Kabanata 6

22 1 0
                                    

Kabanata 6 | Share

Tumunog ang bell hudyat na dismissal na.

Kunot-noo kong tiningnan ang cellphone ko dahil kanina pa ako naghihintay ng reply ni Lily.

"Baka di pa siya tapos?" Ani Arco na nakamasid lang sa akin.

Nagkibit-balikat ako at napatingin sa labas. Glass walls ang pader ng canteen na ito kaya makikita namin ang labas. Marami nang estudyanteng nagsilabasan sa kani-kanilang mga classroom. Nakikita kong marami na ring papunta sa canteen na ito.

Most of my classmates belongs to the middle-class family and can afford the foods here in this canteen. Kaya, may namamataan na rin akong mga kaklase namin sa di kalayuan pero walang Lilith.

"Hindi naman niya nauubos ang isang oras sa pagsasagot ng test," sabi ko, ang tingin ay nasa labas pa rin.

"Tawagan mo kaya?" Suhestiyon niya.

Uminom muna ako ng tubig sa water bottle na binili rin ni Arco para sa akin at pinulot ang cellphone sa mesa.

Agad rin namang sinagot ni Lily ang tawag ko.

"Uy, asan ka na?"

"Dito sa canteen, pumipila... Kasama ko si...sina Hadassah..." Batid kong nag-aalinlangan siya sa sagot niya.

"Bakit? Manglilibre naman si Arco sabi ko diba? Dali na."

Hindi siya kaagad nakasagot. Nilingon ko si Arco at sinimangutan. Tinaasan lang nito ako ng kilay.

"Huwag nang mahiya, Li. Sige na... Wait, siya nalang kausapin mo. Ibibigay ko sa kanya ang phone ha?—"

"Hala — Aries, nahihiya ako—"

Hindi ko na narinig pa ang kasunod niyang alibi dahil naibigay ko na iyon kay Arco na kunot-noo na akong tinitingnan.

"Kausapin mo," I mouthed him.

He coughed and said, "Li..."

Napakagat-labi ako at impit na tumili.

Kinikilig talaga ako sa dalawang 'to. Gustong-gusto ko ang chemistry nila at sa tuwing nakikita ko silang nagkakatinginan, parang nasasaksihan ko rin ang "sparks" sa pagitan nila.

Isang makulit at loko-loko at isang mahiyain na mahinhin— bet na bet!

"Oo. Isama mo nalang si Dassah. At saka, kung makikita mo sina Jordan, pakisabi na dito ako," rinig kong aniya habang ako nama'y nagpupunas ng gilid ng labi gamit ang tissue.

Maya-maya pa, binalik na niya sa akin ang cellphone ko.

"Ganda mo diyan ah," nakangising aniya.

I gave him a questioning look.

Nang makuha ko ang cellphone ko, nalaman kong ang wallpaper ko ang tinutukoy niya.

It was a close-up photo of my face. Buong mukha ko iyon at hanggang sa ibabaw ng dibdib ang nasa screen. Halatang naka-spaghetti top ako dahil sa strap sa kabilang balikat ko na hindi natatakpan ng mahaba kong buhok na iniihip naman ng hangin.

It was taken just this recent summer vacation. We went on a farm that time. Nasa terasa pa ako ng resthouse at kitang-kita sa ibaba ang malapad na taniman.

"Ay. Tinks," natatawang sabi ko.

"Seryoso, Ri. Maganda ka talaga diyan, plus the smile," nakangiti pa ring sabi niya.

Hindi ko alam kung titingnan ko ba 'to ng masama o tatawanan na lang. Halata naman kasi na pinagloloko na naman niya ako.

I only gave him a sarcastic smile. Natawa siya.

Redefining Fate (Amor Fati Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon