TOMORROW IS ANOTHER DAY

59 4 0
                                    

A/N:

Puwedeng dugtungan ang nakaraan sa kasalukuyan…

At ngayon ang araw na iyon…

Gagawin ni Minho ang mga bagay na sana ay noon pa niya nagawa

kung hindi lang niya kailangang umalis…

Bubuo silang muli ni Sulli ng alaala kahit wala ang treehouse…

 

 

MINHO’s POV

Sabay kaming pumasok ni Sulli  sa school. Ako na ang nagsabay sa kanilang dalawa ni Krystal. Pagdating namin sa school, tahimik si Taemin at si Krystal ang pinapansin niya. Kahit may gustong ikuwento sa kanya si Sulli, pasimple niyang iniiwasan ang dalaga.

 

“Sabay tayo mamayang mag-recess…” Sabi ni Minho.

“Sige, sabay tayong bumaba” Napahagikhik si Sulli.

Sabay silang pumasok ng classroom at naglingunan ang kanyang mga kaklase.

Pati sina Victoria at Amber ay nagbulungan.  Sina Onew at Jonghyun ay tahimik lang sa na nakatingin sa nangyayari.

“Ay, angsweet ng dalawa!” Kinikilig na sabi ni Luna. Nahuli niyang tinititigan siya ni Onew. Pinandilatan niya ng mata ang binata na para bang tinatakot niya ito. Nginitian lang siya ni Onew at ngumuso na parang hahalik sa kanya.

Seryosong pumasok si Taemin. Wala itong kangiti-ngiti. Dumiretso ito ng upo.

“Taemin, isinabay na kami ni …” Pero hindi na siya pinansin ni Taemin. Naupo ito sa kanyang upuan. Lumipat siya ng upuan ng makita niyang lalapitan siya ni Sulli at nakipagkuwentuhan kay Onew.

“Onew, may balita ba? May bagong concept na ba kayong naisip sa darating na semis…”

“Jonghyun, nakaisip ka na ba?” Tanong ni Onew.

Umiling si Jonghyun.

Pabulong na nag-usap ang mga kadalagahan.

“Bakit ganun si Taemin?” Unang nahalata  ni Victoria ang kilos ni Taemin.

“Halatang iniiwasan si Sulli” Sabi naman ni Amber.

“Huh, naku parang alam ko na ito… Parang may … Hindi naman siguro…” Sabi ni Luna na tila nagdadalawang isip pa.

Nakatingin lang si Sulli kay Taemin ng tumalikod ito. Hindi siya nakaimik at tila naguguluhan sa nangyari. Malungkot ang dalaga na umupo. Nagulat din si Minho. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ganito ang pakikitungo ni Taemin kay Sulli.

RECESS.

Madaming estudyante sa kantin ng oras na iyon. Nagkakagitgitan pa sa pila ng pagkain.

“Sulli, ako nang bahala sa kakainin natin. Upo ka na doon” Itinuro niya ang bakanteng upuan na malapit sa pintuan ng kantin.

Humiwalay sila sa grupo nina Krystal. Sa ibang kantina pumunta sina Victoria at Jonghyun. Sina Luna at Onew ay sa ilalim lang ng puno nagpalipas ng recess habang pinagsasaluhan ang baon nito. Sina Amber at Key, nag-uusap tungkol sa bagong konsepto ng sayaw nila habang kumakain ng Clover Chips.  Panay naman  ang sulyap ni  Sulli kay Taemin na nagkukunwaring masaya at kuwento ng kuwento kay Krystal. Si Krystal ang hindi nakatiis.

THE CLASH OF THE DANCING MACHINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon