Simula

8 0 0
                                    

Sabi nila kung mahal mo ipaglaban mo na kahit marami man ang humadlang sa inyo, mananatili ka.

Yes! We choose to fight our love. We choose to continue our relationship kahit ang pamilya ko pa ang kalaban namin.

Choose what makes you happy so I choose him.

"Hiwalayin mo ang lalaking iyon, Blakely!" Galit na sigaw ni Mama sa akin habang nandito kami sa may sala ng bahay namin.

Kadarating ko lang galing sa school at ito ang bubungad sa akin dahil nakita niyang hinatid ako ni Dustin, my boyfriend.

"No! I love him Mom if you don't support our relationship, then don't! But please he's the reason why I'm happy." Mahinang bulong ko.

"Hindi siya nakakabuti para sayo, anak. " Mahinang bulong ni Mama at nakikita ko sa gilid ng mata niya ang nagbabadyang luha.

Tumalikod na ako bago ko pa makita iyon. Umakyat na ako sa kwarto ko at pagsara ng pinto ay napaupo ako sa likod nito at doon umiyak.

I understand her. I really understand my Mom kung saan nang gagaling ang galit niya.

I'm sick and he didn't know it. Ayaw kong ipaalam sa kaniya na mahina ako na may sakit akong leukemia , ayaw kong kaawan niya ako.


Akala ko maayos ang lahat but last month parang nagunaw ang mundo ko dahil sa nalaman kong may sakit ako. Kahit gusto namin na magpa chemotherapy, hindi maaari dahil mahirap ang buhay.

Kahit gustuhin ko man gumaling pero ang kahirapan ang nagpipigil. Ganito na lang ata ang kapalaran namin na isang mahirap na kagaya ko. Noon hindi ko iniintindi ang buhay namin na kahit mahirap nandito naman si Mama. Pero dahil sa sakit ko, nag simula akong tanungin ang Panginoon...

Bakit mahirap na nga kami tapos nagka sakit pa ako ng leukemia? Ganoon ba ako kasama para maranasan ito? Bakit hindi na lang pwedeng maging masaya ako?



IT'S OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon