"I'm sorry, I mean to say it was my fault." — Vaughn Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••NASA labas lang kami ni Amarah. Tawag ka kung gusto mong sumunod. — Mihira
Napahinga ng malalim si Illyza matapos basahin ang sulat na iniwan ni Mihira. Kakatapos lang niyang magbihis nang makita itong nakadikit sa pintuan ng kwarto. Kaya pala ang tahimik sa sala lumabas pala ito kasama ang anak.
She exited from the room and sat on the sofa.
Tahimik, nag-iisa na naman siya. Napahinga siya ng malalim. Muling nanumbalik sa kanya ang nakaraan, ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan pero isang napakalaking imposible. Trying to forget the past is like trying to kill a hero, kahit patayin mo ito hinding-hindi ito makakalimutan ng kahit na sino. Gano'n din ang ala-ala kahit pilitin mo itong kalimutan imposibleng manyari.
She sighed and was about to dial Mihira's number when the door suddenly opened.
Dali-daling pumasok si Mihira karga-karga si Amarah. Maputla ang mukha nito at balisa, sa itsura palang nito para itong natatakot.
"Illyza, diyos ko! Patawarin mo 'ko hindi ko nabantayan ng maayos ang bata..." Mabilis nitong sabi at binigay sa kanya si Amarah.
"Bakit? Anong nagyari?"
"Baby Amarah naman, hindi tayo ang may-ari nito. Bakit mo kasi nagawa 'yon, hindi naman yun laruan."
"Huh? Ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan."
Tinignan siya ni Mihira. "Illyza kasi..." Tumaas ang kilay niya. "Si Amarah,"
Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"
"Nakasira ng gamit dito,"
Nanlaki ang mga mata ni Illyza sa narinig. "Ano?"
"Kaya sobrang tahimik hinihila pala yung mga dahon ng halaman ayon nagkapira-piraso at nahulog sa sahig."
"Ano? Papaanong nagawa ng anak ko 'yon? Hindi ito naninira ng gamit."
"Yun na nga halos nawalan na ng dahon ang halaman, akala siguro laruan. Sorry Illyza, sorry for putting you in trouble. Sorry hindi ko nabantayan ng maayos ang bata, sorry..."
Napahinga ng malalim si Illyza at pinaupo sa sofa ang anak. Problemado siyang pumikit ng mariin at hinilamos sa mukha ang kamay.
"Mabuti nalang medyo mabait yung lalaki, ewan ko lang kung ano siya dito, pinapalitan lang niya ang halaman hindi man lang siya nagalit... pero suplado eh, sayang ang gwapo pa naman hindi ko na tuloy siya type nakakaturn off."
She looked at her problematically, of what happened nagagawa pa nitong sabihin yun. She shook her head and sat beside her daughter. "Duda ako, hindi tayo makakalabas dito nang hindi iyon nababayaran. Siguro mamaya, bukas o sa susunod na mga araw padadalhan tayo ng bill para sa halaman na nasira."
Mihira stares at Illyza in melancholy, she sat across her on a single chair. "Sorry talaga Illyza, 'wag kang mag-alala tutulungan kita sa pagbabayad."
"Hindi na salamat, anak ko ang nagkasala kaya okay lang."
"Pero ako ang nagbantay..."
Tumikhim siya. "Teka... iyong lalaki ba, siya ang may-ari o manager dito? Gusto ko siyang makausap."
"Yan ang hindi ko alam. Basta hindi naman siya nagalit pero may pagkasuplado talaga."
YOU ARE READING
SERIES 2: Trapped In Sadness
RomanceSERIES 2 Captain Vaughn Vestager, was forced to leave the Air Force for some ulterior matters. Serving his country is his top priority but an incident squelched him to be a public-spirited person. ••••••• L...