FATEFUL NIGHT
"Sino sino ba ang mga bisita mo ate Eska? Sabi ko naman sa iyo ayaw ko nitong party mo eh. I want a simple dinner with you and nila Dad."
"Don't worry babyloves..magkakaroon din tayo ng intimate dinner. Pero kailangan na naman nating e-resched dahil aalis patungong States si Rix dahil sa licensure exam niya roon. Tsaka busy si Antonia. Now, is the time kaya sige nah.. Smile kana. I have a gift for you..mamaya"
"I don't like Isabella's dress Francheska! It's too revealing"
"Kuya! Napaka mongha mo! She's eighteen. She graduated today. It is her night!"
"Yes! I know! It is her night pero bisita mo ang pinaka marami. Even Antonia doesn't approved of this."
"Kasi pareha kayong mongha! Tingnan mo nga si Ate, until now..she's single samantalang ilang palit ko na ng boyfriend ah!"
"I heard my name Eska! I told you, I don't need men to live this life to the fullest!"
Natawa ang dalaga sa loob ng kwartong iyon dahil sa iba't-ibang opinyon ng kanyang mga kapatid.
"Come on babyloves.. Sa akin ka sasakay!" Sabi ni Eska sa bunso.
"No! Sa SUV siya sasakay Eska, mom's waiting..madali na kayo!"
Isa-isa na rin silang bumaba mula sa mahabang hagdanan ng mansiyon.
Habang pababa ng sasakyan sa venue ng party sinalubong siya ng ina sa bukana..
"My baby girl.. Napakaganda mo anak.. Mukha kang diwata sa suot mo. Thanks to your sister for this."
Humalik ang dalawa niyang eldest sa kanilang ina.
"Mommy huwag kanang emotional. Tingnan mo nga tayo, para lang tayong magkapatid eh.. Chismis nga ng iba diyan eh..anak ko raw itong si Isabella pero pinaako ko lang sa iyo" sabay sabay naman na nagtawanan ang mag-anak sa bulwagang iyon dahil sa biro ni Antonia. Palagi nga naman itong natsi-tsismis ng ganoon dahil single ito hanggang ngayon.
Nang matapos ang kanilang formal dinner ay nag-ikot ikot na ang dalaga sa bulwagan upang makita at makahalubilo ang kanyang mga kakilala at maging mga kaklase. Nakita niya sa bilugang mesa ang magpipinsang Santayana.
Nakita niya roon sina Pewee, Tricia, Gerry Ann at ang nag-iisang lalaking ka batch nilang pinsan din ng mga ito, si Aaron.
"Hello guys..nag-eenjoy ba kayo sa party ni Ate Eska?"
"Akala ko ba party mo ito Belle?!" tanong sa kanya ni Pewee.
"Oo, pero hindi ko naman feel eh. Mga family friends naman ang nandito."
Tumawa lang sina Tricia at Aaron sa sinabi ko.
"Are you allowed to take some shots Belle?" tanong ng dalagang si Pewee sa kanya.
"Oo naman. Marami naman doon sa bar. And we're eighteen naman, it's okey.. Come on, punta tayo sa bar nitong resort"
Ilang oras na silang nagkakatuwaan sa bar ng resort ng mag-aya si Aaron sa kanilang lumipat.
"Saan tayo lilipat?" Tanong ni Pewee.
"Doon sa party ni Kuya Ain. Diba despidida niya ngayon?" Tumango naman si Gerry Ann sa sinabi ni Aaron..
"Are we even allowed there? Madami siyang bisitang taga Manila. Maraming law student doon atsaka iyong mga ka brod niya sa frat, I've heard" alanganing tanong ni Pewee sa mga pinsan habang nakikinig lamang sa diskusyon si Isabella.
"The more that we will go there! For sure there are a lot of handsome guys na pweding prospect na maging boyfriend" ani Gerry Ann na kinikilig at nagde-daydream.
YOU ARE READING
"ABOUT US"
General Fiction"Isabella had forgotten the past. She had been into many therapies and counseling just to put everything behind. Hid it inside the box and locked it up and threw away the key where no one could find it. But it takes only one nightmare to open it w...