Vale's point of view
Marahas akong napasubsob sa aking desk pagkatapos gawin lahat ng paper works, 3 days, tatlong araw akong walang maayos na tulog at puro trabaho lang ang inatupag, Mabuti na nga lamang ay nakakakain pa ako ng maayos dahil kung hindi ay paniguradong sa ospital ang bagsak ko.
Sinulyapan ko ang orasan sa aking lamesa, 10:37 pm, "It's getting late" bulong ko at nagsimulang ayusin ang mga nagkalat na papel sa desk ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko at nagtipa muna doon, bigla namang tumunog ang tiyan ko kaya i decided to order some foods online at ipapa-deliver ko nalang sa condo. Nilagay ko ang mga bagay na iuuwi ko sa aking bag and was about to leave when I saw a guy standing outside of my office. "WHAT THE HELL?!" sigaw ko dahil sa gulat ng mapagtanto ko kung kaninong bulto ang nasa labas ngayon ng aking opisina. "What th- TODD!" pasigaw na tawag ko sakanya ng makalabas ako ng aking opisina, hindi man lang it tumingin saakin at nanatiling nakayuko at nakapamulsa.
"What are you doing here looking like a weird-creepy man?!" naiinis na tanong ko sakanya pero wala parin itong kibo. Nagtagal ng dalawang minuto ang katahimikan niya kaya naman ay hindi ko nalang ito pinansin at nilagpasan nalang siya, I looked back but he's just still standing there like a statue, weirdo saad ko saaking isipan at dumiretso nalang sa elevator, I press the open door at hinintay ko itong bumukas, agad naman akong pumasok at pinindot ang floor kung nasaan ang pribadong parking lot.
Sakto namang pag-uwi ko ay dumating na ang mga pagkaing in-order ko kanina, innabot ito saakin at binigyan ko ng tip si manong driver tutal ay naka pagbayad naman na ako online. Umakyat na ako sa floor kung nasaan ang condo namin at binuksan ang pinto using my finger print. "I'm home" sambit ko pagkapasok at tumakbo sa sofa't bumulagta, I heave a deep sigh before I open my food delivery and started eating, nakarinig naman ako ng tili mula sa kwarto ni Ree kaya tumayo ako't pumunta sa harapan ng pinto niya, I knocked and offered her to join with me but she just said that she already ate and just told me to enjoy my food.
Pagkatapos ko kumain ay inayos ko ang mga kalat at nagpahinga, binuksan ko rin ang TV para maghanap ng panunoorin pero wala akong mahanap kaya naman pinatay ko nalang ito, "Beer" it randomly came out of my mouth kaya naman ay tumayo ako at pumunta sa kusina para maghanap ng beer, it's been a while since I last drunk, ito ay noong birthday ni Ree at nag-celebrate kami sa bar na pagmamayari ng auntie niya. Naalala ko naman na nagi-stock pala si Ree ng mga alak sa sulok ng kusina kaya pumunta ako doon at nakita ang madaming bote ng mamahaling alak, tinignan ko kung may beer at nakahanap naman ako, dumiretso na ako sa aking kwarto at nilapag sa lamesa ang tatlong beer na kinuha ko.
I cleaned myself first and organized my things inside the room and when everything is fine, I opened the beer and started to drink, nagbukas rin ako ng aking laptop at naghanap ng magandang palabas sa Netflix, "Sex/Life" bulong ko ng basahin ang palabas na nakaflash ngayon sa screen ng laptop ko. It was a chill-long night, ng tignan ko ang orasan ay 3:45 na ng umaga kaya naman ay humiga na ako sa kama at hinayaan na lang ang mga kalat sa sahig.
----------------------------------
Nagising ako dahil sa may taong yumuyugyog saakin, I heard my bestfriends voice pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, masyado pang maaga para mambulabog siya. "...usement park tayo baks.......gising...." Rinig kong sabi niya at inulit-ulit ito hanggang sa maging klaro na ang pandinig ko "amusement park" daw kami kaya naman unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at humarap sa kanya, nakakita ko itong nakangiti ng malawak habang naka indian sit sa tabi ko, "Gaga, ang aga pa e" kahit tuyo ang lalamunan ko ay pinilit ko parin magsalita, "Anong maaga?! Hoy VP ala una na po ng hapon, tagal na din nating walang bonding e" pagmamaktol niya kasabay nun ang pag-alog niya sa katawan ko, nainis ako kaya naman binunot ko ang baril na nasa aking unan at ipinutok ito sa bungo niya. Nilinis ko ang nagkalat na dugo at itinapon sa bangin ang katawan niya. Char!
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
Romance[BxB] Vale who never experienced loving someone or being loved by someone will meet a guy who don't want to experience love again because of his last traumatizing relationship. Will it be possible that the two of them will find peace, comfort, and l...