CHAPTER 8 "Hospital"

31 4 5
                                    

Dali dali kaming pumasok ni Jake sa hospital.

Pumunta kami sa may information desk at tinanong kung nasaang room nanduduon si Kirsten.

Agad naman kaming dumakay ng elevator at pinindot ang floor number ni Kirsten. Hindi ako mapakali.

Kinakabahan nako na parang ewan.

"Bro, dito, Room 506" sabi ni Jake.

Lumapit kami sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim, kinatok ang pinto at sumilip ng bahagya sa kwarto.

Una kong nakita si Yish na nakaupo sa gilid ng higaan habang si Farrren at Jam naman ay nakatayo sa gilid ng higaan.

"Hi" bati ko at tuluyan ng pumasok sa silid.

"Hi." Bati din ni Jake na nakasunod sa likod ko.

Napansin kong nagkatingin si Jake at Yish ngunit nag iwas tingin din agad.

"Who are you? Jake, sino tong kasama mo?" Tanong ni Yish kay Jake.

"Si Kobe." Sagot niya

Nanlumo naman ang mga mata nito. Halatang gula na gulat sila sa sinabi ni Jake.

"Kobe? As in Kobe Imperial Torres? Nagtatakang tanong ni Farren. Habang si Yish at Jam ay nakatulala padin at hindi pa din nakakarecover. Ganon na ba ang ikinapogi ko? Tsss.

"The one and only I guess" sabi ko na ikinatawa naman ni Jake na nasa likod

Nilingon ko naman ito at binigyan ng matalim na tingin.

"Geez! Sorry man" bulong nito sa akin.

"Seryoso kaba sa pinagsasasabi mo? Sabi ni jam

"What happened to the 'nerdy look'?"

"Gone?"seryosong sabi ko "How is she?"

"Namumutla na siya ng hinatid siya sa school nung driver niya kanina, nung malapit na kami.." Bigla siyang natigilan na parang naiiyak. "Bigla nalang siyang nahimatay."

Imba din pala tong mga kaibigan ni Kirsten. Just like her, kala mo maaarte at matitigas ang puso may magagandang loob din pala. Siguro kapag tinotopak lang sila ganon.

"Teka nga lang? Anong ginagawa niyo dito?" Tugtong ni Yish

"Eto kasing si Kit..." Bago niya maituloy ang sasabihin niya binigyan ko nanaman siya ng matatalim na tingin. Imba din tong lalakeng to! Kalalakeng tao mabunganga. Tsss.

"I wanted to check on her" sabi ko.

"At bakit naman? Hindi mo naman kailangang gawin yun. Hindi kayo close." Saad naman ni Farren.

"May gusto kasi si Kit kay Kat" dare daretsong sabi ni Jake. Nagulat ako syempre. Nagulat din siya. Nagulat kaming lahat for short.

Tumahimik lalo ang silid, tanging tunong lang ng aircon ang maririnig.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagbalik lupa na siguro sila, dahil binasag na nila mismo ang katahimikan.

"Are you freakin serious!" Sabi ni Jam. Buti nalang at mahina ang pagkakasabi niya ngunit halata dito ang pagkakairita.

Huminga ako ng malalim at...

"Yes" wala ng atrasan to. Alam na nila. Pasasan pa kung hindi ako aamin, malalalaman at malalaman nadin naman nila diba?

Magsasalita pa sana siya ng biglang gumalaw si Kirsten at nagising na ito ng tuluyan. Siguro naingayan sa amin.

"A-aasan ako?" Sabi ni Kirsten

"Hey babe, your awake. Your at the hospital. You pass out a while ago that's why we brought you here. Your unconscious for an hour but the Doctor says your going to be okay." Mahabang explanation ni Jam

"W-why? Why did I fainted? What did the doctor said.?

"You were dehydrated."

"Ohh. Kaya siguro ako nahihilo kanina pang pagkagising ko."

Tumango lang si Jam sa sinabi ni Kirsten, habang nililibot naman ni Kirsten ang kanyang mata sa paligid.

Habang ginagawa niya ito nagkatagpo ang tingin naming dalawa, alam ko naman na hindi niya ako makikilala. Kasi halos lahat naman ng tao ba bakakita sa akin kanina ayy hindi ako namukhaan. Pati nga yung guard sa baba ng condo. Hindi niya ako binati. Saka palang niya ako namukhaan nung kinausap ko siya.

Kaya laking gulat ko nalang nung...

"Kobe?"
----------

Hahahaha.

Kamusta po ang Ud?

Comment and vote :)

Thanksssss

-peyt :*

Unexpected Love (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon