Chapter 10

7 0 0
                                    


Nakakalula ang mga tanong ni Rapahael sa mga sumunod na araw matapos ang rebelasyon nang katotohanan sa kanya.

Kasali na sa mga inosenteng mga tanong nito kung bakit raw hindi namin kasama sa bahay si Ain at palagi umano itong umuuwi sa gabi.

I told my son that he has another home.

At kailangan niyang umuwi sa bahay ng mga lola at mga pinsan nito. I know na hindi pa iyon lubusang naiintindihan ng bata, pero nawawala ang mga tanong nito kapag naaaliw na sa laro.


Isang umaga ay mayroong hindi inaasahang bisita. Hindi ko akalaing pumaroon siya at hindi ko na siya inaasahang bumalik man lang.

Philip was waiting at the front porch, tumayo siya nang nakita ako palapit sa kanya. He gave me a bouquet of red roses and a box of lasagna.

"Good morning... Napadaan ka yata?" sabi ko. Tinanggap ko ang mga regalo niya at itinabi ang mga rosas.

"Gusto talaga kitang puntahan kaya ako bumisita"

Oh really, now?

"Matagal na akong hindi nakabisita"

"Oo nga! Akala ko sumakay ka na uli sa barko kaya ka nawala bigla..." Sabi ko sa kanya. He looked uncomfortable dahil sa sinabi..

"I was busy.."

Hmmmm...busy ka siguro sa anak ng Mayor ng Cortes, akala mo hindi ko alam?

"Ganoon ba? So, what makes you come here? Biglaan naman yata ang pagbisita mo?"


"I heard from my Dad that you're engaged?"


"That's true Philip. I am. Last week lang",

"And...who's the guy?" He raised his brows.

Oh you're interested with him huh?

Bago ko nasagot ang tanong niyang iyon, isang itim na SUV ang pumarada sa malaking front yard. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. It's Ain. Ano kaya ang masasabi niyang meron akong bisitang lalaki.

"Good morning..." bati nito sa akin habang nakapanhik na sa porch. Tinitigan niya ang mga regalong nasa mesa sa harapan ko. Kumunot ang noo niya sa bisita but hindi niya iyon pinahalata.

"Hi" Akala ko hindi ako makapagsalita. "This is Philip, Ain meet Philip. He was my friend. Taga Cortes siya",

Tumango lamang si Ain Raphael at ganoon din naman si Philip.

"Philip, this is Ain. He is my fiancé" sabi ko sa bisita.

"Napadaan lang daw siya dito. At bumisita na lamang", I explained to Ain kahit hindi naman ito nagtatanong. Tumango ito at nagpaalam na pupuntahan lamang ang anak namin. 


"He's familiar..." he said.


"Tagarito siya. Kababalik from the U.S."


"At, na engaged kayo kaagad?" he is curiously asking me now huh? 


"It's a long story. All I could say is that, he's Ralph's father"


He look shock though. Matagal bago ito nakapagsalita ulit. 


"Well, good for you and Raph.  Congratulations to you by the way"

I could sense his doubtfulness about what I said. But, it is not my problem anymore is it? Ang importante rito ay nagsabi naman ako, where was he when the times that I needed a friend? He was busy, as he said. Marahil, busy sa anak ng mayor sa Cortes.


Bumalik sa sala si Ain matapos ang ilang minuto.


"Hello," untag nito sa aming dalawa sa porch. Philipp seems to be bothered, bakit naman


"Hi! Congratulations nga pala sa engagement ninyong dalawa ni Isabella" tanging sabi nito sa kay Ain who just raised his eyebrows and smirked.


"Thank you! We will send an invitation para sa iyo sa araw na iyon"


"Yeah, sure pare!" sabi nito.  "Isabella, hindi na ako magtatagal, mukhang may pag-uusapan kayo ni Ain. Dadalaw na lang ako ulit sa iyo rito kapa hindi na busy.."


"O-o sige. Walang problema Phillip. Pasyal ka lang rito.."


Hinatid ko ang lalaki sa ibaba ng porch namin habang patungo sa kotse nito, kumaway ito bago umalis at bumosena bago nakalabas sa gate ng mansion.  

Binalikan ko si Ain na nakatayo lamang sa main door katabi nang lamesita. He looks scowling.


"May problema ba" I asked him ng makalapit na ako sa kanya.


"Was he your suitor?" kunot-noo nitong tanong sa akin habang tanaw pa rin nito ang dinaanan ng kotse ni Phillip. 


"No, he didn't say that he likes me. He didn't say that he wants me to be his grilfriend kaya hindi ko siya manliligaw" 


"A guy doesn't need to say it if he wants a woman.."


"Just like you?" I said to his face that made him turn to me.


"Our story is way too different from usual couples and we both know that. We knew as well, how important this is for the whole family and our son,"  he said the last word like it's the main reason why this is happening now.


"Hindi mo ba naisip? Does marriage can really change everything in between us?"


"I am hoping that it will", iyon lang ang sinabi nito while his forehead is in a crease.  One last look and I left him there standing at the threshold of the mansion. I am not in the mood to talk about our past with him, sasakit ang ulo ko kapag napapag-usapan iyon at baka bigla na naman akong mghisterya gaya ng dati.  I don't want to be a bother now, specially the townspeople are congratulating both families of the news.


Ang bilis nga naman kumalat ng balita sa probinsya hindi ba? Lalo na at mga taong involved roon ay parehong makapangyarihan. The Santayana Clan and my family are both rich in the truest sense of the word. Both from ancestors, from generation to generations. Kung anuman ang mga chismis ay agad na kakalat sa buong lugar, lalo na nasa politika ang pamilya ko ang kay Ain. 











"ABOUT US"Where stories live. Discover now