Chapter 43

184 6 0
                                    


"Maglakad ka mag'isa mo! Magpapasundo nalang ako sa driver namin. And yeah, maghanap ka na rin ng Girlfriend mo! Jerk!" sigaw ko sa kanya

Kinuha ko na ang cellphone ko para tawagan ang driver ko, nang biglang lumapit sakin ang Jerk na kakamot kamot pa ng ulo at halata mong irita.

aba! mas irita ako no!

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at nagsimula na namang maglakad.

Hinila ko pabalik yung kamay ko

"Ayoko nga sabing maglakad e!" sigaw ko ulit

"Aish! Kelly, hindi naman kasi tayo maglalakad e." sabi nya ng iritang irita na

"E saan tayo pupunta!? Ayun yung kotse mo oh!" angil ko sa kanya

"Will you please speak in a low pitch?" sabi nya

Natahimik naman ako.

Tss. Kasalanan ko bang maingay ako?

"Just come with me and Please shut your annoying mouth. Hindi tayo maglalakad ok? May pupuntahan tayo." sabi nya

Kapal neto! Annoying mouth daw?

Pero dahil no choice ako, hinayaan ko nalang siyang dalin ako kung saan nya gusto pumunta.

And here we are, sa likod ng Mall.

"Wow." bulong ko

Ng makita ko ang magandang view ng sunset mula dito sa kinatatayuan ko.

Nandito kami sa isang Sea side, sa likod ng mall.

6 na ng hapon

At kitang kita ang magandang view ng sunset dito. at ang reflection nito sa tubig sa dagat.

Ang sarap panoorin.

"Come on." nakangiting sabi nya

At dinala nya ako sa isa sa mga bench.

"Sit here and just wait for me. I'll be back quickly." sabi nya

Tumango nalang ako habang nakatingin pa rin at manghang'mangha sa ganda ng sunset.

Napatingin ako sa paligid ko.

May mga couples, na masayang ineenjoy ang panonood din ng sunset.

May mga batang maliliit na nagsisitakbuhan at masayang naglalaro

May ilang mga pamilya rin na masayang nagpipicnic.

Kung titignan mo sila, ang sarap din nilang panoorin.

Kitang kita at ramdam mo talaga ang kasiyahan nila, sa mga ganito kasimpleng bagay.

Masaya akong pinapanood sila, pero di ko maiwasang makaramdam ng inggit.

Never ko kasing na'experience ang ganyan.

Ang ganyan kasayang childhood.

Ang ganyan kasimple pero masaya at kumpletong family picnic

Nung bata kasi ako, hindi ako nakakapaglaro ng ganyan.

Sila Ella at Rielle lang kasi talaga ang mga kaibigan ko simula pagkabata. At kung maglaro man kami, hindi ganyang klase, at sa loob lang ng bahay. Hindi ko naexperience makisalamuha at makipaglaro ng ganyan, sa ibang mga bata.

Never ko rin naexperience magfamily picnic.

Alam nyo bang pangarap ko yun?

But it never happened.

Operation: Make the Spoiled Brat FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon