The Time Traveller 8

10 2 1
                                    

HARBOR TRIBE

BRYSON'S POV

"Bry! Bry!"

Ano ba naman itong si Chad ang aga-aga ginigising ako.

"Oh? bakit?"

Gusto ko pang matulog.

Kung alam nyo lang gaano kahirap makipag-usap kay Arko. Ngayon ramdam ko na si Chad pag dinadaldal ko sya dati noong school year namin.

"Yung officials mo hinahanap ka"

"Officials?"

"Bryson, nakalimutan mo na bang nag stand up ka sa mga hunters about sa negotiation sa other tribe?"

Oo nga pala, ako pala ginawa nilang leader sa pag handle ng new system na farming and trading materials.

Pero wala pa naman kaming pinag bigyan ng information na tatanggap kami ng trades sa other tribe ah.

"Diba wala pa naman tayong information na nilalabas?"

"There are some guest outside and base sa isang officials mo yun ang tumanggi sa trading materials ng village." paliwanag ni Chadron.

Pampang? sa pagkaka alala ko tribo ng pampang tawag nila doon eh.

"Paki sabi papunta na ako" saad ko kay Chadron.

Agad syang lumabas ng kubo at ako naman ay nag asikaso ng sarili.

Pagdating sa negotiation kailangan malinis ka din.

Location: Front side of the forest tribe village

Tanaw ko na ang sinasabi nilang guest na galing sa ibang tribe.

"Umalis na lang kayo kung ganyan ang inyong ugali!"

Mukhang may problema akong aayusin base sa sigaw ng isa kong official.

"Kalma, nandito lang kami para kausapin ang inyong tribo para magamit namin sa pakikipag laban"

Nakaka irita ang tono nya at halatang napaka selfish ng sinabi ng lalaking yon.

"Ano ang problema?" tanong ko sa isa kong opisyal

"Ginoong Bryson, itong lalaking ito ay gustong gamitin ang tribo para sa pakikipag-"

"Sa totoo lang dapat matuwa pa kayo dahil magkakaroon kayo ng pagkakataon magka silbi ang tribo ninyo."

Napa ubo ako at tsaka ngumiti sa harapan nya dahil gusto ko itago ang pagka irita ko sa sinabi nya.

"Marahil hindi tayo nagkaka intindihan, Ginoong?" tanong ko sa kanya.

"Ginoong? May problema ata ang iyong mga mata kaya hindi mo makita ang aking katipuhan. Tawagin akong ginoo ay masyadong nakaka gago."

You fcking bastard... nagtatanong ako ng maayos. Kung hindi ko lang kailangan ng information sa labas ng tribo babarahin ko itong isang 'to.

The Time Travellers: The World's PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon