FOREST TRIBE
CHADRON'S POV
"Aho! Aho! Aho!"
Sigaw iyon ng mga tao sa paligid namin habang malakas na hinahampas sa lupa ang kanilang mga sandata. Masasabi kong mga taong tribo ito.
"Chad anong plano?" tanong sa akin ni Bry.
Himala at kalmado silang dalawa ngayon.
Sa nakikita kong sitwasyon namin ay hindi naman mahirap makatakas dito. Gawa lang sa kawayan ang pinagkukulungan namin at nakatali lang ito habang naka tusok sa lupa habang ang nagsisilbing bubong ay gawa din sa kawayan.
"Aho!"
Malakas ang pagkakasigaw ng isang yon at halatang sya ang leader ng tribong ito dahil tumigil sa pagsigaw at pagkilos ang mga taong nakapaligid.
Binigyan nila ng daan ang lalaking iyon na tinignan naman naming tatlo.
Malaking tao sya na may malaking katawan, moreno at naka bahag. Mahaba ang buhok at may tattoo sya sa braso. Tinignan nya kami habang hawak-hawak ang itak.
"Sino ang mga ito?" tanong nya sa mga kasamahan nya. Malalim ang boses nya at nakakakaba ang presensya nya.
Lumakad ang isang patpating lalaki sa harapan nya at sya din ang isa sa mga dumampot sa amin.
"Pinunong Arko, sa kalagitnaan ng aming pagsasaka bigla na lamang sumulpot ang mga ito sa kawalan." paliwanag nya.
Lumapit muli sa amin ang tinawag nyang Arko at tinutukan kami ng itak.
"Sino kayo at ang inyong kasuotan ay kakaiba. Mga dayuhan ba kayo mula sa ilalim na bahagi ng malaking islang ito?"
Sa lalim ng boses nya ay masasabi mong karapat dapat lang sya na maging pinuno.
"Mahirap unawain ang mga sinasabi mo ngunit masisigurado kong hindi kami naparito upang makipag gulo."
Binababa ko ang tono ko habang iniiwasan kong mag salita ng english sa mga ito kaya sa utak ko palang pinupuro ko na pakikipag usap sa sarili ko. Mahirap na magkaroon ng hindi pagkaka unawaan.
Tumitig lang sya sa akin at ganun din ako.
"Ang iyong mga mata ay nagsasabi ng katotohanan." sabi nya sa amin.
"Pakawalan ang mga iyan at pag uusapan namin sa kubo ng pagpupulong." dagdag pa nito.
"Pinuno! ako ay tumututol." sigaw ng patpating lalaki.
"Anong ang iyong dahilan, Yaba. Siguraduhin mong matutumbasan nyan ang aking kakayanang kumilala ng isang tao." saad ni Arko sa kanya.
Kakayahaan? napapa isip ako sa kung anong klaseng timeline ang pinagmulan ni Pom.
Ipinakita ni Yaba ang Egress.
Egress?!
"Hoy hoy, Bry? Vangline? bakit nasa kanya yung puzzle?"
"Wala akong idea, Chad kasi mabilis masyado mga pangyayari kanina." sagot ni Bry at wala din ideya si Vangeline.
"Pinuno, ito ang nawawalang biyaya na ibinigay ng munting bituin noong mga panahon na magkaka isa pa ang lahat ng mga nilalang." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Time Travellers: The World's Piece
AdventureIn year 2016 when the bloody war of the world occur and ended up 1 year later, due to the appearance of the eerie portals in the middle of battles. Thousands of soldiers were annihilated on every country by the creatures coming out on portals that l...