Umaasa 101

143 5 0
                                    

Simpleng ngiti niya lang, buo na araw mo at kung babatiin ka pa niya ng "goodmorning" o kaya ay "hello" aba. Baka mag lupasay ka na lang at kiligin hanggang mamatay.

Flash News
Isang babae ay natagpuang patay dahil daw sa kilig.

Pero kidding aside. 95% percent sure ako na ang nagbabasa nito ay umasa na din. Kahit sa simpleng nakahanda ka na at lahat lahat pero biglang di na pala tuloy yung lakad niyo or in-announce ng classmate mo na halfday bukas pero di pala totoo. Yung tipong ganun ba?

Pero ano pinaka masakit?

Yung gutom na gutom ka na at umuwi ka pa tapos wala palang pagkain!

Dejoke.

Saan nga ba kasi nagsisimula ang pag asa? Or umasa? Sabi ng isang kakilala ko pwede daw yun na magsimula sa pag mis interpret mo sa isang bagay. For example.

Naging mag partner kayo ng crush mo. Ikaw naman si kinikilig sinisi mo pa sa faith, destiny at kung ano ano pa. Hindi ba pwedeng coincedence lang?

Bakit nasabi ng kakilala ko yun? Kasi di niya alam, may pinapaasa pala siya.

May crush sa kaniya yung seatmate niya. Dahil sa pagiging magkatabi, madalas sila magkapartner o kaya magkagroup. Naging mas close sila. Naging magkatext at close friends.

Minsan kumakalat na ang balita na may crush sa kaniya yung girl. Di niya pinansin. Wala naman kasi siyang napapansin. Di niya napapansin na simpleng goodmorning niya kay girl ay masaya na ito. Yung pagtulong niya sa mga dala kung masyadong madami or mabigat. Pagtuturo ng lectures kung di niya masyadong naintindihan. Yung tipong parang yung atensyon niya kay girl ay sobra.

Pero para talaga kay boy wala lang yun. Kasi close friends sila. Bakit feeling ni girl special siya? Kasi siya lang ang kaibigan na babae ni boy. Hindi kasi ito malapit sa babae kahit na may hitsura. Gentleman at matalino. Secret crush ng kababaihan.

Pero ano ang downside? Straight-forward si boy. Tinanong nito kung totoo yung issue. Umamin si girl.

Ano nangyari? Wala.

Wala as in nawala.

Medyo naging awkward pero nilinaw lahat ni boy. Walang dapat umasa kasi wala naman talaga. Kasi walang meaning yung mga ginagawa niya.

Parang binasted lang si girl di ba? Ganyan kasakit umasa. Ano ang masama sa pag asa?

Yun yung... Wala pa man ay ibinigay mo na ang lahat. Ang atensyon, pagmamahal, oras pero di naman niya pinansin/napansin diba? Sa sobrang focused mo sa kanya di mo na napansin malay mo may nag aabang pala sayo na tumalikod at makita ang naghihintay sayo na iba.

Masakit kasi sa 99% na ipinapakita niyang walang pag asa. Sa 1% ka pa kumakapit kasi dun ka masaya.

Ang Buhay Pag-ibig RantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon