Kabanata 10 | Confess
Parang may pader na sa pagitan namin ni Arco na ako mismo ang gumawa. Ayaw kong masira ang kung ano mang pinagsamahan namin dahil lang sa mga bata pa naming mga puso.
Kung tunay nga na may nararamdaman siya para sa akin, sigurado akong mawawala rin iyon.
I never had a crush. Iyong tipong kikiligin talaga ako. Hindi ko pa naranasan iyon.
Siguro dahil sa hirap ng buhay namin noon, masaya na ako sa mga mumunting bagay na nangyayari sa amin. Ang tanging laman lang ng isip ko ay ang kaligayan at katiwasayan ng buhay namin. Ang maging proud sina Mama at Papa sa akin. Ang magse-celebrate kami ng birthdays sa tabing dagat na ang handa ay isang cake at softdrinks na sapat na sa amin. Kasama si Lilith.
“Arieees!” Namilog ang mga mata ko dahil sa tili ni Lilith.
Sumusulat na naman ako sa journal ko habang nakahiga siya sa aking kama at mukhang may ka-chat sa cellphone.
“Doon daw tayo sa bahay nina Arco sa Sabado!” Kinikilig na sabi nito at niyakap pa nang mahigpit ang unan ko.
Napangiti ako. Hindi ko na magawang kiligin pa para sa kanya pero masaya ako.
“Nag-chat sa'yo?”
“Oo! Tinanong niya muna ako kung makakapunta ako bago i-chat sa gc natin!”
Masayang-masaya siya. Bakas sa kanyang mukha at boses ang kagalakan.
May gagawin nga kaming group project sa Arts. Napag-usapan naming sa group chat na lang kami mag-p-plano.
Bukas na rin naman ang Sabado. Isang linggo na matapos sabihin ni Arco sa akin na huwag kong iisiping may gusto siya kay Lilith. Ngayon, iniisip kong sinusubukan nga niya itong magustuhan.
Dahil iyon daw ang gusto ko?
That speaks a lot. Hindi ako tanga para hindi maintindihan iyon. Hindi rin naman ako sanay sa mga lalaki pero nagkakaroon din naman ako ng hinala.
“Alam mo...”
Umayos siya ng upo. Ipinatong niya ang unan sa binti at pinatong ang siko doon.
She rested her chin on her palm and looked up the ceiling. Her eyes looked dreamy. Despite her pale face, I feel like she is surrounded with colors of happiness. I cannot rain on that. I cannot let anything hurt her just because she likes someone.
“Totoo nga. Crush na crush ko si Arkin... pakiramdam ko... nagmamahal na ako...”
Kumibot ang labi ko sa huling sinabi niya.
Is it that deep already, Lilith?
Nababahala ako, sa totoo lang.
Pero ngumiti ako. I tilted my head as I turned my chair to look at her more properly. Para hindi na rin mangawit ang leeg ko sa kalilingon lang sa kanya.
“Pwede 'yon, diba? Kahit bata pa? Hindi ko alam na... pwede pala talagang magmahal kahit bata pa...” Aniya, ang mga tingin ay nasa kawalan.
Probably puppy love.
There are people who find love at their very young age and it lasts. Meron ding hindi nag-work. But it depends on every person's fate. Iba-iba naman talaga eh. Maswerte lang siguro kayo kung pareho kayo ng mahal mo na nakatadhanang magkasama hanggang sa huling sandali.
“Pwede naman. Masarap sa feeling?” Nakangiting tanong ko habang pinaglalaruan ang ballpen sa aking kamay.
“Sobra...” Mahigpit niyang niyakap ang unan at muli na namang kinilig habang may iniisip.
BINABASA MO ANG
Redefining Fate (Amor Fati Series 1)
Roman d'amourPeople around Aristhea "Aries" Philomena Esquivel thought that her life is full of good lucks. The truth is, like them, her life isn't an easy one way towards happiness and success. She had gone through heartbreaks, witnessing crimes, betrayals, and...