Chapter 20

215 9 0
                                    


"So Kellylu, kamusta naman yung 'date' nyo ni Niccolo sa C.A ?" tanong ni Ella

"Oo nga Kellylu, ishare mo na! di ka nagkwento kahapon pagkauwe mo e" sabi naman ni Rielle

"Oh well. Not really good. as in!" sarcastic kong sabi

"why naman" sabi nila

"Uggh. Akala ko magiging maganda yung araw na yun. Kung alam ko lang na hindi, edi sana di na ko sumama! boset." irita kong sabi

"Kaya pala ko sinama ni Niccolo dun para ipakilala sakin yung GIRLFRIEND nya." tuloy ko

"GIRLFRIEND?" gulantang na tanong ni Ella

"May GIRLFRIEND si Niccolo?" tanong naman ni Rielle

"Shhh wag nga kayong maingay!" suway ko sa dalawa

Pinagtitinginan kasi kami dito sa caf.

pinagtaasan ko naman ng kilay yung mga nakatingin samin.

"Excuse me!? Tinitingin tingin nyo Jan? " pagtataray ko

nagsi alisan at iwasan naman sila ng tingin

then nagpatuloy na kami nila Ella sa pag uusap

"Oo. May girlfriend sya! at alam nyo bang maldita rin yung Girlfriend nya? Tss. Nakakainis talaga yung blondinang yun." sabî

"Blondina? ang tska ng name!" sabi ni Ella

"Duhh. Hindi nya name yun. Tawag ko lang sya kanya. Blonde kasi sya. May lahi, Amerikanang hilaw na clingy tss." sabi ko

"Yieee selos si Kellylu!!! Maganda ba?" -Ella

"Im not! Maganda ba? Pwede nang pagtyagaan tss." -Me

"Ang sabihin mo, nakahanap sya ng katapat nya hahaha" pang aasar ni Rielle

"Shut up. Yung blondinang yun? katapat ko? no way! Im better than her no!" inis kong sabi.

Nagtawanan naman sila.

"At eto pa isang nakapag pasira ng araw ko kahapon, nairita na nga ko sa blondinang yun, nakita ko pa dun yung Jerk!" sabi ko

"Si Dhazz Niel?" -Rielle

"Sino pa ba!? tss." -me

"No wonder kung bakit nandoon sya. Duhh, former Cleveland Academy Student yun. Malamang may access sya dun kahit di na sya dun nag aaral." sabi ni Ella

"Talagang may access! Oh well, close friend lang naman nila ni Niccolo ang anak ng owner ng C.A" sabi ko

"Wow" sabay na sabi nung dalawa

"Yeah." sagot ko then kinuwento ko na sa kanila yung mga nangyari yesterday nung nagpunta kami sa C.A pati yung mga nakilala ko which is yung Fab 7.

"Wait girl! dont tell me, yung Dyosang nakaka'insecure na sinasabi mo, and yung Mr. Gwapong suplado na magjowa.. sila yung gumawa ng nakakakilig na eksena nung Volleyball Championship pati nung Basketball Championship last year?" tanong ni Ella

Bigla kong naalala.

Oo nga no?

Kelly, why so makakalimutin?

"Yeah sila nga" sagot ko

"Grabe yung effort nung boy dun no? From Volleyball Tournament nung Girl hanggang sa Basketball Tournament nung boy, Effort kung effort talaga! Super sweet! di ko makalimutan. Gusto ko rin ng ganun. Ang swerte ng girl" sabi ni Rielle na parang kumikinang ang mata

Tss. Lovelife na naman inaatupag ng dalawa!

"Swerte? Kung nakilala nyo lang yun, nako sobrang suplado. Baka sya pa yung swerte sa girl. Full package eh. Maganda na, Mabait pa, Honor student pa" sagot ko

"Pero kahit na, malay mo iba naman ang treatment nya dun sa girl." depensa ni Rielle

"Tss. Sa una lang yan." sabi ko naman

"Uyy si Kellylu, BITTER! palibhasa, si Dhazz Niel, walang Sweet bones. Puro kasungitan lang. Hahaha" pang iinis ni Ella

inirapan ko naman sila

"Wag nyo ngang mamention mention ang name ng jerk na yun! Nakakabwiset talaga yun. Akala mo kung sino. Ang ugly naman!" pagtataray ko sa kanila

mukha namang hindi naconvince yung dalawa pero biglang

Nanahimik sila

Pinagtaasan ko sila ng kilay

"What?" irita kong sabi

may tinuturo naman sila kaya lumingon ako

O_O

Nagdikit ang lips ko sa lips nya

Sa sobrang gulat ko natulak ko sya sabay napatayo ako

"Y-You!" hindi ko alam kung aanong sasabihin ko

Maski sya halata mong di ineexpect ang nangyari

pero mukhang nakabawi agad ang mokong sa mula pagkabigla

"Ugly pala ha?" malamig nyang sabi sabay smirk

Napatingin ako sa paligid, lahat sila tahimik and nakatingin samin

Hiyang hiya ako sa nangyari pero I managed to compose myself

"O-Oo! You're so freakin' U-ugly!!!" sigaw ko sa kanya

Pero hindi ko mapigilang mautal

Habang sya naka smirk pa rin.

"So ganyan ka pala sa mga Ugly? Papakasalan mo sa marriage booth, and then ayan, pasimple mong hahalikan sa harap pa ng maraming tao." sabi nya

Na speechless naman ako sa sinabi nya.

Narinig ko naman yung ibang students dito sa cafeteria na nagbubulong bulungan.

Alam kong di nila alam yung about sa Marriage booth kaya nagtataka sila. Pero yung sa kiss, nakita nila yun

Ugghh. This jerk!!!!!!

"H-how dare y-you! Excuse me, ang k-kapal naman ng f-face mo! Uggh!" yun nalang ang nasabi ko sabay walk out

Tinignan ko naman ng masama yung mga tao sa paligid,

"Tinitingin-tingin nyo jan!? Give way, dadaan ako!" pagtataray ko

"Maldita Alert" narinig kong sabi ng dalawa kong kaibigan

Nagsi tabi naman yung mga students

At tuluyan na kong nag walk out.

Operation: Make the Spoiled Brat FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon