TIS Chapter 14

462 9 3
                                    

"There is one place I could be happy, and that is to stay in sadness"Jasmine Illyza Martin Relova
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
This chapter is dedicated for Ms_euphoriaaaa
















HUMINGA ng malalim si Illyza nang pumasok ang ina sa kwarto.

"Mukha kang binagsakan ng langit at lupa diyan sa itsura mo."

She kept her mouth shut. Kunting-kunti nalang mawawala na ang respeto niya rito.

"Ah, nga pala..." Tinignan siya nito nang nakataas ang kilay. "Bumalik kana sa pag-aartista. Ipalaglag mo 'yang bata sagabal lang 'yan sa'tin. Kung si Kevin lang ang ama niyan siguro matatanggap ko pa dahil marami 'yong pera. Do'n mo nalang kay Kevin ipaako ang bata, mahal ka niya diba? I'm sure matatanggap niya 'yan."

Kumuyom ang kamao niya nang sabihin nito iyon. Pinunasan niya ang mukha at huminga ng malalim. Husto na. Ang pisi ng kanyang pasensya sa ina ay tuluyan ng naputol kaya wala na siyang pakialam pa kung saan mahahantong itong galit niya. Pwede siya nitong saktan physically and emotionally 'wag lang idamay ang anak niya dahil ibang usapan na yun.

Binalingan niya ito ng puno ng galit ang mga mata. "Lumabas na po kayo hanggat kaya ko pang pigilan ang bibig ko." Mariin niyang sabi.

Nanliit ang mga mata ni Veronica sa sinabi ni Illyza. She crossed her arms at taas noong tinignan ang babae na nakaupo sa kama. "Anong sabi mo?"

Illyza's face is void with any emotions. She's tired of her, she's tired of humbling herself for her, she's tired of understanding her, she's tired of everything about her and her family. Pagod na siya, husto na lahat ng paghihirap na naranasan niya sa mga kamay nito. It's time to fight. Wala naman na siyang ibang matakbuhan pa kundi sarili nalang niya, why not fight.

"Huling beses ko na po itong uulitin. Lumabas na po kayo hanggat kaya ko pang pigilan ang bibig ko."

Nanlaki ang mga mata ng babae sa narinig. Ang mga kamay nito ay kumuyom. "WALANG HIYA KA! BASTOS KANG BATA KA! MATAPOS KITANG PALAKIHIN, PAKAININ AT BIHISAN ITO LANG ANG IGAGANTI MO?! WALA KANG UTANG NA LOOB HAYOP KA!" Sigaw nito.

"Tumatanaw ako ng utang na loob matagal na panahon na 'nay. Hindi mo lang nakikita dahil nabulag ka sa galit. Sa walang kwentang galit mo na ikaw mismo ang gumawa! Lahat-lahat ginawa at binigay ko sa inyo, pero ano? Hindi mo padin nakikita dahil sa galit mo sa mama ko na dito mo binunton sa akin! Isa kang taong ganid 'nay! Isa kang taong pwede kong ikompara sa demonyo!" Galit na sabi niya. Wala na siyang pakialam kung masaktan man ito sa sinabi niya basta nasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin. Wala na siyang pakialam pa dahil simula ngayon aalis na siya sa pangangalaga nito. She's old enough, kaya na niya ang sarili. Hindi na siya papayag pa na masaktan siya nito lalong-lalo na ang pinagbubuntis niya. Huminto siya at sarkastikong tinignan ito. "Sa ating dalawa, ikaw ang hayop 'nay." Umiling-iling siya. "Aalis na ako, 'wag kang mag-alala hindi muna ako makikita pa."

Nanginginig ang mga kamay ni Veronica sa galit at tinuro siya nito. "Wag na 'wag mo akong takutin—"

"Hindi ko po kayo tinatakot 'nay. Nagsasabi lang po ako ng toto—"

"HAYOP KA! HINDI KITA PINALAKI PARA SAGUT-SAGOTIN LANG AKO NG GANITO HAYOP KA!" Sigaw nito at sinugod si Illyza. She slapped her side-to-side at hinihila ang buhok nito.

Pikit, pag-ilag at pagpigil sa kamay ng ina ang tanging nagawa ni Illyza. Sobrang sakit ng sampal at paghila nito sa buhok niya pero ininda niya ito.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now