My father left us when I was 15 years old. Naaksidente siya sa pinagtatrabauhan niya nahulog at natamaan ang ulo niya. Dead on arrival iyon ang nangyari kay Papa.
Iyon ang halos bumago ng buhay namin ni Mama, dahil may mga naiwan pang utang si Papa sa kompanyang pinagtatrabauhan niya dahil nagka sakit noon si Lola at kailangan niyang magamot.
Naging sandalan namin ni Mama ang isa't isa, sa loob ng anim na taon masasabi kong hindi pa rin matanggap ni Mama ang pagkawala ni Papa. Dahil kahit hindi niya man sabihin sa akin, alam kong gabi-gabi pa rin siyang umiiyak dahil naririnig ko sa labas ng kwarto nila ang mga hikbi niya.
Masakit para sa isang katulad ko ang makitang nasasaktan siya. At ngayon nasasaktan na naman siya na ako ang dahilan, dahil sa sakit na nalaman namin at sa relasyon namin ni Dustin.
Tatlong taon na kami ni Dustin pero ngayon lang tumutol ng ganiyan si Mama sa amin. Naiintindihan ko naman pero sana hindi niya hadlangin ang kasiyahan ko. Kung maaga man akong mawawala dito sa mundong ito, gusto kong baunin ang mga alaala namin dalawa.
"I love you, babe" bulong niya sa akin habang nakayakap sa akin. Nandito kami ngayon sa may bakanteng lote malapit sa amin. Nakatingala sa mga bituin, this is our 3 years and 8 months together. Ang tanging mahihiling ko na lang na sana pag nawala na ako ay makakahanap pa rin siya ng magmamahal at magaalaga sa kaniya.
"What if mawala ako? Maghahanap ka ba ng iba?" Galing sa pagkakahiga niya dito sa damuhan umupo siya at tinitigan niya ako ng seryoso.
"Hindi ako gagawa ng dahilan para mawala ka sa akin, babe. At maghanap ng iba? Kontento na ako sayo, kaya bakit pa ako maghahanap?" Napangiti naman ako sa sagot niya at the same time may konting kirot sa puso ko.
"Let say namatay ako mag-"
"Ano bang gusto mong iparating, Blakely Rose?!" Nakita ko ang galit sa mata niya at alam ko talagang galit na siya dahil binigkas na niya ng buo ang pangalan ko.
"What if nga lang, babe-" tumayo siya at yumuko sa harapan ko habang umiiling.
"Hi-hindi ko kayang isipin na mawawala ka sa akin, babe. Mas gugustuhin ko pang makitang may iba kana, kaysa hindi na kita makikita kahit kailan. At hinding hindi ako papayag na may mangyari sayo." Tinulungan niya akong makatayo at hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay.
"Inalagaan kita ng ilang taon hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Just. Just don't say that again, babe." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"Let's enjoy our 3 years and 8 months of love, babe. " Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Humiga ulit kami dito sa damuhan habang sabay namin tinatanaw ang mga bituin.
When I'm gone I want all my love ones will be happy. My mom, my bestfriend Mika and my boyfriend. I hope someday they will move on and move forward. Ayaw kong tumigil ang mundo nila sa pag ikot dahil wala na ako. Gusto ko bago ako mawala matupad lahat ng pangarap nila, at sisimulan ko na bukas.
"Good morning, Ma" masayang bati ko sa kaniya at niyakap ko siya habang nagluluto. Kahit madaling araw na kaming nakauwi ni Dustin ay maaga pa rin akong nagising. Dahil gusto kong sulitin ang araw na kasama ko pa sila.
"Anong oras kang umuwi?" Galit pa rin siya base sa boses niyang nagtatanong.
"Hindi ko po alam basta madaling araw na iyon." Naka ngiting saad ko, humarap naman siya sa akin at huminga ng malalim at hinaplos ang mukha ko. Napapikit naman ako dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko galing sa aking ina.
"Na-natatakot ako a-anak. Takot na takot ako na baka isang araw mawala ka sa akin katulad ng nangyari sa Papa mo. Baka kapag nawala ka sa akin, hindi ko na kakayanin pa." Hinawakan ko naman ang kamay niya nasa mukha ko at hinalikan ito.
"Lalaban po ako Mama. Para sayo, para sa mga taong mahal ko. Lalaban ako, tiwala lang po." Yumakap naman siya sa akin at naramdaman ko ang pagpunas ng luha niya. Hinagod ko naman ang likod niya at pinipigilan ang luha kong gusto rin kumawala.
"Kain na tayo baka maoras kapa sa klase mo. Susunduin ka ba ni Dustin?" Tumango naman ako at umupo na kami para mag simula ng mag almusal.
Habang kumakain patingin tingin ako kay Mama at naisip ko na ang gagawin ko para sa kaniya mamaya. Narining ko naman na may kumakatok sa pintuan kaya tumayo ako dahil alam kong si Dustin na iyon.
"Good morning, babe. Flowers for my beautiful girlfriend and soon to be my loving wife." Naka ngiting inabot niya sa akin at buong puso ko naman itong tinanggap.
"Good morning too, babe. Thank you for this my handsome boyfriend and soon to be my hard-headed husband." Natatawang saad ko. Sumimangot naman siya at sabay kurot sa ilong ko.
"Anong hard-headed ka diyan. I'm good boy now babe." Hinila ko naman siya papasok at dumiretso kami sa kusina kung nasaan si Mama.
"Good morning po, tita." Naiilang na ngiti ni Dustin. Tumikhim naman si Mama bago ngumiti ng kaunti sa kaniya.
"Good morning, hijo. Umupo ka muna at kumain kana rin." Tumayo naman si Mama para pang kuha ng plato si Dustin.
"Hindi na po-" si Dustin.
"Bawal tumanggi sa grasya, Dustin. Saluhan mo na kaming dalawa ni Blakely."
Wala naman nagawa si Dustin at umupo na siya sa tabi ko. Alam kong naiilang siya kay Mama dahil simula last month ay naging cold na si Mama sa kaniya. Which is hindi niya alam kung bakit, pero sinabi ko na lang dahil namimiss niya si Papa.
"Kumusta ang pag-aaral mo Dustin? Balita ko muntik ka ng bumagsak sa isa mong subject. Ano bang-"
"Ma! Don't start" mariing wika ko. Bumaling naman si Mama sa akin at nagpatuloy sa pag subo.
"Pasensiya na" mahinang bulong ko kay Dustin nag thumbs up naman siya at ngumiti sa akin.
"Ayos lang naman po, nakabawi rin po kaagad. Nagka problema lang po sa bahay kaya naapektuhan ang pag aaral ko."
"Mabuti naman kung ganon, hijo. Importante pa rin ang pagaaral Dustin. Si Blakely kailangan niyang mag aral ng mabuti dahil mahirap ang buhay kung hindi ka naka pag aral. Dahil ngayon hinahanap nila sa trabaho ang diploma. Nakakalungkot man isipin na may ganon pang requirements na kailangan, hindi ko alam bakit hindi nila naisip na hindi lahat kayang ma kapag aral... "
Ngumiti naman ng mapait si Mama at tinignan niya kaming dalawa ni Dustin.
"Kaya swerte pa rin kayong dalawa dahil nakakapag aral kayo. 'Yung mga iba pangarap ang nasa kalagayan niyo kaya mag sikap kayo upang makatapos sa pag aaral kahit mahirap, mga anak."
Alam kong hindi nakapag tapos sa pag aaral si Mama dahil na rin sa buhay nila. Kaya noong naging asawa niya si Papa ay todo tutol ang mga magulang ni Papa. Hindi nila matanggap si Mama pero nag sumikap siya para matanggap siya at pinaglaban din siya ni Papa sa pamilya niya.
That's why I admired their relationship na mag daan man ang ilang taon mahal pa rin nila ang isa't isa.
Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin nila tanggap si Mama kaya kahit magkanda kuba na si Mama sa pagta trabaho, hindi siya humihingi ng tulong sa magulang ni Papa para maka bayad sa mga utang.
"Opo tita. Para sa future ko. Sa future namin ni Rose, magtatapos po ako at pagbubutihan ko. May pangarap na ako para sa amin dalawa kaya hindi na ako papayag na maging pabaya." Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti. Ngiti na alam kong siguradong kami na talaga hangga sa dulo.
Napatingin naman ako kay Mama at ngumiti siya ng malungkot sa akin.
Lalaban ako.

BINABASA MO ANG
IT'S OVER
Lãng mạnHe's my happiness and he's my strength. But... FATE PLAYED DAMN SO WELL.