Sa Ikatlong Yugto

41 0 0
                                    

Nagsimula ang kwento
sa masasayang alaala
sa simpleng tinginan
hanggang sa tawanan
hanggang sa lagi ka ng hinahanap
At iba na ang aking nararamdaman
kayat inipon lahat ng lakas ng loob
at lumaban kahit alam kong talo
at duon nagtapos ang unang yugto

Pagkalipas ng ilang panahon
Anjan ka pa rin,
Parang may bumabalik
Hanggang sa nakalimutan ko
Ang sakit ng naidulot mo
Simula ng pinatawa mo ako
Pero hindi sapat ang tawa mo
Para makuha ko ang iyong oo
at duon nagtapos ang ikalawang yugto

Pagkalipas ng ilang panahon
Ay napagod dn sa pagpatuloy ng kwentong ito,
Baka ikaw na ang bida sa kwento ng iba,
Sana ay mahanap mo ang kaligayahang di ko maibigay sayo,
Sana ay di mo makalimutan na minsan ay naging parte ka sa mga kwento ko,
Ito na ang huli at ang ikatlong yugto.

Life Rhymes Where stories live. Discover now