checklist√

73 4 0
                                    

The perfect boyfriend.

•mabait

•may respeto

•jolly

•may itsura kahit papano.

•masarap magmahal

May ibang tao kasi na madalas sabihin basta marunong rumespeto at masarap magmahal ay okay na. Extra points mo na daw kung pogi at mayaman pa.

Nowadays. Mayaman na lang ang kailangan ng iba. Sabi nga ng pinsan ko sakin dati

" pag maghahanap ka na ng asawa mo, hanapin mo yung tatlong 'm' mayaman, matanda at madaling mamatay "

I know it sounds absurd pero dinagdag niya kasi yung " money makes the world go around. Hindi na love " kapag namatay na daw atska na lang ako maghanap ng love. Atleast daw mayaman na ko. Odiba? Planado.

Pero syempre meron at meron kayong aspects na gusto niyong meron ang isang lalaki. Parang checklist ba. Kung maputi ba, chinito, matangkad, mahaba ang pilikmata. Isama mo na ang pagiging mayaman, gwapo at mabait. At Voila! May prince charming ka na daig pa ang agila sa pagiging Endangered Specie.

Pero alam niyo ba kung ano ang mangyayari sa reality? Yun yung kapag na fall in love ka ay yung mismong "checklist" mo ang magbabago.

Example na lang ay na inlove ka. Tapos di niya na meet ang "standards" mo? Idadahilan mo ang lahat.

Di naman singkit ah?
- maganda naman ang mata niya eh. Okay na yun.

Akala ko ba ayaw mo ng pawisan? Tapos basketball player nga yang crush mo? Gulo.
- wala kang paki. Hot siya pag pawis at mabango naman ang pawis niya.

Gusto mo kamo ng matangkad. Eh onti na lang mag aabot na kayo.
- basta mas umangat sakin ng onti okay na yun!

Tipong mala- Ed Sheeran ang boses. Eh boses palaka nga yan. Jusko.
- ayaw mo nun. Mas mukhang sincere. Kasi kahit pangit boses niya, pinipilit niya pa ding kantahan ako.

See? Swerte mo na lang talaga kung kuha talaga lahat ng crush mo yung type mo sa isang lalaki.

When you fall in love. You accept their flaws. Para hindi mo mabitawan ang mga salita na " hindi ko alam na ganyan ka pala ".

Kasi once you accept their flaws.. you'll see them in a perfect way. Sabi nga ng quote.

" falling in love doesn't mean not seeing their imperfections. It means seeing their flaws but still loving them perfectly"

Kaya kung may checklist, standards, types or kahit ano pa tawag mo jan. Okay lang naman but dont forget to look at other people. While youre giving your full attention to someone who doesnt even recognizes you, it is happening to someone.else too who just wanted nothing else but you.

Ang Buhay Pag-ibig RantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon