Kabanata 3| Crush
Parang hindi naayon sa amin ang araw ngayon. Halos lahat ng mga guro namin sa iba't ibang asignatura ay masama ang modo.
"Guys, dumaan muna kayo sa room bago umuwi," paalala ko sa mga kaklase ko. Alam kong didiretso ang karamihan sa kanila sa pag-uwi.
Walang pakialam kung hindi naka-sign-out sa logbook dahil sa susunod na araw, pipirmahan naman nila.
"Hoy si Arco, wallpaper si Aristhea!" Nagtawanan ang mga kaklase namin sa sinabi ni Van, kaibigan ni Arco.
Tumaas ang kilay ko at nilingon si Arco.
"Sa room, sabi ko!"
"Ang KJ mo, Ma'am!" Sigawan nila.
Sanay na ako sa mga palabiro kong kaklase. Lalo ka pang tatawanan ng mga iyan sakaling seseryosohin mo ang mga sinasabi nila.
"Sige na. Gusto niyong makauwi nang maaga, diba?" Ulit ko.
"Aristhea Philomena for President!"
Muli na naman silang nagtawanan. Tiningnan ko nang masama si Arco.
Pangulo talaga sa kalokohan ang isang 'to.Nauna na lamang kami ni Lilith sa classroom. Kahit loko-loko ang mga kaklase namin, masaya silang kasama. Mayroon mang mga nagpaplastikan, marami naman sa kanila ang totoo. Masarap silang kaibigan. Ito na siguro ang batch na hinding-hindi ko makakalimutan.
Matapos ng mabilisang pag-ayos sa room at pagbinyag ng mga halaman, naglakad na kami pababa ng eskwelahang nakatayo sa taas ng burol. Didiretso kami ni Lilith sa grocery store namin doon sa mismong bayan. Mahaba-habang lakad lang naman ang kailangan at makakabot na kami roon. Hindi rin nakakapagod ang maglakad kung talagang maglalakad lang kayo ng normal at sasabayan ng pag-uusap.
"Libre naman diyan, Aries," biro ni Arco.
Nasa harapan namin ito habang patalikod ang paglalakad. Ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang kanyang cellphone. Pansin ko ring ang kaninang nagsasalitang Lilith ay tahimik na.
"Si Mama sabihan mo."
Napa-tss ito.
"Huy, seryoso ako," mahina akong tumawa.
Akala siguro nito, nagbibiro ako.
"Joke lang. Bibili talaga ako do'n," bawi nito.
Nagkibit-balikat lamang ako. Tumabi siya kay Lilith sa paglalakad.
"Tahimik ka, babe?"
Tumawa ako at napailing-iling.
"Babe ka diyan..." mahinang bulong ni Lilith. Napabungisngis si Arco.
"Libre kita, gusto mo?" Tanong ulit nito.
Nagmistulang third-party ako dahil sa kanila. Naghanap ako ng pwedeng samahan o palusot para iwan silang dalawa.
Harmless naman si Arco. Maasahan naman ang mga kaklase namin.Nakita ko si Hadassah na nag-iisang naglalakad kaya siya ang pinuntirya kong samahan.
"Take your time..." tukso ko bago sila iwan.
Tinawag pa ako ni Lilith. Nilingon ko lamang siya at ngumisi habang kumakaway.
May pakiramdam akong may tinatagong pagtingin si Lilith kay Arco. Kilala ko na ang bestfriend ko. Pero, kung ayaw niyang sabihin sa akin, ayos lang. Alam kong sasabihin rin niya sa susunod.
"Dadaan ka sa store niyo?" tanong ni Hadassah, ang tingin ay sa dinadaanan.
Maraming mga estudyanteng naglalakad patungo sa parking-an ng mga tricycle. Iyong iba ay titigil sa waiting shed at maghintay ng jeep.
BINABASA MO ANG
Redefining Fate (Amor Fati Series 1)
RomancePeople around Aristhea "Aries" Philomena Esquivel thought that her life is full of good lucks. The truth is, like them, her life isn't an easy one way towards happiness and success. She had gone through heartbreaks, witnessing crimes, betrayals, and...