Kabanata 4

3 0 0
                                    

"Kung gusto niyo pa pong humaba ang buhay ng anak niyo, kailangan na po niyang magpa chemotherapy." Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang kulay puti ang nasa paligid ko. At alam kong nasa hospital na naman ako.

"Sige po. Salamat po doc." Narinig ko ang pag sarado ng pintuan at ang hakbang ni Mama papalapit sa akin kaya tumingin na ako sa kaniya.

"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" Marahang tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Kahit naka ngiti siya ngayon sa harapan ko, alam kong nahihirapan at nasasaktan si Mama na makita akong ganito.

"Dalawang araw ka ng tulog, Blakely. Tinakot mo ako."

Dalawang araw? So it means may klase na kami?

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Noong linggo ng umaga pinuntahan kita sa kwarto dahil magsisimba sana tayo. Kaya lang ang taas ng lagnat mo at giniginaw ka pa, may dugong lumalabas sa ilong mo." Naiiyak na kwento ni Mama habang patuloy pa rin sa paghaplos sa akin.

"Natakot ako hija. Tinakot mo si Mama, a-akala ko mawawala kana sa akin. Parang awa mo na anak huwag mo akong iwan huh? Magpalakas ka." Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Mama kaya tinaas ko ang kamay ko para abutin ang mukha niya at punasan ang mga luha niya.

"Hindi ko kaya iyon anak. Hindi ko na kayang mawalan pa. Ikaw na lang ang lakas ko. Hindi ko kaya-"

"Shhh. Hindi po ako mawawala. Lalaban pa po ako. " Siya na ang nagpunas sa luha niya at hinalikan ako sa noo.

"Naniniwala ako sa iyo anak."

Sinabi ni Mama na excuse ako sa klase ko ng isang linggo dahil pinagpaalam niya ay luluwas kami sa probinsiya nila sa Tarlac, dahil may emergency.

"Si Dustin po?" Kinakabahang tanong ko, dahil nasisiguro ako na hinahanap na niya ako at nag aalala na iyon.

"Tumawag siya noong linggo. Sinabi ko na lang na natutulog ka habang nasa biyahe tayo. At sinabi kong pasahan na lang kayo ng mensahe, dahil magiging abala ka pagdating natin sa Tarlac." Binigay ni Mama sa akin ang cellphone ko at doon ko nabasa ko lahat ng conversation nila.

Dustin: Babe? Hindi kita masusundo ngayon pero maghihintay ako sa labas ng gate. Hatid kita sa room niyo.

Dustin: Where are you? We're already late babe. Sabihin mo kung nasaan kana susunduin na kita.

After two minutes nag text na naman si Dustin dahil wala akong reply sa mga text niya.

Dustin: Answer my damn call, babe. I'm fucking worried!

Ramdam ko na nag aalala at kinakabahan na siya.

Dustin: Bakit walang tao sa bahay niyo? Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Kahit mga kapit bahay niyo hindi alam kung saan kayo nag punta. Please if you read this message babe, kahit isang reply lang na maayos ka. Mapapanatag na ako.

After two hours doon lang ako na kapag reply pero si Mama ang sumagot.

Blakely: Pasensiya na hijo maayos naman ang anak ko. Natutulog siya nasa biyahe kami.

Doon na tumawag si Dustin at ilang minuto lang ang usapan nilang dalawa.

Blakely: Ang saya dito sa probinsiya nila Mama. Next time isasama kita. I love you, babe.

Sa dalawang araw na tulog ako si Mama ang sumasagot sa text ni Dustin.

I'm sorry babe, kung kinailangan kong itago ito. Sana balang araw maintindihan mo rin ako.

"May aaminin ako sa iyo, hija." Natigil naman ako sa iniisip ko at tumingin kay Mama.

"Nag punta ang mga magulang ng Papa mo dito. At sinabi nilang gusto ka nilang tulungan sa pagpapagamot mo-"

"Bakit pa? Anong nakain nila at bakit tutulungan nila tayo?" Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Blakely- "

"Napag usapan na po natin ito. Ayaw kong magpa chemotherapy-"

"Sabihin mo nga kung bakit ayaw mong magpa gamot? Kase hindi kita maintindihan anak e. Gusto kitang gumaling, pero bakit parang ikaw ayaw mo? Bakit sinasabi mong lalaban ka pero taliwas naman sa ginagawa mo?" Galit na sigaw ni Mama habang umiiyak sa harapan ko.

"Masama bang gusto kong gumaling ka? Masama ba, Blakely? Masama bang hilingin na sana makasama pa kita ng matagal?" Pa simple kong pipunasan ang luha ko. Dahil hindi ito ang tamang oras para ipakitang mahina ako, ngayon mahina rin si Mama.

"Masama bang hilingin na gusto kong makita lahat ng pangarap ko sayo matupad? Masama bang mangarap na makita kang nakapag tapos? Mag suot ng toga? Makahanap ka ng maayos na trabaho? Makita kang makasama mo ang pipiliin mong mamahalin? Masama ba! Kung masama, anak. Gusto ko na lang maging masama. Makasama ka lang ng matagal. "

Humagulgol sa harapan ko si Mama at ang tanging magagawa ko lang ay titigan siya at hayaan ilabas lahat ng hinanakit niya.

Kasi kapag nawala na ako, wala ng pupunas sa luha ni Mama. Kaya kahit masakit makita siyang lumuluha at ako pa ang dahilan, hahayaan ko siya. Dahil alam kong hindi ko na magagawa iyon kapag nawala na ako sa mundong ito.


"Hayaan niyo na lang po akong ubusin ang natitirang oras na kasama ko po kayo. Kasi po, kung magpapa chemo ako masasayang lang ang oras ko. Magiging mahina po ako, makakalbo. Ayaw ko non, Ma. Ayaw kong maging mahina sa paningin niyong lahat."

Natahimik naman si Mama pero humihikbi pa rin siya habang nakatitig sa akin.

"Gusto kong makausap sila Lolo at Lola. Gusto ko bago man ako mawala maramdaman ko 'yung pagmamahal ng isang lolo't lola." Tumango naman si Mama at lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit.


Iyong isang linggo sana hindi ako papasok sa school naging tatlong linggo. Pumunta pa kami sa bahay nila Papa, kung saan nakatira sila Lola. Hindi naging madali ang pag uusap namin. Pero sa huli nagka patawaran na kami, after all magulang pa rin sila ni Papa.

Sa bawat araw na lumilipas ramdam kong humihina na ang katawan ko. Kaya naki usap ako kay Mama na uuwi na sa Manila para sabihin na ang totoo kay Dustin at Mika.

Alam kong masasaktan sila, pero alam ko rin na maiintindihan nila ang kalagayan ko. Sana pagkatapos kong sabihin sa kanila maging normal pa rin ang trato nila sa akin.


"Mag ingat kayo doon, Blakely. Luluwas din kami bukas ng Lolo mo sa Manila, doon muna kami pansamantala." Yumakap na ako sa kanila at sumakay na kami sa bus ni Mama patungo Manila.


Habang nasa biyahe iniisip ko na ang sasabihin ko sa kanilang dalawa. Una kong pag sasabihan nito ay si Mika. Huli na lang si Dustin, dahil mahabang explanation ang kailangan kong sabihin sa kaniya kung bakit ko tinago ang sakit kong ito sa kaniya.

Naiimagine ko na rin na iiyak si Dustin, pero hahalikan pa rin niya ako at yayakapin ng mahigpit. Sasabihin niyang lalabanan namin dalawa itong sakit na ito. Alam kong mahal ako ni Dustin dahil ramdam ko ito. Sa bawat yakap niya at halik, sa pag aalaga at pag rerespeto niya sa akin.





Pero...





Hanggang imagine na lang pala ang lahat na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT'S OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon