Chapter 8

8 0 0
                                    

Isa iyong napakahabang gabi sa akin. Hindi maayos ang tulog ko kaya alas cinco ay bumaba sa hagdan. Inaninag ang buong kitchen para sa maagang timpla ng gatas. Naroon so Manang Rodora, at nabigla pa ng malingunan ako.

"Dios mio! Batang ire! Bakit hindi la nasalita diyaan?"

"Sorry po... "

"Nagugutom ka ba? Gusto mong ipaghain na kita? Nakaluto na si Adelia ng pagkain para sa mga trabahador, gusto mo bang kumain na? "

"Gatas na lang po Manang.... "

"O sya! Maghintay ka rito... Titingnan ko kung dumating naba ang rasyon nang gatas ng mga baka galing sa palayan... Malapit nang mag alas sais, tiyak nandirito na si Elias.. "

Tumango ako sa sabi ni Manang.

Malalim ang iniisip dahil sa nangyari kagabi.

"Isabella? " Si Antonia iyon, basa pa ang buhok at suot ang isang all white dress. Ready na marahil sa duty nito sa munisipyo.

"Ate.... "

"Maaga ka yata?" anito at lumapit, umupo na rin sa high chair na parallel sa akin.

"Humingi ako nang gatas kay Manang Rodora, you wanna eat? Nakaluto na si Adelia, gusto mo ipaghain kita? "

"No. Hindi." agap na pigil nito sa akma kung pagbaba sa kinauupuan ko.

"Pero.... "

"Sit down... " anito at inabot ang aking mga kamay.

"Okey ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang pumunta sa hospital ngayon? Puntahan natin si Rix, on duty siya ngayon"

"Hindi ate. Okey lang ako.. " agap ko sa kanyang nagsisimulang pagkakataranta.

"Okey lang ako. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kung kaya ay maaga akong nagising."

"You were thinking too much about last night. Huwag ka nang mag-alala tungkol doon. Ginagawa namin ito para sa iyo at sa kay Raphael. I saw them together and they look so good together. How he suddenly likes a man except for dad amd Rix, diba? Madali lang nahulog ang loob ni Raph sa ama nito.... "

"How about my feelings ate? Paano ako?"

Natigilan ito sa aking tanong. Kumunot ang noo, she surely doesn't know what I am talking about.

"What do you mean? Gusto mo na ba si Philipp? I mean, yes..mabait na bata ang anak ni Congresaman pero--he hasn't around for months. I guess you have feelings for him already coz your having trouble in dealing with Ain, huh? Nagdadalawang isip ka" that was understatement, malamang.

Philipp, in any way has been a good friend. Anak ng Congressman, kaibigan ng aming pamilya. Naging kaibigan ko rin dahil sa madalas na pagbisita nito sa mansion tuwing bibisita ang ama nito sa Gobernador. He was a seafarer, on his second tour noon nang magkakilala kami. Kababalik ko lang noon mula America siya naman galing sa Brazil. Yes, gwapo at mabait, hindi mahirap maging kaibigan. He knows that I have a son,at ang trahedyang sinapit ko noon.

Naging isang masugid ko siyang manliligaw at naging magaan ang loob sa kanya dahil palagian itong bumibisita sa mansion kahit lagi itong sinisita ni Rix. Civil pa rin ang marino sa kapatid ko kahit malamig itong umasta sa harap niya.

"No, it's not like that Ate. Hindi sa ganoon. Wala siyang kinalaman rito."

"Here's the thing, bali-balita sa buong bayan ng Cortez ang pakikipagrelasyon ni Philipp sa ibang babae, anak rin ng Mayor doon. Her name is Maxine, anak ni Mayor Glodove. Look, hindi ko ito sinasabi para ma turn off ka sa kanya. But, I am saying this as your sister. Your ate who loves you and Raph so much. Hindi ako makakapayag na tatapak-tapakan ang pagiging vulnerable mo. Kahit wala kang social life, hindi ibig sabihin noon ay hindi ka makakahanap nang ipapalit sa kanya. A friend of mine just told me about them coz they've seen dating in one of the fine restos in Cortez. So, please....Bella, hindi si Philipp o kahit sino man ang magiging hadlang o magiging sanhi nang pagdadalawang isip mo. The wedding prep will start as soon as the pamamanhikan will be done tomorrow!"

"ABOUT US"Where stories live. Discover now