nagising ako ng umagang iyon sa isang hindi pamilyar na kwarto.
teka lang?!hindi ito ang condo ko ah!
p*ta!may kalandian ba ako kagabi?!jusko!kanino ko binigay?!huhuhu...
agad kong sinilip sa ilalim ng kumot kung suot ko pa yung mga damit ko at nakahinga ako ng maluwag ng makita na suot ko pa din naman yung damit ko kagabi.wala namang pinagbago.nakahinga ako ng maluwag.pero nasaan ba ako?at sino ang nagdala sakin dito?
"gising kana pala"
nagulat ako ng makita ang isang lalakeng kakalabas lang ng CR.
teka lang!kilala ko 'to ah!ito yung bestfriend ni Ace!
"anong ginagawa mo dito?"tanong ko na ikina kunot lang ng noo niya.
"kwarto ko,obvious ba?"
oo nga naman.tsk."I mean,paanu ako napunta dito?"
"dinala kita dito."sagot niya.
"w-wala namang n-nangyari satin kagabi d-diba?"na uutal kong tanong.
tiningnan niya lang ako saglit at tumawa siya ng malakas.
potek na yan tawanan ba naman ako!naninigurado lang naman eh.
"wala,hindi ako katulad nung lalakeng hinawakan yung pwet mo kagabi."sagot niya at napa iling na lang.
"bakit mo ako hinila paalis dun?"nagtatakang tanong ko.
"bakit gusto mo bang patuloy na mabastos nung lalakeng yun?"he asked while raising an eyebrow."pasalamat ka at hindi si ace ang nakakita nun.kung hindi baka nagkasuntukan ulit."
"bakit mag-isa ka lang doon?asan yung mga kaibigan mo?"tanong ni daryl.bakit mahilig magtanong 'to?
"eh ikaw bakit mo ako dito sa kwarto mo dinala?"pinanliitan ko siya ng mata.nakakahiya dahil baka makita ako ng mga magulang niya.
"hindi ko alam kung saan ka nakatira tapos bigla kang nahimitay kaya dito na lang kita diniretso."sagot niya at nag kibit balikat lang.
"bumangon kana dyan at sumunod sakin sa kusina,wag kang mag-alala ako lang ang tao dito ngayon kaya di mo kailangang mahiya."saad niya at lumabas na ng kwarto
umalis na ako sa kama at lumabas na rin ng kwarto pumunta muna ako sa lababo para maghilamos at magmumog.
"gatas o kape?"tanong niya.
"kape na lang,hindi ako umiinom ng gatas.lactose intolerant ako eh."napatango lang siya sa sinabi ko at ka agad na nagtimpla ng kape.
kumuha ako ng pandesal mainit pa.hindi rin naman ako masyadong kumakain ng kanin tuwing umaga kaya okay na din 'to.pasalamat na lang talaga ako at walang ginawa 'tong lalakeng 'to sakin kagabi.
ah oo nga pala!bakla nga pala siya kaya siguro hindi siya interesado sa mga babae.
maya-maya lang ay inilapag na niya ang dalawang tasang naglalaman ng kape sa ibabaw ng mesa.umupo na din siya sa harap ko.
tiningnan ko ng maigi ang mukha niya.
ang gwapo nya sana pero bakit pa kasi siya naging bakla?
"stop staring."
nanlaki ang mata ko ng bigla siyang magsalita kaya naman agad kong kinuha yung tasa at ininom yung kape pero nakalimutan ko na mainit pala iyon kaya naman ka agad ko yun nabitawan.
"ang init!ang init!"bulalas ko.
"syempre,kape nga diba?normal lang na mainit yan."
tiningnan ko lang siya ng masama.tinawanan niya lang ako.nakakainis ang baklang 'to.
YOU ARE READING
Betrayed(El Diablo Series #1)
Randomthe saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies...