CHAPTER 4

3K 75 3
                                    

CHAPTER 4.

Nagising ako na parang may nakatitig sa akin, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakatitig na si...

"P-prof Neel."

Napaayos agad ako ng upo nang napagtanto kong siya pala ang nakatitig. Nilibot ko ang aking tingin at nasa office pa rin niya ako. Nasan si Prof Keth?

"Are you looking for Prof Keth?"

Napatingin ako sa kaniya nang itanong niya iyon. Napaiwas agad ako ng tingin dahil ayokong makipagtitigan sa mga mata niya.

"You're so lazy to work. Why did you let Prof Keth finish your goddamn work?!"

Nagsimula na naman akong manginig nang tumaas na naman ang boses niya. Napayuko nalamang ako.

"Si Prof Keth po ang nagpumilit na siya nalang ang tatapos sa lessons mo."

"LIER!!"

Napapikit ako sa malakas at galit niyang sigaw.

*Triit triit triit*(tunog po yan na kung sa bahay pa ay dingdong chaar. Basta imagine niyo nalang🤣)

Nagtungo naman siya sa pintuan at binuksan iyon.

"Good afternoon Prof Neel.", rinig kong boses babae.

"Ms. Williamson, come in."

Nag-angat naman ako ng tingin nang marinig ang apilyedo ni Ms. Rose Ann Williamson.
Napatayo ako.

"Good afternoon Ms. Williamson!", bati ko.

Napalingon naman siya sa akin at ngumiti.

"Ms. Barnes, bakit nandito ka pa? Diba uwian na?", taka niyang ani.

Uwian na pala?!
Napakamot ako.

"May pinapagawa kasi ako sa kaniya.", Jhon said with serious tone.

"Really? Siguro naman kailangan mo ng umuwi Ms. Barnes. Sabay nalang tayo."

Mabait si Ms. Williamson, mukha ko na rin siyang Mama ko dahil sa pagtrato nito sa akin na sobrang maalaga.

"Maybe, bukas nalang ako magpapatulong sayo Prof Neel kasi nandito pa si Ms. Barnes na makasabay kong umuwi."

Pasimple kong tinignan si Jhon na sobrang talim ang titig sa akin kaya napaiwas ako.

"Uhm...Okay. Sure! You can go now with Ms. Williamson, Ms. Barnes."

Napatango ako habang nakayuko.

"Let's go Ms. Barnes?"

Tumango ako at sumunod na kay Ms. Williamson. Pero bago ako nakalabas ay hinawakan pa niya ako sa braso at bumulong na ikinatindig ng balahibo ko.

"I will make sure na makukuha ulit kita.", bulong nito.

Then he let go of me kaya patakbo akong lumabas sapo-sapo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.

'Hindi kita hahayaan na makuha mo ulit ako Jhon. Sinaktan mo na ako noon at hindi na ako papayag na makukuha mo ulit ako at saktan mo na naman.'

Hinintay ko muna si Ms. Williamson na lumabas sa office niya dahil kinuha pa niya ang kaniyang bag.

"Ms. Barnes!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at sumilay agad ang ngiti sa aking labi.

"Prof Keth!"

"Uuwi ka na?"

"Ahm...Opo, hinihintay ko lang po si Ms. Williamson."

"Really? Makikisabay na rin sana ako sa inyo. Nasira kasi ang sasakyan ko."

MY EX IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Where stories live. Discover now