ko siyang namumula habang nakapikit, malalalim ang mga nilalabas na hininga at nanginginig ang kanyang mga kamay.
"Okay lang ako, ano'ng nangyayari sa'yo?" Aligaga kong hinawakan ang kanyang likuran nang higpitan niya ang hawak sa katabing locker dahilan para ito'y masira. "G-Gienhelle? May problema ba?"
"It's m-my fault, a-all my fault," Mas lalo siyang namula at napapahawak sakanyang mukha. "I-i'm sorry..." Napaupo siya tsaka tinakip ang parehong kamay sa mukha, nanginginig ang boses na sinabi 'yon.
Umupo ako para mapantayan siya nang may tumulak sa 'kin dahilan para mapahiga ako sa sahig.
"Tumabi ka nga? Ganyan na nga ang nangyayari sa tao pinapanood mo pa, this isn't a movie Astor." Seryosong aniya ni Mariz, na ngayon ko lang nakita ang ganyan niyang side.
Lumapit siya kay Hearst na parang natatakot, nakahalukipkip lang habang nanginginig, paulit-ulit sinasabi ang bawat salitang sinasabi niya.
"I didn't m-mean t-to..." Parang lumambot ang puso ko nang makita ko si Mariz na yakapin siya, nakita ko kung paaanong unti-unting tumulo ang luha ni Gienhelle. "I-i'm sorry... It's m-my fault... F-forgive me... P-please..." Tumulo rin ang luha ni Lowell, malalalim din ang hiningang pinapakawalan.
"It's not your fault, you didn't do anything wrong, it's okay, I'm here okay? Your friend is here, I'm here for you." Ngayon ko lang nakikita ang ganitong klase ng katangian ni Lowell kaya humahanga ako ngayon sakanya dahil dito.
"Kailangan natin siyang dalhin sa clinic." Mabilis ko sabi, ngunit inunahan na naman ako ni Cabot, binuhat niya ito papunta ro'n.
"Next time, don't just watch someone's weakness, it's not entertaining," Mapait na sabi sa akin ni Mariz, napatingin ako nang tuwid sakanya. "Hindi ka mabuting kaibigan kapag ganyan ang asal mo sa katulad niya."
Sinundan namin sila sa infirmary, parang isang pelikula pa rin ang mga nangyari, mabilis pero parang naiparating lahat nito ang gusto niyang sabihin.
"B-bakit siya nagkagano'n?" Parang takot na takot ako ngayon kay Mariz, titig at tingin palang niya ay parang papatayin na ako nito.
"I don't know kung bakit siya nagkagano'n, ang alam ko lang ay nagkaroon siya ng anxiety attack, na ngayon nalang ulit mangyari," Nakatingin sa bintana ang kanyang paningin, ngunit ang pagkakasabi no'n sa 'kin ay parang balang tumama sa aking kokote, tumagos talaga. "But I know she's strong, at pagkatapos niya riyan sa infirmary, she's the usual cold-blooded heartless girl that I know." Tumingin siya sa aking mga mata, tsaka tumayo para pasukin ang clinic.
Sumunod naman ako, nakasalubong namin si Cabot na kinakausap ang Nurse na agad ding lumabas nang makita kami.
Pagpasok ko ay nakita na namin do'n si Gienhelle na umiinom ng tubig, bumalik na sa dati ang kanyang mukha at ekspresyon.
YOU ARE READING
The Three Inherent [Season 01]
Mystery / Thriller(Season 01) Three young students with different attitudes and idealistic, pero magiging magkakapareho dahil sa isang bagay na hindi alam kung totoo. A unknown system for kids with supernatural powers, and the three of them are all insane. Let's meet...