OUR MEMORY LIES IN THE TREE HOUSE

82 5 0
                                    

A/N;

Ang alaala, hindi nakasalalay sa isang bagay.

Ang bagay na iyon ay maaaring mawala

ngunit ang alaala mananatili sa puso at isipan ng tao.

Kaya’t  habang nandito ka sa puso ko,

hindi mawawala sa aking alaala.

SULLI’s POV

Hindi ko inaasahan ang araw na ito. Hindi man lang sumagi sa isip ko na isang araw ay mangyayari ito. Para sa akin, mahalaga ang tree house na iyon.

 

“Bakit ang daming bulldozer sa park?” Tanong ko.

“Hindi mo ba narinig na ngayon uumpisahan ang construction ng  park?”- Kuya Rain

“Ah, talaga! Hindi ko yata alam yun”

“At alam mo ba kung anong narinig ko?”- Kuya Lambert

“Huh, at ano naman daw yun?”

Hindi iyon pinansin ni Sulli.

“Makinig ka”- Kuya Rain.

“Dalian mo kasi may praktis pa kami”

“Puputulin daw ang puno na may treehouse”

Tila nabingi si Sulli sa narinig.

“Huh! Hindi puwede”

“Sulli, saan ka pupunta?”

“Hindi nila puwedeng putulin yun sa tree house” Patakbong umalis si Sulli patungong park. Marami ngang tao doon. Abala ang malalaking bulldozer sa paggiba ng mga puno.

Hindi na ito ang dating parke na kinalakhan niya. Ang mga punong kasabay niyang lumaki ay ganun-ganoon lang na itinumba. Hindi nila inisip na mayroon din itong buhay. Ang puno na naging saksi sa lahat ng masasaya at malulungkot na alaala ng kanyang kabataan ay balak ng putulin. Hindi siya makakapayag.

Iyon ang kahuli-hulihang puno na puputulin dahil nasa dulo ito ng ilog.

Buong tapang siyang humarang sa harap ng puno.

“Boss, may dalagang nanggugulo dito. Ayaw po niyang ipaputol ang puno. “

“Paalisin mo… Kailangan nating matapos ang clearing operation natin sa parke, para maumpisahan ang konstruksyon nito”

“Boss, nakayakap po siya sa puno. “

“Ano ba? Babae lang yan. Paalisin mo”

Binabaan na siya ng operator ng bulldozer.

“Ano ba ? Kanina ka pang nakakaabala ah. Hindi ka ba talaga aalis dyan”

“Hindi ninyo puwedeng gawin yan sa tree house”

“Bakit sino ka ba sa akala mo?”

“Kuya naman, please… Ito na lang alaala namin sa parkeng ito.”

“Miss, napag-utusan lang naman ako”

“Umalis ka na dito at baka ka masaktan” Hinawakan ng lalaki si Sulli sa braso.

“Bitiwan mo ako.” Walang takot na kinagat ni Sulli ang kamay ng lalaki.

Umigkas ang kamay nito dahil sa sakit. Sasaktan talaga niya ang dalaga ngunit sumaklolo si Taemin... Habang kanina pang nandoon si Minho at pinag-aaralan ang mas mabuting gawin kesa sa naisip ni Sulli. Naunahan lang siya ni Taemin pero pupuntahan na sana niya ang dalaga. Nagtakbuhan sa harap ng puno sina Krystal, Victoria, Luna at Amber, masama ang tingin nila sa lalaki. Tumakbo din sa harap ng tree house sina Onew, Key at Jonghyun pati si Minho.

THE CLASH OF THE DANCING MACHINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon