"I'm always here for you. And whatever happens in the US, just give me a ring and I'll be there, not literally but, I will be there to help you." — Monique Allison Youdelman
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••"INGAT kayo do'n Illyza,"
Nakangiting sabi ni Monique. Nandito sila ngayon sa opisina ni Kevin sa Youdelman International Airport nagpapalipas ng oras. Good thing Kevin isn't around.
Ngayon ang alis nila Illyza papuntang US at masaya siya dahil ito ang simula ng malaking pagbabago sa buhay niya, thanks to Mihira dahil ito ang tumulong sa kanya.
"Pakarga nga ako sa baby Amarah namin," ani Monique at tumabi ng upo kay Illyza sa sofa. "Mamimiss ko talaga ang batang 'to."
Napangiti si Illyza. "Masyado na talaga kaming nakakaabala sa'yo Monique. Do'n nalang kami sa waiting area maghihintay."
Ngumiti si Monique at tumingin sa kanya. "Sabing okay lang, masaya nga ako dahil kahit papano, nakatulong ako."
"Maraming salamat Monique, maraming salamat sa lahat ng tulong na binigay mo sa'kin, saming dalawa ng anak ko."
Tikom bibig na ngumiti si Monique. "Alagaan mong mabuti ang anak mo do'n huh..." paalala nito. "You are the most important person in her life. All I ever wish is for you to be brave and empower yourself to fight against the crux of life." Binigay niya muli kay Illyza ang bata and cupped its face. "I'm always here for you. And whatever happens in the US, just give me a ring and I'll be there, not literally but, I will be there to help you."
Tumulo ang luha ni Illyza nang tuluyang umangat ang eroplanong sinasakyan nila. This is the reality, she can't back out now.
Huminga siya nang malalim at tinanaw ang unti-unting pagliit ng mga tanawin sa ibaba. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila ng anak pagdating sa US pero isa lang ang hinihiling niya, sana hindi na niya makita pang muli ang ama ng anak niya dahil hindi niya alam ang gagawin dito 'pag nakita niya ito. Pero kampante naman siyang hindi magko-krus ang landas nila, malaki ang US para magkita pa silang dalawa. Pupunta lang siya do'n para tuluyang makamove-on sa mga nangyari sa buhay niya at maghanap buhay sa batang pinakamamahal niya. 'Yon lang 'yon wala ng iba.
"Okay ka lang Illyza?" Tanong ni Mihira na nasa tabi niya nakaupo.
Tumango siya at pinunasan ang mukha. "Okay lang, naiyak lang ako dahil mamimiss ko ang Pilipinas."
The woman smiled. "One year lang naman pagkatapos no'n pwede ka nang bumalik... at sa pagbalik mo, I'm sure wala ng sakit sa nakaraan." Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi mo man makalimutan ang nakaraan at least may natutunan ka diba?"
She smiled but it didn't reach her eyes. "Salamat,"
"Walang ano man, idol kasi kita eh. Ang ganda kaya lahat ng mga teleserye mo," pinasigla ni Mihira ang boses nang sabihin 'yon. "Ang ganda mo bagay mo talagang mag-artista pero okay lang, mas bagay sa'yo ang maging ina ni Amarah." Kinurot nito ng mahina ang pisngi ng bata. "Si Amarah namin na maganda, na mabait at hindi iyakin..." Masiglang sabi nito at nilaro-laro ang bata.
Illyza's heart sunk in the view of her daughter smiling with felicity. Nasasayahan itong nilaro-laro ng kaharap. Tawa ito ng tawa kaya napahalik siya sa pisngi nito.
"I love you baby," buong pagmamahal niyang sabi.
Tumawa ang bata at hinaplos ang kanyang pisngi. "Mama, wab you, mama," paisa-isa nitong sabi kaya mas lalong nasiyahan ang puso niya. Hindi man nito mabigkas ng maayos ang salitang love at least naintindihan naman niya. Being a mother is the best and the most fulfilling job she ever had. Wala na siyang hihilingin pa, wala mang amang kasamang gagabay sa bata but still she can stand both a mother and a father.
YOU ARE READING
SERIES 2: Trapped In Sadness
RomanceSERIES 2 Captain Vaughn Vestager, was forced to leave the Air Force for some ulterior matters. Serving his country is his top priority but an incident squelched him to be a public-spirited person. ••••••• L...