OLD FRIEND DILEMMA

120 6 0
                                    

Kaibigan…

Ka- ibigan…

Naiibigan…

Kakaibiganin…

Ka-ibig-ibig…

Lahat ay natutuloy sa pag-ibig…

 

Maagang sinundo ni Taemin sina Sulli at Krystal. Hindi niya napansin ang kotseng dumaan sakay sina Minho at Minseok.

Nakita ni Minho kung gaano ka kasaya ng tatlo. Isang bagay na na-miss niya sa buong buhay niya. Sa America, wala siyang gaanong kaibigan. Hindi rin siya puwedeng lumabas kasama ng mga kaibigan Kano.

“Nakikilala mo pa ba si Sulli?” Tanong ni Tito Kirk.

“Opo…” Sagot ni Minho.

“Nagkikita ba kayo sa school?”

“Magkaklase po kami”

“Kumusta naman ang mga kaklase mo?”

“Mababait naman po sila?”

“May mga kaibigan ka na ba?”

“Kaklase ko po sina Taemin at Krystal…”

“Hindi ka na masyadong maninibago sa kanila”

“Opo…”

Wala sa mood si Minho ng araw na iyon dahil sa nakita niya noong nagdaang gabi. Hindi rin niya alam kumbakit siya nakakaramdam ng ganun. Ayaw niya ng ganoong  pakiramdam. Gusto niyang iwasan ngunit paano?

Selos ba?

Inggit ba?

Hindi rin niya alam at lalo siyang naguguluhan kaya gusto na lang muna niyang manahimik.

SULLI- KRYSTAL-TAEMIN’s CONVERSATION

Sa loob ng kotse…

“Krystal, baka naman puwede ka nang sumali sa grupo namin? Namumrublema si Amber kasi kulang pa kami ng isa… Sali ka na.” Lumingon si Sulli sa backseat.

“Hindi mo pa ba alam…”- Taemin

“Ang alin?” - Sulli

“Nagpraktis na sila kahapon ni Amber”

“Talaga, Krystal…”

Nagsigawan ang dalawang babae sa loob ng kotse. Halos mabingi si Taemin. Lihim niyang sinulyapan si Krystal sa rear view mirror. Napangiti siya. Nalilito siya sa pakiramdam na iyon.

Pagpasok ng klase…

Masayang mukha ni Sulli ang bumungad  sa pintuan. Sinalubong siya ng sigawan ng kanyang mga ka-grupo. Tuwang tuwang ibinalita sa kanya ang nakitang performance ni Krystal kaya positibo siyang may laban sila sa Dance Feast.

“Huwag kayong pakasisigurado…” Sabi ni Ha Ra.

“Masyadong bilib sa sarili. Tsss!” – Komento ni Yoona at dinig na dinig iyon ni Luna.

“Hoy, mga inggitera sa stage na lang tayo magkita-kita”

“Pssst!” Sutsot sa kanya ni Onew.

“Isa ka pa…” Pinandilatan ni Luna si Onew. Ngumiti lang ang binata. Lalo tuloy naningkit ang kanyang mga mata. Bigla na namang naalala ni Luna ang nangyari nung isang araw kaya napapilig siya ng ulo.

THE CLASH OF THE DANCING MACHINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon