maaga akong pumasok sa university ng sumapit ang lunes.
lahat kami nagka hang over nung sabado nang umaga.at walang may ganang mag luto kaya nag pa deliver na lang kami ng food.
hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung ginawang pagsisinungaling sakin ni ethan pero napag isip-isip ko na parang ang babaw lang naman kung dahil lang sa ginawa nyang yun ay magagalit na ako agad diba?pero kailangan ko parin siyang maka-usap tungkol dun.
kaya nga maaga akong pumasok sa school ngayon.at dumiretso agad ako sa room nila.
baka kasi nandito na siya.
pero nadismaya ako ng hindi siya makita doon.
"psst!excuse me?nakarating na ba si ethan?"tanong ko sa isang babae na nag lalagay ng nail polish sa kuko.
siya yung napag tanungan ko dahil siya lang yung malapit sa pinto.
medyo irita siyang tumingin sakin.
"hindi pa,bakit mo tinatanong?wait?!ikaw ba yung na chi-chismis na girlfriend ni ethan?"tanong niya habang nakataas ang isang kilay sakin.
"ha?ah hindi!"pagtanggi ko agad.
tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.tila ba hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko.hayst,nakakainis na 'to ah...
"hmm,well...you have the looks naman eh,matangkad ka rin.pero mukha ka namang mahirap.alam mo bang mayaman si ethan?hindi ka bagay sa kanya girl.layuan mo na sya."saad niya at inirapan ako.
kunot-noong tumingin lang ako sa babaeng yun bago maglakad papalayo.nakakainis bakit palagi na lang akong napag kakamalang jowa ng mokong na yun?huhuhu!
at wow ha!ako mukhang mahirap?!grabe siya!siya nga mukhang trying hard na feeling richkid.basagin ko mukha nun eh!hmmpf!
naglakad na ako paalis sa Business Administration Bldg.nang bigla kong masalubong si van.
"shara?"
"van!anong ginagawa mo dito?"
ngumiti lang sya ng konti at pinakita ang plastic envelope na hawak niya na may lamang mga papel.
"bibigay ko lang sa pinsan ko itong plastic envelope na hawak ko kailangan na daw niya kasi.ikaw ba?anong ginagawa mo dito shara?"nagtatakang tanong ni van.
"ah,pinuntahan ko lang si ethan sa room nila pero mukhang wala pa siya."sagot ko.napatango naman si van sa sinabi ko.
"by the way,shara,gusto kong mag appologize dun sa nangyaring gulo nung biyernes."saad ni van habang nakatingin ng diretso sa mata ko.kyaah!anu ba van!wag mo kong tingnan sa mata!nahihiya ako!
napa-iwas ako ng tingin."ah okay lang yun.pareho na naman kayong lasing ni ace nung gabing yun."
napabuntong hininga na lang si van.tinapik ko naman ang balikat niya at nilagpasan na siya.
nakakainis talaga si Ace.actually,hindi naman talaga magkakagulo doon kung in the first place pa lang ay hindi niya ako sinundan papunta sa table namin.nasira tuloy yung momment namin ni van at sa pagkaka-alala ko siya pa nga ang unang sumuntok!
dumiretso na lang ako sa room namin.medyo marami na rin ang nasa loob ng pumasok ako.dumiretso ako sa seat ko.lumapit naman sakin si Ellie at hinila niya yung malapit na seat at tinabi sa upuan ko.
iniba kasi yung sitting arrangement namin at pagpasok ko may nakalagay na mga names sa bawat upuan kaya hindi ko na katabi si Ellie.
dahil 'Alcantara' ang surname ko at 'Jacinto' naman ang sa kanya.
YOU ARE READING
Betrayed(El Diablo Series #1)
Randomthe saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies...