The Time Traveller 9

15 2 1
                                    

INFILTRATE

Location: Hidden parts of Buma's Forest

VANGELINE'S POV

"Buma, maraming salamat sa pag bigay ng buong kaalaman tungkol sa kagubatan." saad ko kay Buma.

"Sumusunod lamang ako sa napag usapan." sagot sa akin ng Tikbalang na si Buma.

I still can't imagine na ganito kalaki ang gubat na ito, halos makakagawa kami nila Chadron ng buong city sa lawak.

"Binibini, nakakamangha ang iyong pagkabisado ng aking kagubatan kahit na marami itong pasikot-sikot."

"Masyado mo naman akong pinupuri, Buma."

Hindi mahirap ang mag mapping para sa akin at ang tawag sa pamamaraang ito ay cartography.

Naubusan na pala ako ng papel na pagsusulatan ko ng maps– hmm...

"Hindi ako makapaniwala na maari kayong makagawa ng tinatawag nyong papel sa puno." Sabi ni Buma habang namamangha pa din sa process na ginawa ni Chad.

"Hindi ko din inakala na magiging ganito kadali gumawa ng papel dahil sa ideya ni Chad." sagot ko sa kanya.

Nakaka gulat talaga din dahil despite na fantasy ang magic ginagamit ni Chadrom yun as an advantage para makagawa ng materials na alam nya.

"Naubusan ka na pala ng papel" saad nya sa akin dahil napansin nyang wala na akong hawak na papel.

"Wag ka mag alala, pwede ko naman makabisado sa utak ang direksyon at mga gamit. Mamaya ko na lang ilalagay sa papel."

"H-hindi ba parang m-mahirap yon?" Nauutal pa nyang pagsabi.

Hindi naman mahirap sa akin kabisaduhin ito pero sadyang malawak din ang mga hidden parts ng forest but still I'm Van so I just to think–

Cartography Memory Acquired

Huh? Sinong nagsalita?

Napatingin ako sa paligid dahil may nadinig akong nagsalita.

"Ahm, Van? may problema ba?"

Napansin ni Buma na nagmasid-masid ako pero wala ba syang nadinig?

Baka mali lang ako ng nadinig.

"Buma, nagsalita ka ba kanina lang?"

Kailangan ko pa din masigurado...

"Hindi" sagot nya sa akin.

Wala din naman akong ibang naramdaman sa paligid at kung meron man ay mararamdaman din ni Buma iyon.

"Baka nagugutom lang ako. Buma bumalik na tayo sa tribo para sabihin kay Chad lahat at kailangan ko din mailagay ang mapa sa papel." saad ko sa kanya.

"Kung ganoon ay masusunod".

Gumawa sya ng harang sa harapan namin at nadiretso kami sa tapat ng village. Warp Barrier ata yung skill na meron itong si Buma.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Time Travellers: The World's PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon