The Time Traveller 3

19 4 5
                                    

THE PUZZLE

1:00 pm

Location: PSHA,City center

VANGELINE'S POV

Di ko na naman kasama si baby Bry dahil on mission na ulit kaming tatlo pero okay lang yon. Ako naman magluluto mamaya ulit para matuwa sa akin si baby Bry hehehe.

Mukhang wala na ngang mga tao sa area na 'to kaya papasukin ko na itong building ng PSHA.

Key Access confirmed

Door Unlocked

Year 2017 pa nung araw na unang lumitaw ang mga portals sa kalangitan. Wala pa din clue at kahit na idea man lang ang mga gobyerno ng bansa kung anong nangyayari.

"Bakit ba kasi ganito sa Pinas?"

Wala na akong ibang masabi talaga sa bansang ito.

Madali lang naman makabisado map ng building na ito na naka-display sa lobby kanina kaya naglalakad na ako patungo sa main laboratory na nasa 5th floor.

"Hello?"

Napalingon ako bigla. Sino yun? May tao pa ba dito? Nasa 4th floor palang ako ng building.

"Hello? I'm here for investigation kaya maari na kayong lumabas ng–"

Di ko natuloy sasabihin ko.

M-may...

Nakatagos na ulo sa kisame.

"Hello~"

Tangina wala ng normal na nangyayari talaga sa bansang 'to.

Tumakbo ako ng mabilis mula sa corridor papunta sa fire exit. Muntikan pa akong madulas shet.

"Hel–."

Nadinig ko syang mag hello na naman habang naglalakad sa kisame kaya sinarado ko kaagad pinto ng fire exit.

Ito ako ngayon at nagmamadaling makalabas sa gusaling ito. Babae pa din ako kahit na anong isipin ko. Multo na yon eh, multo na yun at di ako tutulad ng mga napapanood ko dati na namamatay na lang sa gulat.

Napatigil ako.

Nasa ibaba na ako at nasa harapan ko na ang main door papalabas ng building na ito.

Pero hindi ko magawang makalabas. Kahit man lang humakbang. Na estatwa ako.

N-nasa...

Harapan ko ulit yung nakatagos ang ulo mula sa kisame.

Wala syang mukha. Kalbo at may guhit-guhit sa mga balat nya.

"Hello?"

Wala ka bang ibang alam na sabihin? Pero anong gagawin ko ngayon?

Aakyat ba ako ulit?

Naglalakad na sya. Hindi. Lumulutang sya papalapit sa akin.

"Hello?"

Pota bahala na.

Tumakbo ako at nilagpasan ko sya. Binuksan ko ang pinto pero...

Nasa 4th floor ulit ako ng...

building.

"Hello?"

Nasa likuran ko sya. Di ko alam kung ano gagawin ko. Baby Bry, sana nandito ka.

"Hello?"

Puro hello lang nadidinig ko sa kanya habang nakalutang.

"Hello?"

T-teka.

The Time Travellers: The World's PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon