Kabanata 5

23 3 0
                                    

Kabanata 5|Separate

Mabilis akong nagligpit ng gamit matapos ipasa ang aking answer sheet. Nang makatapos na, tinanaw ko si Lily sa kanyang upuan.

Tahimik ang lahat na kumukuha ng exam. Maging siya ay tutok na tutok sa kanyang papel. Hindi ko na lamang siya inistorbo pa.

Lumabas na ako ng room at naghintay sa bench na sa harap lang ng classroom.

Walang estudyanteng kumakalat sa paligid dahil class hours palang naman. Hindi rin naman kami papayagan ni Ma'am na mag-stay sa loob ng classroom kapag tapos na kami sa exam habang may kumukuha pa dahil maaaring maiistorbo ang mga kaklase namin.

"Ari, tara canteen." Napalingon ako nang may tumawag sa akin mula sa gilid.

Si Arco pala na kalalabas lang ng room. Isang shoulder strap lang ng kanyang bag ang nakasabit sa kanyang balikat.

Kinuotan ko siya ng noo.

"Anong Ari?"

"Ikaw. Si Ari," aniya habang papalapit sa akin. Pangiti-ngiti pa ito.

Lalo ko lang siyang kinuotan ng noo.

Ari sounds fine, it actually sounds near to my name but it's not my name nor my nickname.
Shortened Aries, huh?

Pinutol na nga ang Aristhea, puputulin pa ang Aries.

"Tara na...canteen," muling yaya nito.

Ang akala ko ay uupo ito sa harap ko subalit nakipagsisikan lamang ito sa iisang upuan katabi ako.

"Ayoko nga. Hihintayin ko si Lily," mataray na sabi ko sabay usod palayo sa kanya.

"Sige na. Libre ko."

Kinuha ko ang bag ko sa mesa at mabilis na ipinatong sa espasyong sa pagitan namin nang akmang iisod na naman siya palapit.

"Babalik naman tayo kaagad," sabi pa nito na parang wala lang ginagawang kalokohan.

Pasimple niyang kinuha ang bag ko sa gitna namin at pinatong iyon sa kandungan niya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Kinagat lang nito ang labi habang halata naman ang nakakalokong ngisi niya sa kanyang mukha. Umisod pa siya lalo hanggang sa nagkadikit na kami.

"Balik tayo kaagad, Ri. Sige na."

"Ano ba yan. Ri na naman..." Ngumiwi ako.

Sinulyapan ko muna ang classroom at nakikitang wala pa ring estudyanteng nakatapos ng exam maliban sa amin ni Arco.

"Sige na kasi..."

"Wait ko pa nga si Lilith. Mabilis ring kumuha ng test 'yun," sagot ko at sinubukang agawin sa kanya ang aking bag.

Ngunit, agad niya itong hinawakan gamit ang isang kamay sa kabila at inilayo sa akin.

"Arco kasi!" Inis na sigaw ko sa kanya na tinawanan lang niya.

Napasimangot ako.

"Kiss muna," biro niya at tinuro ang pisngi.

"Baka gusto mo sapak?" Sarkastikong tanong ko.

He chuckled and pursed his lips.

"Dito nalang," nguso niya na muling ikinangiwi ko.

"Gago ka talaga. Akin na?"

"Oh."

Nilapit niya ang mukha sa akin kaya bigla ko siyang nasapak sa pisngi. Mahina lang naman.

I chuckled.

Redefining Fate (Amor Fati Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon