TIME FLIES

106 7 0
                                    

A/N:

Mabilis lumipas ang panahon.

Maraming na ang nangyari…

Pero may mga bagay na hindi natin kinakalimutan…

May umaasa…

Sa maraming balang araw na darating…

MINHO’s  POV

Humagulgol ako sa iyak ng dumating ang bangkay ni Papa. Nadamay siya sa nangyari bombing sa America. Ang sabi niya uuwi daw siya ng maaga upang sabay-sabay naming i-celebrate ang birthday ko. Nakahanda na kaming lahat. Siya na lang ang hinihintay namin hanggang sa marinig namin sa balita ang nagaganap na pambobomba sa tinaguriang Twin Tower. Ang gusaling ito ay isang trade center na pinaka-main target ng mga terorista. Pababa na noon si Papa, sabi kasi niya nasa elevator na daw siya ng mga oras na iyon. Bigla siyang naputol sa linya at iyon na ang huli naming pag-uusap.

Lumalim ang gabi at hindi na siya nakarating ngunit nagising kami sa iyak ni Mama. Sinundo kami ng isang kotse. Madaling araw na iyon ng pasukin namin ang building na iyon. Tinungo namin ang isang kuwarto. May mangilanngilan ng tao doon. Mga kakilala ni Mama, nagsulputan din ang mga kaibigan nila ngunit mas nagulat ako ng lumapit kami sa kabaong at nakita doon si Papa.

Halos gumuho ang mga pangarap ko ng mga oras na iyon. Ilang buwan na lang matatapos na ang pasukan. Ipinangako niyang uuwi kami sa Pilipinas para dalawin sina Lola Kelly at Lolo Alfred. Tamang-tama, magkikita na kami ni Sulli. Paano na kami ngayon?

“It’s okay Minho. Go home with your brother Minseok and live with your Lola Kelly”

“Why don’t we go together, Mama?”

“I’ll have to work, Son. You’re grown up and I know you can manage to go with Minseok”

“But, Mama. How about you?”

“Minho, I can take care of myself. Finish your school in the Philippines and then comeback here with me”

Tapos ang kuwento.

Balik kaming dalawa ni Minseok sa Pilipinas kalagitnaan na ng pasukan ang aabutan namin. Graduating pa naman ako.

Naiwan si Mama sa America para magtrabaho.

Wala kaming inaksayang panahon. Bumili kami ng plane ticket pauwi ng Pilipinas.

Iyon ang pinakamalungkot na araw ko bukod sa pagkamatay ni Papa.

Mapapahiwalay kami kay Mama.

NAIA, PHILIPPINES…

Sinundo kami nina Lola Kelly sa airport. Matandang matanda  na si Lola Kelly at naka-wheel chair na siya. Itinutulak na lang siya ni Tito Kirk.

“Naku, ito na ba si Minho?”

“Yes, Lola” Pa-slang pa ang lolo mo dahil madalas kaming  mag-ingles tuwing nasa school . Sa bahay lang sila nakakapagtagalog tulad ng gusto ni  Papa.

Niyakap ako ng mahigpit ni Lola at inakbayan ni  Tito Kirk.

“Mas matangkad ka na sa akin ngayon ha!” Napalakas ang tapik niya sa aking likuran na muntik nang ikatanggal ng baga ko. Bigla akong napaubo sa ginawa niya.

THE CLASH OF THE DANCING MACHINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon