The maids were all busy pagkababa ko sa bulwagan. I am on my sleeping silk robe while rubbing my eyes, it is 6:30 in the morning, anong meron sa araw na iyon? Bakit nagkakagulo ang mga kasambahay sa bahay namin? Naturally, they will just be busy sa likod bahay para sa paghahanda nang agahan ng mga trabahador.
"Gising na ba si Raph?" I asked one of the maids who is cleaning the counter table.
"Opo ma'am Isabella, kanina pa po siya gising. Kasama niya po sa likod ang yaya niya at ang Daddy nito"
"Nandito si Ain? Ang aga-aga naman niyang pumarito"
"Busy po ang lahat ma'am, nagpapalinis nga po si Mayora sa buong bahay dahil may bisita raw na darating. Mga taga Maynila po, mga magsusukat daw po nang mga damit pang-kasal"
Napalingon ako sa gulat sa sinabi nito. Ngayon naba iyon? Hindi ko maalala na ngayon na pala iyon!
Magsusukat nang gowns? Kailangan ba akong ma-rattle dahil dun? Ipinagwalang bahala ko na lamang ang mga sinabi ni Diyosa, aligaga naman siya sa paglilinis nang kusina kaya ay iniwan ko na lamang at pupuntahan ko na lamang sina Raph sa likod bahay.
Naglalaro ang bata sa malaking food court, katuwaan nito si Ain at naka-antabay si Milagros sa malapit na gilid.
"Oh. Look who's here?" tanong ng ama nito bago ito lumingon sa pinanggalingan ko.
"Mommy!" anito at tumakbo sa akin bitbit si Sponge Bob. Nakasunod na tumakbo si Milagros rito at pati na si Ain.
"Oh my god! Look who's sweating at this hour huh? What have you been doing big boy?" tanong ko sa kanya habang umupo ako sa isang pahabang silya at ginulo ang buhok niya.
"Iha? Ipaghahain naba kita?" Tanong naman ni Aling Rodora sa akin.
"Mamaya na ho Aling Rodora, gatas lang muna"
"Hindi kana naman ba nakatulog?" nag-aalalang tanong nito, I awkwardly nod at her dahil nakatingin sa aming pag-uusap si Ain habang nakatayo sa gilid ni Raphael na ngayon nama'y sinusubukang kumandong sa akin.
"Hindi po eh.." sagot ko naman.
"Dumadalas yata Isabelle?" Tanong ni Renata sa akin.
"Hindi ko alam, pinapagod ko na nga ang sarili buong araw"
"Baka stress ka lang sa nalalapit na kasal ninyu ni Attorney?" tiningnan nito si Ain na ngumiti naman sa sinabi ni Renata. I felt the heat on my cheeks sa sinabi ni Renata, no! hindi naman dahil roon!
Gusto ko sanang sabihin ngunit nahiya naman akong sabihin iyon sa kanila ng malakas lalo na't nasa malapit at nakikinig lamang si Ain.
"Hindi dahil dun, marahil dahil sa bagong gamot na bigay ni Ate Eska,"
"Magpatingin ka uli sa Kuya mo, ilang beses ka nang hindi nakakatulog nang hindi maayos nitong buwan, medyo bumagsak na ang katawan mo at nangingitim na nga ang mga ilalim nang iyong mga mata!"
"Sige ka... baka ipagpalit ka nitong ni Attorney sa ibang babae niyan,"
"Okey lang iyan Renata..." sagot ko naman sa sinabi niya.
"Hay naku! ito naman, biro lang iyon ni Renata iha" puna naman ni Aling Rodora sa sinabi ni Renata sa harap namin.
"Sanay ako sa ganyan Aling Rodora, kaya okey lang kahit ipagpalit sa iba," untag ko naman habang pinupunasan ang pawis sa noo ng batang naka kandong sa akin ngayon.
"Pagpapapalit?" gaya naman nang bata sa sinabi ko. Somobra nga lamang ang sa kanya.
"Yes, baby.. You're wrong though" ani ko sa bata.
YOU ARE READING
"ABOUT US"
General Fiction"Isabella had forgotten the past. She had been into many therapies and counseling just to put everything behind. Hid it inside the box and locked it up and threw away the key where no one could find it. But it takes only one nightmare to open it w...