#UNP
Kabanata 9:His Arms"Kumain ka pa"wika ni Taneo.Halos hindi ako makagalaw at hindi ako makahinga dahil sa ginagawa niya sa akin. I'm not numb at hindi rin ako bobo alam kong interesado siya sa akin.Hinayaan ko nalang siya.
"Ayieee kuya saan kayo nagkakilala ni Shenny?"kaagad kong binangga si Jillian sa balikat niya gamit din ang balikat ko dahil sa tanong niya.Tumawa naman si Jillian ng mahina at sinundot ang tagilirin ko.Napanguso nalang ako.
"Binigay siya ng ulan sa akin"wika ni Taneo.Natigilan silang lahat pero kaagad binasag ni Jillian ng kantyaw at asar ang katahimikan na bumabalot.Kainis! Bakit ba parang napapansin kong may gusto na siya sa akin? Ayaw kong mag-asumme pero yung mga gestures niya.Hay! bahala na nga! Basta kaibigan ko siya at magkaibigan kaming dalawa.Wala naman dapat akong ikabahala,diba?
Pagkatapos naming kumain ay kaagad kaming bumalik sa classroom namin,hinatid pa talaga kami ni Taneo kaya hindi ko mapigilan ang mahiya.
Nakikinig lang ako sa lecture ng subject teacher namin buong araw habang nagdradrawing ng butterfly na mariposa sa notebook.Natigilan ako ng may naalala ako.Napangiti ako ng maalala si Matias.Dahil mahilig si Lola magburda ay mahilig na rin ako doon.Kaya naman noong nalaman kong pasok at dadalhin na siya ng mga talent scout sa maynila para ituloy ang carrer niya bilang solo artist ay nagtahi ako ng panyo at binurdahan ko iyon mariposa.
Pinahalagahan kaya niya ang binigay ko sa kanya? Nang maibigay ko iyon sa kanya ay masaya siya pero hindi rin niya mapigilang malungkot dahil mamiss niya daw ako at ang panyo na may burda ng mariposa ang ipupunas niya sa luha niya kapag umiyak siya at nangulila siya sa akin.
"Punta tayo sa peryahan! Shenny! Isasama ko si kuya at mga kaibigan niya!"biglang sabi ni Jillian habang nagliligpit ako ng gamit sa bag ko.
"Oo!"sabay na sabi ni Christine at Dianne halata ang excitement sa kanilang mukha.Gusto ko sanang sumama pero ayaw ko na,kasi baka magalit na naman ulit si Matias! Kainis! Malamig pa naman kami sa isa't isa ngayon lalo na't nag-away kami tungkol sa trabaho niya!
"Naku! Magagalit ang tiyo ko!" malungkot na sabi ko.Kunware lang.
"Ahh ganoon ba!"malungkot na sabi ni Jillian.
"Kung ganoon!Pinagalitan ka ba ng tiyo mo noong nakaraan?"usisa ni Christine.Nakanguso naman akong tumango.Sabay namang bumagsak ang mga balikat nila.Natawa nalang ako ng mahina.
"Siguro next time nalang kapag hindi na galit si tiyo"nakangiting sabi ko at kaagad na sinuot ang bag ko.Mahigpit akong napahawak sa magkabilang strap nito.
"Sigehh pangako yan ah!"masiglang sabi ni Jillian.
"Oo naman Jill,mauna na ako sa inyo ha!"nakangiting sabi ko at kaagad na tinalikuran sila.Paglabas ko ng pintuan ng classroom namin ay nanlaki ang mata ko ng makita si Taneo na nakapamulsang naglalakad sa hallway habang nakangiti.Hindi dapat magtagpo ang lanadas namin! I need to go!
BINABASA MO ANG
ULAN NG PAG-IBIG
Teen FictionPaano kapag bumalik ang taong patay na. Mahigit ilang taon ang nakalipas sa pamamagitan ng patak ng Ulan?