Chapter 49

158 6 0
                                    

"Kelly, im really sorry. I know hindi madali pero sana mapatawad moko." pakiusap ko

Ngumiti sya.

Isang mapaklang ngiti.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

sabi nya

Natahimik ako.

Tumayo sya at naghanda ng umalis.

Pero di pa man sya nakakalayo ay tumigil sya.

Nang hindi lumilingon man lang sakin.

"Oo nga pala. Thanks for everything. And yeah, Thanks for helping my dad. Thank you for being the Key to the success of this Operation. Anyways, Congrats for succeeding." matigas nyang sabi

At tsaka sya mabilis na umalis.

Wala na.

Parang kelan lang, ang saya pa namin.

Sa isang iglap, wala na. Wala na ang masasayang araw na yun.

Hanggang dito nalang ba talaga?


Kelly's POV

Matapos magpaliwanag ni Dhazz Niel, mabilis akong umalis sa Seaside.

Ayokong magtagal dun, dahil lalo lang akong nasasaktan.

Narinig ko na ang side ni DhazZ Niel.

Pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba sya.

Napaniwala nya na ako sa isang pagpapanggap.

At ayoko nang maulit pa yun.

Magpapaka'selfish at close minded muna ako ngayon.

Hindi nyo ko masisisi.

Ako ang naloko, ako ang napaniwala dito.

Ako ang napagkaisahan dito.

Kung hindi ko pa narinig ang usapan kanina nila daddy, hindi ko pa malalaman ang tungkol dito.

Na lahat din pala ng tao sa paligid ko ay may kinalaman sa Planong iyon.

Sila pa, na malalapit sakin? Nakayang magawa yun sakin?

Now tell me.

Masisisi nyo ba ko kung ayoko ng makinig at magpaniwala pa?

Paano pa ko magtitiwala kung yun ngang mismong malalapit na tao sakin

pati ang lalaking mahal ko, nagawa at naitago ang bagay na yun sakin.

Paano pa kaya ang ibang tao diba?

Narealize ko lang ...

Na wala pala akong dapat pagkatiwalaan.

Naglakad ako sa kung saan saan.

Hindi ko alam kung saang kalye na ko napadpad.

Hindi ko alintana ang takot kahit gabi na.

Dahil wala ako sa sarili.

Nang makapa ko ang cellphone ko sa jacket na suot ko ...

At di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, at pumunta ako sa call history ko.

At wala sa sariling dinial ko ang isang pamilyar na number.

Dialling Unknown Number ...

Operation: Make the Spoiled Brat FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon