#UNP
Kabanata 2: Topless"Kung isa itong panaginip ayoko ng magising pa"malagkit ang titig niya sa akin.Umiwas ako ng tingin.Nagsisimula na akong maintimidate sa mga galaw niya.Nilahad ko ang palad ko sa ere at sinalo ang patak ng ulan kaagad naramdaman ng palad ko ang lamig nito.
"May pagkain ka ba sa treehouse?Gutom na kasi ako" sabi ko.I just stared at my palm kung saan sinasalo ang patak ng ulan.I can still feel his heavy presence and his deep eyes staring at me.Napabuntong-hinunga ako at mahigpit na napahawak sa railings ng balcony.Kakaiba talaga ang kinikilos ni Matias.
"Wala"wika niya ng naramdaman ko ng hindi na siya nakatitig sa akin ay napabuntong-hininga ako.Grabe! Parang nawalan ako ng hininga sa mga titig niya.Siguro hindi parin siya makapaniwala na nandito ako.Ako nga rin, hindi ako makapaniwala.
Paano kaya ako napunta dito.I mean diba nilibing na nila ang bangkay ko.Baka siguro kapag namatay ka unlimited ang katawan mo.Natawa ako ng mahina dahil sa kalokohang pumasok sa isip ko.
"Si Zehhan?Kumusta na siya?"naibaling ko ang tingin sa kanya.Nilingon niya ako at umigting ang panga niya habang seryosong nakatitig sa akin.Nagulat ako ng tinalikuran niya ako,napakamot nalang ako sa ulo ko at sinundan siya para tuloy akong sisiw na sunod ng sunod sa inahing manok at ang inahing manok na tinutukoy ko ay itong si Matias.
"Bakit ka ba sunod ng sunod"tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.Napaatras ako sa gulat.
"Hindi mo kasi sinagot ang tanong ko!"inis na sabi ko.
"Kasi ayokong pag-usapan natin ang lalakeng iyon! Talagang si Zehhan lang ang nasa isip mo,huh?"mahigpit niyang hinawakan ang pupulsuhan ko at tinaas ito.Binawi ko ang kamay ko at tinignaan siya ng masama.
"Ikaw naman ang una kong pinuntahan"nakangusong sabi ko at ngumiti sa kanya at kinurap-kurap ang mata ko.Nagpapakyut para mapawi ang galit niya sa akin.Ahshishi
"I don't know,hindi ko alam kung nasaan na siya pagkatapos ka niyang iwan sa kalsada na duguan at dineklara ng doctor na patay ka na,hindi ko na siya nakita"malamig na sabi niya.Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi at hindi maiwasan ang malungkot sa sinabi niya.Hanggang sa kamatayan ko wala parin siyang pake sa akin.
"Ohhh! Tumila na ang ulan!"wika ko para putulin ang tensiyon na namamagitan sa aming dalawa.Tinalikuran ko siya at naunang naglakad pababa ng hagdan ng treehouse.Naramadaman ko naman ang mabigat na presensya niya na sumunod sa likuran ko.
Kaagad kong pinatayo ang bike na hiniram ko.Paano ko ba ito isasauli!? Babalik nalang ako sa school pero sa ngayon sasama muna ako kay Matias lalo na't nagugutom na ako.
Nakapamulsa siya habang naglalakad at bit-bit ang nakatiklop na payong sa isang kamay niya,habang ako naman ay naglalakad habang hinihila ang mountain bike na hiniram ko lang.
"Paano ka nakabalik?Hindi ko maintindihan?Nailibing na namin ang bangkay mo"biglang salita niya pero mahinahon lang.Umihip ang marahan na hangin at sinayaw ang mga puno at halaman sa gilid ng kalsada na ngayon ay basa ang dahon dahil sa ulan.
"Ewan nagising nalang ako nasa ilalim ng lawa" i said.
"Then?"wika niya at naghihintay pa sa susunod na ikwekwento ko.Palihim akong napangiti.Hindi parin siya nagbabago pagdating sa akin.Gusto niya talaga marinig ang mga kwento ko.
BINABASA MO ANG
ULAN NG PAG-IBIG
Teen FictionPaano kapag bumalik ang taong patay na. Mahigit ilang taon ang nakalipas sa pamamagitan ng patak ng Ulan?