Chapter 30

172 7 0
                                    

Performance day na.

Pero hanggang ngayon, Hindi pa rin ako maka'move on sa ginawang pang iiwan sakin sa ere nung Jerk na yun!!!!

Natutunan ko naman yung mga bagong steps.

Halos maubos ang pasensya sakin ni ma'am dahil hirap akong matutunan yung mga binagong steps ko.

Pero ok na rin dahil kahit papaano, natutunan ko naman.

GOODLUCK NALANG SAKIN LATER!

Pagnasira ang performance dahil sakin, Humanda kang Jerk ka!

"And now, let's call on 4th year sections A and D. To perform Waltz." narinig kong sabi ng Emcee.

Aishh. Kinakabahan ako!!!

Nag umpisa na kaming magformation sa stage.

Sineset up na yung music.

Nagulat ako ng biglang may tumayo sa tabi ko.

As far as i remember, wala dapat akong katabi dahil solo ko ang front since wala akong partner.

Nabigla ako ng makita ko ang Jerk sa tabi ko.

Oo, si Dhazz Niel!

Omg.

Dumating sya.

Pero, pano yan?

"Do you still remember their steps?" pabulong nyang tanong, tinutukoy nya yung mga magpartner

Napaisip ako.

Tanda ko pa naman.

"Yes. Why?" naiiiritang tanong ko dahil nabubwiset ako pag naaalala kong iniwan nya ko sa ere!

"Good. Then kalimutan mo na yung mga bago mong steps, coz we will do the old one. Nandito na ang partner mo, kaya sasabay na tayo sa kanila." kalmado nyang sabi

Pero hindi na ako nakareact at nakasagot nang magstart na ang music.

Naguguluhan man ako pero sinunod ko pa rin ang sinabi nya.

Sinundan ko yung mga steps na pinaractice namin noon para sa mga magpartners.

Tanda nya pa rin kahit 1 week syang di nagpractice.

Wow.

At dahil wala na akong magawa, I just go with the flow.

Nakita ko si ma'am Santiago na nagtataka sa amin ni Dhazz Niel.

Pero kalaunan, nakita kong nakangiti na sya.

Di ko alam kung imagination ko lang pero parang nakita ko pa si ma'am na nag thumbs up?

Ginawa namin ni Dhazz Niel yung napagpractice'an namin noon, nakakasabay naman kami sa mga magpartners.

Sinunod lang din namin yung mga paalala ni ma'am including the Eye contact.

Umpisa pa lang, maganda na ang kinakalabasan ng pagsasayaw namin.

"Bakit ka nandito? I thought nasa States ka, at hindi ka aabot sa performance day." tanong ko habang sumasayaw kami

"Hindi ka ba masaya na nandito ako? You should have thanked me instead." sagot nya

"Bat naman ako matutuwa? Inis na inis nga ako sayo e! Ikaw kaya ang basta basta maiwan sa ere, matutuwa ka ba non?" tanong ko

Pero di ko inaasahan ang sinagot nyo sakin.

"Sorry." Sabi nya.

Kalmadong kalmado na sabi nya, hindi sarcastic.

Seriously!??

Nag 'Sorry' tong Jerk na to?

Magugunaw na ba ang mundo?

I cant believe it!

Ilang beses na akong pinahiya at inaway netong Jerk na to pero never syang nag'sorry! as in NOW LANG!

Unexpected.

"Nagka'emergency kasi. Tumawag yung mom ko, na'ospital daw yung daddy ko. So nagpa'book ako ng flight para makauwe samin sa States at mabisita ang daddy ko. Sorry, biglaan kaya di na ko nakapagpaalam." paliwanag nya.

Wow. for the second time, nakarinig na naman ako ng 'sorry' sa kanya.

Hahaha nice.

Pero ano daw?

"Emergency pala. And it's about your dad, so bakit ka pa umuwi ngayon?" tanong ko

Pero hindi ko na naman inaasahan ang sinagot nya.

"Pwede ba namang mawalan ng kapartner ang partner ko?" sabi nya ng nakangiti

Nakonsensya tuloy ako.

Pero wait!

He smiled !

First time ko lang makita yun.

Hindi naman kasi ngumingiti yung jerk na yan.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ko syang nahampas ng mahina sa braso nya.

Parang close tuloy kami.

"Are you crazy? Mas inisip mo pa ko, kaysa sa dad mo na nasa hospital?" sabi ko sa kanya

Totoo naman kasi.

Sino ba naman ako para ipagpalit nya sa daddy nyang may sakit diba?

"Im just kidding. Yung performance ang reason ko, not you." sabi nya

Walangya talagang lalake to!

For the second time, hindi ko alam kung bakit pero hinampas ko na naman sya ng mahina.

Pero tumawa lang sya.

Oh no. Kung umasta kami, parang close na close kami. Kahit hindi naman talaga!

Whats happening!???

"tsaka, Okay na naman na si Dad. Actually, ngayon na ang labas nya sa ospital." explain nya ulit

Natigil na ang pagkakonsensya ko.

Buti naman kung ganun.

Pero di pa man ako nakaka'response sa sinabi nya,

Nagbitaw na naman sya ng mga salitang di ko inaasahan.

"Pero seryoso ako sa una kong sinabi
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko hahayaang mawalan ng escort ang partner ko."

Operation: Make the Spoiled Brat FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon