"may surprise long test tayo ngayon.I'll give you 30 mins.to prepare."
halos lahat nagulat sa sinabi ng prof namin.ang hilig talaga nya sa mga surprise.
"ma'am!wala naman kayong sinabi kahapon na may pa surprise long test kayo ngayon ah!di tuloy kami nakapag handa."saad ni Ellie.
tinaasan lang siya ng kilay ni prof."kaya nga surprise diba?di mo ba naiitindihan yung word na yun Ms.Jacinto?balak mo ba talagang maging teacher?"
natawa yung iba naming classmate dahil sa sinabi ng prof.ito talaga yung prof namin na mahilig magpahiya ng estudyante,palibhasa matandang dalaga kaya laging moody.
"sorry ma'am,naiintindihan ko po."nakayukong sagot ni Ellie.at nagsimula ng magbasa ng notes niya.
hindi na ako nagulat ng sabihin ng prof na may surprise long test kami ngayon.I already prepared myself if ever nga maisipan nya ngang mag pa surprise test.although,hindi ako nakapag study kagabi so baka may mga ilang terms akong makalimutan.
nag-iisip ako kung titingnan ko yung notes ko.she gave us 30 minutes to prepare so I'll just study na lang din siguro.
binasa ko yung mga notes ko.medyo matalas yung memory ko pagdating sa mga notes but I hope na makakuha ako ng mataas na score sa test.
"okay that's enough!your 30 minutes is already up."
my classmates groaned,mukhang yung iba hindi pa tapos mag basa ng notes nila.at yung iba naman mukhang gusto pa humirit ng ilang minutes pero wala naman kaming magagawa.
napansin kong nakayuko si Ellie at may binubulong habang nakapikit.siguro nag me-memorize ng nabasa niya sa notes niya.I gave her a light pat on the shoulder.
she looked at me.and I showed her a fist sign saying that she can do it.that's all I could to cheer her up.
she smiled at me nervously and then nod to assure me that she's okay.though,halata naman na kinakabahan siya.
nag-umpisa na ang long test namin.marami nga ang kailangang sagutan.kaya nga tinawag na long test diba?
hindi ako masyadong nahirapan dahil alam ko na yung ibang sagot sa questions.nakikinig kasi ako lagi sa discussions namin and also with the help of 30 mins. na studying of notes kanina,kaya naman mabilis kong natapos ang test.easy peasy!sana nga lang at mataas ang score na makuha ko.strikto pa naman tong prof na 'to.
I stood up and walked in front.I handed my test paper to our prof.
she took a quick glance on it.and after a few seconds she told me that I can go.nakahinga na ako ng maluwag mabuti na lang at natapos ko na yung test namin.kinakabahan din ako sa magiging result nun.huhuhu!
kinuha ko yung bag ko at ngumiti muna kay Ellie,na nakatingin na ngayon sakin.at tuluyan na akong lumabas ng room namin.
I look at the time on my phone at nakitang may 30 mins. pa namang natitira bago mag lunch time.
nag chat ako sa group chat namin na mauuna na lang ako sa Delz food court dahil maaga akong natapos sa test namin kanina.sigurado akong hindi pa tapos ang class nila sa mga oras na 'to.
may mga ibang estudyante akong nakikita na tumatambay sa gilid.siguro wala yung prof nila or maaga din natapos yung class nila.yung iba naglalakad-lakad at nag-uusap.may mga nadadaanan akong kakilala ko kaya ngumingiti ako sa kanila.kung minsan binabati ko pa ng hi/hello.
nakita ko sina Chris sa di kalayuan.tinawag nya ako,kasama niya pala si Van at Steven,mga BSIT Students sila.nakaupo silang tatlo sa isang wooden bench na malapit dun sa engineering department.
YOU ARE READING
Betrayed(El Diablo Series #1)
Randomthe saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies...