Kabanata 2

7 0 0
                                    

Half day lang ang klase namin ngayon dahil may biglaang meeting ang mga teacher, tungkol siguro ito sa papalapit na foundation day na magaganap next week.

Hinihintay ko si Dustin dito sa labas ng room namin dahil hindi pa tapos ang klase nila.

"Bal, street foods tayo mamaya tagal ko ng hindi naka kakain ng ganon." Reklamo ni Mika dito sa tabi ko habang nakakapit ng mahigpit sa braso ko na para bang mawawala siya.

"Matagal ba 'yung kahapon? Gaga" iling ko sa kaniya. Makapag reklamo akala mo naman matagal na talagang hindi kumakain ng street foods.

"Ikaw naman kasi hindi ka sumama kahapon sa akin, kaya hindi man ako nag enjoy kumain. Paano ba naman nag date pa kayo ni Dustin. Hay! Sana all may boyfriend." Inalis ko naman ang braso niyang nakakapit sa akin at inakbayan ko siya.

"Sorry na, bal. Alam mo naman kahit araw-araw kaming magkasama hindi naman kami lumalabas talaga para mag date. At ikaw kung hindi ka ba naman baliw, crush mo na tapos nanligaw sayo, binusted mo naman." Ngumuso naman siya at humarap sa akin.

"Crush ko lang naman siya e. Hindi ko naman hiniling na ligawan niya ako. Tsaka pag hanga lang iyon, mawawala 'yung nararamdaman ko sa kaniya. Kumbaga crush ko siya kasi magaling siyang mag basketball, marunong siya about sa art. Pero hangga doon lang iyon." Ngumiti siya sa akin kaya huminga na lang ako ng malalim at hinayaan siya.

Ewan ko ba sa babaeng ito. 'Yung mga iba halos ginagawa nila ang lahat para mapansin lang ang crush nila at humihiling na sana ligawan sila. Pero itong bestfriend kong ito, kakaiba.

"Papalapit na si Dustin dito, pero kasama niya si Isabelle." Tumalikod naman ako sa kaniya para makita sila at nakita kong nag tatawanan sila habang pinapakita nila ang kanilang cellphone sa isa't isa.

Ano bang nakakatawa sa cellphone nila? Inaamin kong matagal ko ng pinag seselosan si Isabelle ang pambato sa department nila. She's morena, tall and slender na may mahabang buhok na kulay itim. Sa bawat hakbang niya mapapalingon ka talaga sa kaniya dahil sa angking ganda niya at masasabi ko ring mabait siya sa ilang beses na naming encounter.

Pero Dustin always assured me na kaibigan niya lang ito at may boyfriend na rin siya na nag aaral sa kabilang school.

"Babe" tawag niya sa akin at kumaway habang papalapit sa amin. Ngumiti naman ako at hinintay na makalapit sa akin. Pag dating niya sa harapan ko niyakap niya ako ng mahigpit na parang hindi kami mag kasama kanina.

"Ehem! May single po dito. Kaunting respeto naman." Humiwalay naman ako at hinarap si Mika na nagpaparinig.

"Bitter" pang iinis ko. Umirap naman siya at hindi na nag salita.

"Tara na babe. Sasabay si Isabelle sa atin palabas, okay lang ba?" Tanong niya sa akin at sabay ngiti.

Narinig ko naman ang pag tikhim ni Mika kaya pa simple ko siyang siniko sa tagiligaran niya. Tumango na lang ako at nag simula na kaming mag lakad ni Mika. Silang dalawa nasa likod namin habang nag uusap pa rin sila tungkol sa pinapakita nila sa cellphone.

"Ikaw 'yung girlfriend, bal. Bakit nandito ka at hinahayaan mo silang mag sama? And worst nasa likod pa natin sila." Madiin bulong ni Mika sa akin.

"May pinag uusapan sila nakakahiya naman sumingit tapos hindi ko rin alam kung ano iyon."

"Iyon nga hindi mo alam-"

I stop her from what she wanted to say.

"I trust him." Huminga naman siya ng malalim at iniba na lang ang usapan about sa activities na mangyayari next week.

Wala akong sinalihan na ano man activities. Pupwede na ako sa panonood lang at pag suporta sa mga ka department ko. Si Mika naman ay alam kong sasali siya sa Dance Competition and Dustin probably basketball. I will give my one hundred percent support to them.

Nakalabas na rin kami kaya dumaretso na kami ni Mika sa nag titinda ng kung ano anong klase ng street foods dito.

"Hay! Heaven ito para sa akin, Bal. Salamat naman at nakasama kita ulit dito." This is our favorite place.

"Kumakain ka ba ng ganiyan, Isabelle?" Napatalon naman ako dahil sa boses ni Dustin at dahil kasama pa rin pala niya si Isabelle.

Sabi niya hangga sa harap lang ng school? Dahil hinihintay niya ang boyfriend niya?

"Hindi e. Sorry" mahinanga bulong niya kasabay ng pag tawa. Lumingon naman sa akin si Dustin at inakbayan niya ako.

"Itong girlfriend kong ito mas gusto niya ang mga pagkain na ganito. She's simple right? That's why I love her. Kahit dito lang ang date namin masaya na siya." Napangiti naman ako at pinalupot ko ang braso ko sa baywang niya.

Isang bagay na gustong-gusto ko kay Dustin ay kahit sinong kaharap niya ipagsisigawan niya kung gaano niya ako ka mahal.

"Aray ko naman manong! Bakit ang daming langgam dito." Kunwaring naka tingin pa sa   baba si Mika na para ba talagang may langgam.

"Baliw" natatawang saad ko. Umirap naman siya at kumuha na ng stick at plastic cup para pumili na ng kakainin niya.

Humiwalay naman ako kay Dustin para tumusok na rin doon ng narinig ko ang sinabi ni Isabelle...

"Pero gusto kong tikman kung ano bang lasa niyan." Bumuntong hininga naman ako at pinag sa walang bahala na lang ang nararamdaman ko.

Hindi ko naman masisisi ang mga babae sa school namin kung maraming nagka kagusto sa kaniya. Gwapo siya, matangkad na moreno kapag nasisinagan ang mata niya ay lalo itong nagiging kulay brown. Plus lagi siyang naka ngiti kaya lumalabas ang dalawang dimples niya sa magkabilaang pisngi.

Hindi ko rin alam bakit ako pa ang napili niya mas maraming magagandang babae sa paligid niya.


"Kung maraming maganda, ikaw pa rin ang nakikita kong pinaka magandang babaeng nakilala ko sunod sa Mama ko. And I didn't love you because you are beautiful. I love you, because of who you are."

Pagka tapos namin kumain si Dustin lahat ang nagbayad libre na niya daw ito dahil sa monthsarry namin kahapon. Kaya todo ngiti si Mika ngayon habang nag lalakad kami papunta sa may park.

"Ang sarap pa lang may kaibigan na may jowa pati ako nabibigyan ng grasya. Sarap tuloy maging single habang may jowa kaibigan ko." Sabay tawa niyang malakas.

Binatukan ko naman siya dahil sa kabaliwan niya.

"Sa susunod wala ng libre. Mag iipon na akopara sakasal namin ni Rose. Kaya ikaw na muna ang gagastos sa amin, Mika." Halakhak ni Dustin habang naka yakap sa baywang ko.

"Hoy graduation muna bago kayo pakasal no. Tapos hanap muna kayo ng tabaho at sabay na mag ipon para secured na ang future niyong dalawa." Naiiling na sabi ni Mika habang naka tingin sa amin dalawa.

"Believe me, Mika. Gagawin ko ang lahat para kami na talaga sa huli."

Ang sarap marinig ang katagang ito galing sa taong mahal mo pero at the same time, ang sakit. Hindi ko alam kung kailan ako mawawala. Hindi ko kayang iwan siya na ganito, kaya kahit ito pang sakit ko ang kalaban ko. Lalaban ako para sa kaniya. Para sa mga mahal ko sa buhay.

Sisiguraduhin kong maipananalo ko ang laban kong ito.

IT'S OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon