Kabanata 3

5 0 0
                                    

Nandito kaming dalawa ni Mama ngayon sa puntod ni Papa habang masayang kumakain at nagku kwento kay Papa gaya ng dati. Hindi man tanggap si Mama ng mga magulang ni Papa, pero masaya pa rin kami. Kahit na nag iisang anak lang ako, masaya kami kaya hindi ko masisisi si Mama kung hangga ngayon ay nangungulila pa rin siya kay Papa.

Kahit na ako ay nangungulila pa rin sa yakap at halik niya, pero pinapalakas ko lang ang loob ko para kay Mama.

"Mahal, lagi mo kaming babantayan ha? Itong anak mo bigyan mo siya ng lakas para sa kinakaharap niya ngayon. Baka hi-hindi ko na kakayanin pa pag nawala siya sa akin, mahal. " Naka tingin siya sa lapida ni Papa at hinahaplos ito habang umiiyak.

"Hindi ko na kakayanin kung pati siya mawawala, siya na lang ang lakas ko. Siya na lang ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin ako sa kabila ng pang iwan mo sa amin." Yumakap naman ako sa kaniya habang naka ngiti pero dumadaloy na rin ang luha ko.

"Kapag sinabi ko pong lalaban ako, lalaban ako. Sakit lang ito at pangako mananalo ako dito." Pag sapit ng alas singko ng hapon ay umuwi na kami ni Mama dahil dumidilim na sa kalsadang tatahakin namin.

Habang naglalakad ay tahimik lang si Mama at parang malalim ang iniisip kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Lalapit kaya ako sa magulang ng Papa mo, anak." Natigil naman ako sa paglalakad at humarap kay Mama na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Kahit anong ibato nila sa akin ay tatanggapin ko gumaling ka lang, hija." Hinaplos niya ang mukha ko at nangilid ang mga luha ko. Umiling naman ako dahil hindi makapag salita sa sinabi niya.

"Murahin man nila ako o pag sabihan ng masasakit na salita, tatanggapin ko para sa ika bubuti mo. " Umiwas naman ako ng tingin at nag simula na ulit mag lakad.

Natatandaan ko pa noong pagka tapos ng libing ni Papa pumunta ang mga magulang niya sa amin.


"Ngayon wala na ang anak ko huwag na huwag mo ng ipapakita ang pag mumukha mo sa amin. Dahil sa iyo nawala ang anak ko! 'Yung pangarap na gusto namin sa kaniya hindi niya naabot dahil nagpa buntis ka sakaniya! Hindi ka namin matatanggap kahit na ang anak niyo!."

Ilang beses ko ng tinanong si Mama kung bakit ganoon na lang galit nila sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot. Hangga sa napagod na akong mag tanong sa kaniya at ang tanging tumatak lang sa isipan ko na kahit ako ay hindi tanggap ng mga magulang ni Papa.

Nakarating na kami sa bahay pero iyon pa rin ang sinasabi ni Mama kaya naiinis na ako.

"Pupunta ako bukas na sa kanila para humingi ng tulong. Apo ka rin nila-"

"HINDI NILA AKO TINURING NA APO, MA!" Galit na sigaw ko na nagpa tahimik kay Mama sa sasabihin pa sana niya.

"Tanda ko pa po ang lahat, Ma. Kung gaano nila kaayaw sayo at sa akin. Kaya bakit ka hihingi ng tulong sa kanila?" Lumapit naman si Mama sa akin kaya umatras ako at pinunasan ang luhang hindi ko napansin.

"Magulang pa rin sila ng Papa mo. Lola at Lolo mo pa rin sila-"

"Hindi! 'Yung araw na pina mukha nila sayo at sa akin na hindi nila tayo tanggap, hindi ko na sila tinuring na pamilya! Kung mamamatay ako sa sakit kong ito, edi mamatay ako-" isang malakas na sampal ang nagpa tigil sa akin at naririnig ko na lang ay ang hikbi ni Mama.

"Bakit? Bakit ang dali sayong sabihin iyan? Ang mamatay ka, Blakely? Bakit ang dali sayong tanggapin ang bagay na iyan? Ang bagay na araw araw kong pinag darasal na sana hindi mangyari?" Tuluyan ng humagulgol si Mama sa harapan ko at ang tanging magagawa ko na lang ay ang panoorin siya at umiyak ka sabay niya.

"Sabihin mo sa akin? Gusto mo na bang sumuko? Sabi mo lalaban ka, anak." Nanghihinang tanong niya.

"Ma-mama. Gustong-gusto kong lumaban. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal, makasama ka. Gusto ko pa pong matupad 'yung pangarap ko po at pangarap ko sa inyo. Pe-pero alam po natin kung gaano kalala itong sakit kong ito."

"Natatakot ako na baka isang araw pag tulog ko hindi na ako magigising pa. Natatakot akong iwanan ka dahil alam ko kung paano ka na naman masasaktan. Ma, natatakot po akong iwan si Dustin at si Mika. Natatakot po akong isang araw hindi ko na makita ang mga ngiti ng mga taong mahal ko. Takot na takot ako pero tanggap ko na po." Yumakap na ako kay Mama dahil hindi ko alam kung hangga kailan ko na lang magagawa ito.

"Mahal na mahal kita, Ma. Kaya sana po matanggap niyo ang magiging kapalaran ko. Isipin niyo na lang po na masaya ako kung saan man ako pupunta." Yumakap naman ng mahigpit si Mama at mas lalong umiyak.

"Susubukan ko, anak. Pero hindi madali para sa akin ang hinihiling mo." Tumango naman ako at naiintindihan ko si Mama.

Mahirap para sa isang ina ang mawalan ng isang anak. Noong nasa sinapupunan pa lang tayo ng ating mga ina, lubos na pagmamahal at pagaalaga na ang binibigay nila sa atin. Kahit hindi pa nila tayo nasisilayan grabe na ang sayang kanilang nararamdaman. A mother's love is unconditional.

Noong tumigil na si Mama sa kakaiyak ay sinabihan ko siyang magpahinga muna at ako na ang bahala para sa hapunan namin.

Natuto akong mag luto sa edad na sampong taon. Tinuruan ako ng mga magulang ko dahil iyon talaga ang pinaka bonding namin tatlo, sa kusina. Masayang kumakain at nagku kwentuhan.

Namimiss ko na ang bagay na iyon, dahil simula noong nawala si Papa hindi na namin ginawa iyon ni Mama. 'Yung mga bagay na nakasanayan naming ginagawa noon ay hindi na namin nagagawa ngayon. I understand my mother, but sometimes I can't help but to feel sad and cry.

Pagka tapos kong mag luto ay pinuntahan ko na si Mama para kumain na. Nasa hapag kainan na kami ng biglang nag salita si Mama.

"Simba tayo bukas anak. Gusto kong magpasalamat na binigyan niya ako ng isang anak na mas malakas pa sa akin." Ngumiti siya kaya gumaan na ang loob ko dahil alam kong totoong ngiting pinakita niya sa akin.






Pero simula na pala iyon ng  sunod sunod na problema.

IT'S OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon